NAPAPIKIT ako.Nakakapagod din pala ang ganito.Isinandig ko ang balikat ko sa upuan at nahagip ng mata ko ang wallet ni Rafael na inilapag ko sa mesa kanina.Wala sa isip na iniabot ko 'yon at tinitigan sa palad ko.Ewan ko kung anong nagtulak sa akin para buksan ko 'yon.Hindi naman ako magnanakaw pero gusto ko lang talagang makita kung anong laman ng wallet niya.Tumambad nga sa akin ang ilang lilibohing pera ng buksan ko 'yon. Pero ang mas nakaagaw sa akin ng pansin ay ang picture ng isang babae na nasa wallet nito.Hindi ako maaaring magkamali.Si Allycia 'yon!Halos hindi ko nga mamukhaan pero siya talaga 'yon dahil sa kuwintas na suot nito.Masayang-masaya ito doon at tila hindi nito alam na kinuhan ito ng picture ng mga sandaling 'yon.Malamang stolen shot ang picture na 'yon.At aminin ko man o hindi pero maganda siya sa picture.Pero teka nga lang?Bakit kaya may itinatagong picture ni Allycia si Rafael?
Hindi rin naman ako maniniwalang ibinigay sa kanya dahil hindi 'yon gagawin ni Allycia.Mukhang wala nga siyang kaalam-alam sa picture na 'yon,eh.Kaya anong ibig sabihin nito ngayon?Bigla tuloy bumalik sa utak ko ang sinabi ni Rafael kanina.
"Kilalang-kilala mo siya.Araw-araw mo nga siyang nakikita,eh."
Hindi nga kaya si Allycia ang tinutukoy nitong babae?
Napailing ako.Hindi.Imposible yata ang bagay na 'yon.Pero paano ko naman ipapaliwanag ngayon ang picture na ito? Saka isa pa'y ano namang nagustuhan niya sa best friend ko? Kasi sa totoo lang hindi naman siya kagandahan sa paningin ko,eh.Ako nga na nakasama niya mula pa noong mga bata kami ay hindi nagkagusto sa kanya.Siya pa kaya.Haay!Nakakatawa lang talaga.
Ewan ko din talaga sa sarili ko. Never talaga akong nagkagusto kay Allycia. Hindi kasi kagaya niya talaga yong mga tipo kung babae.. Gusto ko yong medyo may class naman at puwedeng-puwedeng maipagmalaki.
Mayamaya'y naalalala ko yong sinabi ni Rafael.
"Siguro sa iba simpleng ganda lang ang meron siya.'Yon bang tipong hindi masyadong napapansin.Pero hindi naman importante sa akin 'yon.Minahal ko siya hindi lang sa panlabas na anyo kundi maging sa panloob.Simpleng nga lang siyang matatawag pero totoong tao naman para sa akin."
Pero hindi rin imposible 'di ba?Baka nga si Allycia talaga ang sinasabi nitong babae.Parang unti-unti na akong nakukumbinsi na siya nga ang babaeng gusto ni Rafael.Hindi rin kasi malabong mangyari 'yon.Malamang may nakita itong magandang bagay sa kanya na nagustuhan nito.Mabait din naman kasi ito at okay na kasama.Kayang sumakay sa kahit anong klaseng joke na ibabato mo sa kanya.Maaasahan mo din lalo na sa mga oras na kailangan mo talaga ng tulong.At siya 'yong tipo ng taong hindi ka basta iiwan.Isang mabuting kaibigan ngang matatawag.Kaya marahil 'yon ang nagustuhan sa kanya ni Rafael.Isa pa'y para din kasing may kakaiba itong pang-akit sa mga tao sa paligid niya.Oo tama, hindi nga siya kagandahan pero maraming natutuwa sa kanya kaya halos lahat gusto siyang maging kaibigan.At hanggang doon lang 'yon.GUSTO LANG SIYANG MAGING KAIBIGAN.Pero sinong mag-aakalang ang kasimplehan pala nito ang magugustuhan ni Rafael?Iba din pala ang mga tipo niyang babae kompara sa akin.Haay! Hindi ko tuloy alam kung anong iisipin ko ngayon.
Sa totoo lang bagay naman sila. Ako ang unang-unang magiging masaya kapag naging sila.
Sandali nga lang.Sino naman kaya 'yong tinutukoy ni Rafael na lalaking matagal ng mahal ni Allycia?Wala yata akong kaalam-alam sa bagay na 'yon,ah.Sa tingin ko kasi parang wala naman.Wala nga akong naririnig sa kanya tungkol sa mga crush niyang lalaki o kung ano-ano pa man.Hindi naman nagkukuwento,eh. Saka kung totoo man ang sinasabi ni Rafael,ako dapat ang unang makakaalam ng bagay na 'yon. Ako ang best friend at ako ang totoong nakakakilala ng husto sa kanya. Pero nag-iba na ba ang ikot ng mundo kaya hindi ko na alam ang mga bagay na nangyayari sa buhay niya.Na pati mga importanteng mga bagay sa kanya ay wala akong ideya.O talaga lang na marami pa akong hindi alam sa best friend ko kahit matagal na kaming magkasama.Hindi kaya may mga inililihim din siya sa akin? Pero wala naman akong maisip.
