“Sis, ha. Hindi ka man lang nagsasabi sa akin. May secret admirer ka pala diyan, eh, “ kunwari’y nagtatampo na sabi ni Daphne sa akin. Nasa kuwarto ko siya nang mga oras na ‘yon at inaayusan ako. Sabi ko sa kanya simplehan lang niya baka kasi mamaya ang gagawin na naman niya ‘yong makeup na parang a-attend ako sa red carpet. Kaya maaga pa lang sinabihan ko siyang natural look lang ang gawin niyang ayos ko at birthday party lang naman ang puputahan ko. Kung tutuusin hindi na nga sana ako dapat nag-aayos eh. Pero nung malaman niyang may pupuntahan ako siya na mismo ang nag-offer na make-up-an ako at ito na rin ang namili ng isusuot ko. Mas excited pa sa akin ang bruha lalo nung malaman niyang may kasama akong lalaki. “Gaga. Advance ka din talagang mag-isip no? Hindi ko naman secret admire

