DAPAT sana masaya na ako dahil wala na kami ni Allycia pero iba ang nararandaman ko ngayon. Sobrang sakit at bigat ng dibdib ko. Parang kalahati nang buhay ko ang nawala. Ewan ko ba pero parang may pagsisisi akong nararamdaman ngayon. Pakiramdam ko ngayon parang may kulang na sa buhay ko. Pero mabuti na din ang nangyari kasi talagang hindi ko na mahal si Allycia. Wala na ako kahit konting nararamdaman sa kanya. Sa totoo lang naawa din ako. Kaya lang mas lalo kasi siyang masasaktan kapag pinatagal pa namin ang relasyon namin. Kaya tama lang talaga na maghiwalay na kami. Para matapos na din ang ilang taon niyang pagpapakatanga sa akin. She deserves someone better. ‘Yong kaya siyang mahalin ng buo at walang pag-aalinlangan. Hindi ‘yong kagaya ko na hindi siya kayang pahalagahan. Masasaktan la

