Hindi ko kayang ipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko talaga ini-expect na makikita ko si Allycia ngayong gabi. Akala ko talaga hindi ako magiging apektado sa paghihiwalay namin. Pero bakit ganun? It hurts so much lalo nang makita ko siyang may kasamang ibang lalaki. Para akong sasabog sa selos kanina kaya hindi ko talaga napigilan ang sarili kong komprontahin sila. Alam ko namang wala na akong karapatan saka kanya dahil wala na kami pero naninikip talaga ang dibdib ko ngayon sa sobrang sakit. Nang tinalikuran nga niya ako kanina para na akong maiiyak, eh. Parang kalahati ng buhay ko ang nawala habang pinagmamasdan ko siya papalayo sa akin. Ang tanga ko kasi. Now that I lost her, narealize kong sobrang mahal ko pa din pala siya. Sayang dahil iniwan ko lang siya ng ganun ganun

