Hapon na nang ipinasya kong lumabas. Ang big bike ni kuya Enrique ang nilinis ko at inilabas ko sa garahe. ‘Yon ang gagamitin ko ngayon. Matagal na ‘yong nai-stock at di ginagamit mula nung umalis si kuya. Ayaw naman gamitin ni Papa at hindi niya masyadong kabisado. Baka mamaya kasi magkamali siya maaksidente pa siya. Kaya kadalasan kami lang talaga ni kuya ang gumagamit. Nung wala na si kuya, sa garahe na lang nakatambak ’yon. Pero hindi ko naman ‘yon pinabayaan. Kahit di na ginagamit ay nililinis ko pa rin ‘yon at inaalagaan. Ako kasi kapag lumalabas ‘yong kotse ang dinadala ko. Marami kasi akong dalang mga gamit lalo na kapag pupunta ako ng studio kaya hindi pwedeng gamitin ‘yong big bike. Sayang nga e, kasi ang ganda pa naman at mukhang bago pa ang hitsura nito. Ni wala ngang kagasgas-

