“HOY, sis. Tama na ‘yong kakaiyak mo diyan,”naawang sabi ni Daphne sa akin. Hinatiran niya ako ng pagkain ngayon dito sa kuwarto ko. Maghapon lang kasi akong nakakulong at hindi lumabas at walang ibang ginawa kundi umiyak ng umiyak. Sobrang sakit pa rin kasi. Pinipilit ko namang huwag isipin si Drew para hindi ako lalong masaktan pero hindi ko maiwasan. Siyempre hindi naman kasi ganun kadaling kalimutan siya agad, eh. Siya ang best friend ko at first love ko na naging first boyfriend ko. At ang masaklap siya din ang first heartbreak ko. Yeah, he’s my everything. Pero ngayon mananatili na lang siyang masakit na alaala. Dapat sana hindi na pinagtatagpo pa ang mga taong hindi itinadhana para sa isa’t-isa para hindi na kami masaktan sa bandang huli. Para ano pang nagmahal ka kung lolokohin

