"Di ba totoong may babae 'yang bf mo. Sabi ko na kasi sayo ayaw mo pang maniwala, eh," naiiling na sabi ni Daphne. Katatapos lang na last subject namin. Pauwi na dapat kami pero nag-aya itong kumain. Nagugutom daw kasi kaya pinagbigyan ko na lang. Kaso hindi din lang ako makakain. Nakailang subo lang ako pero nawalan na din lang ako ng gana. Napansin niya 'yon kaya tinanong niya kung may problema na naman daw ba ako. Ayaw ko pa sanang magsabi sa kanya pero sa kakapilit niya'y napaamin din niya ako. Gulat na gulat ito sa sinabi ko at halatang nagagalit. Marahil naaawa ito sa akin kaya ganun. "Hindi ko pa naman sigurado kung totoo, eh. Hindi ko pa siya natatanong patungkol doon. Baka kasi mamaya mali ako ng akala," malungkot kung sabi. "Sus! Niloloko ka na nga ipinagtatanggol mo pa rin. S

