Napangiti ako nang buksan ko ang kuwarto ko. Pagkatapos nang mahaba-habang biyahe ay nakarating din kami ng Pilipinas. Si Daphne ay dumiretso muna sa kanila at ilang araw munang mananatili doon bago pumunta dito sa bahay. Kinausap ko na lang muna ang caretaker na matulog muna ng ilang gabi dito para may kasama ako. Pumayag naman ito. Medyo natatakot din kasi akong mag-isa kaya habang wala pa si Daphne gusto kong may kasama muna ako. Ramdam ko ang pagod ko ng mga oras na 'yon. Inilagay ko ang maleta ko sa gilid ng kama. Mamamaya ko na iaayos ang mga gamit ko. Gusto ko munang magpahinga kahit sandali lang. Konti lang ang mga damit na dinala ko. Ayaw ko kasi nang masyadong marami ang dala. May mga damit din kasi dito sa bahay na puwede ko pang gamitin. Saka puwede din naman akong bumili any

