14

1304 Words
"HINDI ka ba nagagalit sa akin?" mayamaya'y tanong nito. "Anong namang ikakagalit ko?Masaya pa nga ako,eh,"nakangiti kong sabi."Napakapihikan mo sa babae pero si Allycia lang pala ang makakakuha ng puso mo." "Wala din naman akong magagawa. Sa kanya na tumibok ang puso ko,"kibit-balikat bitong sabi. "Puwera biro.Boto ako sayo para kay Allycia,"seryosong sabi ko.At least alam kong hindi niya sasaktan at paiiyakin si Allycia kung sakali man.Makakampante ako sa kanya. Naubo ito sa sinabi ko."Pinapalaki mo lang ang ulo ko niyan,eh. Baka mamaya pala gusto mo na akong sakalin "Seryoso ako.Bakit hindi ka kasi magtapat sa kanya at ng maligawan mo na. Ayaw mo kasing tulungan kita." "Hindi ganun kadali 'yon.Baka wala din lang akong mapala kapag nanligaw ako sa kanya ng hindi handa.Saka takot akong mabasted. niya. "Subukan mo lang.Wala din namang mawawala sayo,eh.Saka masuwerte ka sa kanya dahil ikaw ang unang magiging boyfriend niya kung sakali.At masuwerte din naman siya sayo," sabi ko sa kanaya na pinapalakas ang loob niya. Mapait itong ngumiti."Kahit na.Balewala din lang naman 'yon kasi may mahal na siyang iba.At kahit pa siguro gawin ko na lahat hindi ko pa rin maikakailang hindi ko matatapatan at lalong hindi ko mahihigitan ang lalaking laman ng puso niya." "Ano ka ba? Huwag kang panghinaan ng loob. HIndi mo pa nga nasusubukan sumusuko ka na. Huwag ganun,"naiiling na sabi ko. Ang liit kasi nang tingin niya sa sarili niya. Saka kulang siya sa self confidence. Dapat unang-una magkaroon siya nang tiwala sa sarili niya. Kundi walang mangyayari sa kanya. Kaya siya takot sumubok. "Sa tingin mo ba may pag-asa ako?" medyo alananing tanong nito. "Hindi natin malalaman kung hindi mo sususbukan. Medyo lakas-lakasan mo kasi ang loob mo. Ano ba naman yan? Manliligaw ka papatay-patay ka?" sermon ko sa kanya. "Maya maunahan ka pa. Wala na." "Nahihiya kasi ako,"nakangusong sabi niya. "Naku! Walang mangyayari diyan sa hiya-hiya mo." Mayamaya't natahimik ako. Nagiging palaisipan a rin talaga sa akin kung sino yong lalaking sinasabi nitong gusto ni Alllycia. Magkaibigan kami pero hindi man lang niya nababanggit ang bagay na yon. Ni hindi man lang pumasok sa isip kong may gusto siyang lalaki.Tahimik lang kasi. Iniisip ko tuloy kug nagliihim na ba siya sa akin? Pero kung toto man, marahil may rason naman siya.. "Sino ba kasi 'yong lalaking sinasabi mo na gusto ni Allycia.Sa pagkakaalam ko wala naman kasi, eh,"naiiling kong sabi sa kanya." Marahil nakukulitan na ito sa akin dahil sa paulit-ulit kong tanong? Wala,e. Gusto ko lang din naman aksing malaman. At talagang hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman kung sino yong lalaking yon.Kailangang makilatis ko kung sino man yon. "Akala mo lang wala. Hindi ka kasi marunong makiramdam," Napapailing nitong sabi."Ikaw 'yong kaibigan. Ikaw yong lagi niyang kasama kaya ikaw din dapat ang nakakaalam kung anong nangyayari sa kanya at kung sino o ano ang gusto niya." Tama naman siya. Siguro dahil nakafocus ako kay Celine, hindi na ako naging aware sa mga nangyayari kay Allycia. Tila nakalimutan ko na siya. Kaya hindi ko siya masisisi kung magsimula siyang maglihim sa akin. Kasalanan ko din naman dahil hindi ko na siya nabibigyan at nalalaanan ng oras mula nung maging kami ni Celine. "Pasensiya ka na.Wala din kasi akong alam,eh,"kibit balikat kong sabi. Totoo naman talaga. "Malalaman mo din kung sino yon. Or bakit hindi mo kaya siya tanungin na lang," suhestiyon nito. "Tingin mo magsasabi sa akin yon?" "Yon ang hindi ko alam," natatawa nitong sabi. Mayamaya pa'y nagpaalam na din ito sa akin. "Sige, maiwan muna kita. Mukhang nandiyan na yata si Mama," anito at nagmamadaling umalis na.. Naiwan akong nakatunganga at gulong-g**o ang isip.Nakakainis!Alam ko namang kilala niya yong lalaking sinasabi nito pero ayaw niya lang sabihin. Ewan ko kung bakit? Pinapahirapan pa talaga niya ako. Ano lang naman yong diretsa na niyang sabihin sa akin. Wala namanng mawawala sa kanya. Napabuntong-hininga na lang ako. KATATAPOS lang ng naming maglunch.Mamayang alas-dos pa ang susunod na klase namin.Nakakabagot na namang maghintay nito.Kaya tumambay na lang muna kami ni Drew sa gym.Pinapanuod na lang