BAGO kami tuluyang nakalabas ni Rain ay agad kaming hinarang ni Drew malapit sa gate. Drew!” gulat kong sabi. Bigla akong sinalakay ng takot lalo ng makita ko ang madilim niyang mukha. Galit ang hitsura nito ng mga oras na 'yon. Agad akong napakapit sa braso ni Rain. Hinila naman niya ako at ipinunta sa likod niya at hinarap si Drew. "Halos kakahiwalay pa lang natin nakahanap ka na agad ng ipapalit sa akin," galit na sabi nito. Halatang nakainom ito dahil medyo namumula ang mga mata nito. Ewan ko kung ano bang problema nito. Wala na dapat siya pakialam kung anong gawin ko sa buhay ko pero heto siya ngayon tila nanunumbat. Pakiramdam ko tuloy ako parang ako pa ang may kasalanan sa nangyari sa amin. "Ano naman sayo? Wala naman na kayo di ba? Ikaw nga kayo pa nun pero nambababae ka na aga

