Tila nagulat ang si Aling Rosing ng mapagbuksan niya ako ng gate. Matagal na itong naninilbihan sa pamilya nina Drew. Halos sa kanila na ito tumanda. Kahit napag-aral na nito ang lahat ng mga anak niya ay hindi pa rin ito tumigil sa pagkakatulong. "I-ikaw pala, Allycia, "medyo nauutal pa nitong sabi. Kilalang-kilala na ako nang matanda. "Andyan po ba si Drew, Nay?" nakangiting tanong ko. "A-ah ou. Andyan siya. Kadarating mo lang ba?" tanong nito. "Hindi po. Kahapon pa po ako dumating. Hindi lang po nakapasyal agad at pagod po kasi," sabi ko. "S-sige pasok ka na lang. Nasa kuwarto niya si Drew, "anitong tila balisa ng mga oras na 'yon. "Wala po ata sila Tita, "tanong ko. "Nasa probinsya sila. May dumating daw silang kamag-anak galing ng Canada at gustong pumunta sila dun," anito.

