Maaga pa lang ay gising na ako. Nahihirapan pa rin kasi akong matulog ng maayos . Bumaba ako kanina para kumain ng breakfast pero umakyat din lang ako nang kuwarto pagkatapos kung kumain. Halos hindi pa din ako lumalabas pero at least ngayon medyo okay okay na ako. Kahit papaano nakakapag-isip na ako ng maayos. Masakit pa din siyempre lalo kapag naaalala ko ang ginawa ni Drew pero tinitiis ko na lang. Wala naman na din akong magagawa, eh. Tapos na. Nangyari na. Kaya tanggapin na lang. Sa totoo lang mahirap kalimutan. Para kasi siyang bangungot na paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko. Kaya kapag naaalala ko naiiyak pa rin ako. Masakit, eh. Sobra! Buti nga laging andiyan si Daphne. Halos oras-oras ay tumatawag ito para kamustahin ako. Talagang ginagawa niya ang lahat para i-comfort ako.