namin ang mga estudyanteng naglalaro ng badminton at volleyball.At mukhang naghimala yata dahil kasama ko siya ngayon.Nitong mga nakaraang araw kasi ay madalas silang magkasama ni Rafael.Tumatambay sila pareho sa Music Club.Ewan ko kung anong pinagkakaabalahan nilang dalawa doon. Kaya lang nakakapagtakang tahimik ito ngayon.Pero madalas ko siyang nahuhuling nakatingin sa akin ng hindi ko alam.Nakakailang tuloy.Hindi ko kasi alam kung anong tumatakbo sa isip niya ngayon.Kanina pa kasi siya ganito. "Ang tahimik mo,ah.Naninibago tuloy ako sayo.May problema ba?"hindi ko nakatiis na tanong sa kanya. Napabuntong-hininga ito."Wala naman." "Kung ganun para saan ang buntong-hiningang 'yan?"Nakita ko sa mga mata nito na tila may gusto itong sabihin pero nag-aalangan lang. 'Ano kayang nangyayari sa lalaking ito?' "May nasabi na ba sayo si Rafael tungkol sa babaeng gusto niya?" "Wala naman.Bakit mayroon ba?"curios kong tanong. "Oo.At mukhang malakas ang tama niya dun sa babae." Nagulat ako sa narinig.Ang lokong 'yon may babae na palang kinababaliwan ngayon.Pero bakit wala yata akong kaalam-alam sa bagay na 'yon. "Sino naman?" "Subukan mo kayang itanong sa kanya."Nakatingin na naman siya sa akin ng mga oras na 'yon.Pero hindi ko na lang pinansin pa. Napailing ako."Hmpft!Masikreto din ang taong 'yon,ah." Mayamaya'y tumingin na naman si Drew sa akin."Eh,ikaw?Sino naman ang nagpapatibok sa puso mo ngayon?" Nabigla ako sa sinabi niya pero hindi ko na lang ipinahalata.Bakit kaya bigla-bigla na lang magtatanong ito ng mga ganung bagay ngayon? "Wala naman,ah,"kaila ko. "Kainis ka naman.'Yong totoo kasi,ah.Para namang hindi tayo magkaibigan niyan kung ganyang naglilihim ka." 'Alangan namang sabihin kong ikaw!' "Parang nakakapagtaka yata.May pakialam ka na pala ngayon sa love life ko." "So,ibig bang sabihin niyan mayroon talaga?" Hindi ko alam kung anong gagawin ngayon.Basta na lang kasi siyang nangungulit sa bagay na dapat ay ako lang ang makaalam.Natataranta tuloy ako.Pero sa tingin ko naman wala pa naman siyang alam na siya ang lalaking 'yon.Saka isa pa wala akong balak sabihin sa kanya ang bagay na'yon ngayon.Ayaw ko munang malaman niya. "Ang masasabi ko lang may tao talagang lihim kong minamahal,"wala sa isip na sabi ko."Pero hanggang doon lang muna ang masasabi ko.Hindi ko naman pwedeng sabihin lahat sayo dahil masyado rin kasing personal." Ngumiti ito."Okay lang.Hindi ko naman kailangan malaman kung sino siya,eh.Tama na sa akin na malaman kong mayroon nga talaga." Nakokonsensiya din ako ngayon dahil hindi ko masabi ng diretsahan sa kanya ang totoo.Pero alam ko namang naiintindihan ako ng Diyos ngayon.Alam Niya kung gaano kahirap ang sitwasyon ko ngayon.Ayaw ko namang makipagsapalaran dahil lang sa damdaming ito sa kanya.Mas gugustuhin ko na lang na manatiling lihim ito kaysa masira ang pagkakaibigan namin na binuo at pinagtibay na ng panahon. "Salamat at naiintindihan mo ako." Tumango ito."Ang gusto ko lang huwag ka din sanang habang buhay na magpakatanga sa lalaking 'yon.Mahirap din kasing magmahal lalo na kapag ganyang one sided love." "Mahirap talaga.Pero okay lang kasi masaya naman ako."Masaya akong mahalin ka.Parang gusto ko na tuloy idugtong ang mga salitang 'yon. "Kung darating ang araw na hindi mo na kaya,kalimutan mo na siya.Tumingin ka na lang sa paligid at buksan mo ang puso mo sa iba.Tiyak may tao din na handang magmahal sayo at masa karapat-dapat sa pag-ibig mo." Ngumiti ako."Hindi na masama 'yang mga payo mo." Pero hanggang kailan ko nga ba siya patuloy na mamahalin?Sa totoo lang ginagawa ko naman ang lahat para unti-unting makalimutan ang nakamamatay kong damdamin sa kanya pero wala din lang epekto.Nahiling ko tuloy na sana nga dumating ang araw na mapagod na akong magmahal para matapos na din ang kahibangang ito.Minsan kasi parang hindi ko na din kaya.Sobra na din kasi akong nahihirapan.Alam mo 'yong pakiramdam ng taong nagmamahal pero halos araw-araw namang nasasaktan.Nakakainis na nakakaasar na ewan 'di ba? "Naman.Kaibigan mo ako,eh." Tama.Hanggang doon lang talaga 'yon.K-A-I-B-I-G-A-N.Hindi naman mahirap espelingen 'di ba. Walong letra pero mas masakit pa sa heartbreak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD