Ilang araw na akong hindi nakakatulog at hindi nakakakain ng maayos. Wala akong ibang ginawa kundi magkulong sa kuwarto ko at mag-iiyak ng mag-iiyak. Ang masaklap nito hindi man lang ako naalalang bisitahin or kamustahin ni Drew. After ng ginawa niya sa akin dapat man lang sana inalam naman niya kung okay ba ako or kung humihinga pa ba. Ni hindi man lang niya naisipang mag-sorry. Grabe anong klase siyang tao? Ano ‘yon? Parang wala lang ba sa kanya ‘yong ginawa niya sa akin. Hindi man lang ba niya naisip kung gaaano katindi ang ibinigay niyang sakit at kung anong pinagdadaanan ko ngayon. Kahit nga itext or tawagan ako hindi man lang niya ginawa, eh. Halatang wala na siyang pakialam sa akin. For him parang wala na kami. Tapos na parang ganun. Hinihintay ko nga sana siya na puntahan ako pa