Napabuntong-hininga na lang ako at tahimik na nahiga sa kama ko.Nakakapagod tuloy mag-isip.Ang dami talagang nangyayari sa buhay ng tao na madalas ay hindi natin inaasahan.Pero kahit ano pa man ang mga bagay na 'yon,parte na ito ng buhay natin.Kasama na ito sa paglago natin bilang tao.Ngunit patuloy pa ring gumagawa ng papel hindi lang sa kasalukuyan kundi pati na rin sa hinaharap.
Mayamaya'y nararamdaman ko ng bumibigat ang mga talukap ng mata ko.Pati katawan ko'y ramdam kong bumibigay na din.Sa wakas makakatulog na din...
KINAUMAGAHAN nga ay ibinalik ko kaagad kay Rafael ay wallet niya.
"Salamat,ah.Akala ko nawala ko na talaga.Buti na lang nakuha mo ito,"tuwang-tuwang sabi nito.
"Pinairal mo na naman kasi ang pagiging makakalimutin mo,"napapailing ko na lang na sabi."Pasalamat ka at nakita ko pa bago ako umalis."
"Ewan ko ba.Nagiging sakit ko na yata talaga ito,"natatawa nitong sabi."Ang bata-bata ko pa nagiging akakalimutin na ako."
Natawa din ako ng ng wala sa oras sa sinabi nitong 'yon."Buti na lang wala akong ganyang sakit."
"Ayaw mo ba nun?Makakatulong sayo 'yon para mabilis kang makalimot at makamove on."
"Hindi na kailangan.Darating din ang araw na makakalimutan ko lahat ng nangyari." Pilit akong ngumiti. "Hindi ko naman kailangang magmadali."
Isang mahabang katahimikan ang namayani sa aming dalawa.
"Naniniwala ako sayo. Alam kong kaya mo yang. Ikaw pa ba,"nakangiting sabi niya.
"Salamat."Tila nabuhayn ako nang loob sa sinabi niya.
Hindi madali.Alam ko naman yon. Pero alam ko balang araw, makaka move on din ako. Wala namng imposible.
"Paano ba 'yan?Maiwan muna kita.Hihintayin ko pa kasi si Mama sa labas ng gate,eh.May importanteng sasabihin yata kaya hindi na niya ako mahintay na makauwi ng bahay at doon sabihin," naiiling nitong sabi.
Tumalikod na ito.Pero tinawag ko uli siya kaya muli itong humarap sa akin.
"Sandali lang.May itatanong lang sana ako,"sabi ko;
Hindi kasi ako mapakali,eh.At hindi rin ako matatahimik hangga't hindi 'yon naitatanong sa kanya.Gusto ko lang kasing malaman sa kanya ang totoo.Gusto ko lang makasiguro kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng nakatagong picture ni Allycia sa wallet niya.Alam ko na ang isasagot niya pero gusto ko pa rin 'yong marinig sa kanya. Gusto kong makasiguro/
"Parang alam ko na kung anong itatanong mo.Malamang nakita mo 'yong picture niya sa wallet ko," napaakamot sa ulong sabi nito.
Natawa tuloy ako sa reaksiyon niya."Pasensiya na.Hindi ko dapat pinakialaman ang wallet mo.Medyo natukso lang kasi ako,eh."
Ngumiti ito."Okay lang 'yon.Hindi naman ako nagagalit. Gusto ko lang manakal."
Natawa ako sa sinabi niya.
"Sorry na. Ito naman," biro ko sa kanya. "Pero siya ba ang tinutukoy mong babaeng gusto mo?"
Tumango ito."Matagal ko na siyang gusto.Pero hindi lang kasi ako makapagtapat ng maayos sa kanya dala na rin ng sitwasyon."
Naintindihan ko naman siya. Siyempre alam ko din namang natatakot din siya kung anong sasabihin ni Allycia sa kanya. Ang masakit kapag binasted siya. Na huwag naman sanang mangyari.
Napatango-tango ako.Tama nga talaga ako.
Bilang best fiend ni Allycia, wala namang problema on sa akin. Kilala ko naman siya. Mabait naman siyang tao at alam kung hindi niya kayang lokohin si Allycia. Mapapanatag ako kung si Rafael ang magiging bf ni Allycia. Mapagkakatiwalaan kasi talaga ito. Wala akong masasabi sa kanya. Guwapo din ito kaya hindi na lugi si Allycia. Ang tanong? Magutuhan naman kaya niya si Rafael?
"Sorry,ah.Na-in love ako sa best friend mo ng walang pasabi.Hindi ko nga alam kung paano nangyari 'yon,eh.Basta nagising na lang ako isang araw 'yong maamo niyang mukha at magaganda niyang mga ngiti na ang nakikita ko.Hanggang sa hindi ko na nga napigilan.Nahulog na ako sa kanya," pagtataat nito.
"Ang drama mo naman.Mas cor.ny ka pa pala sa lahat ng corny na nakilala ko."Gusto ko tuloy siyang pagtawanan ng mga oras na 'yon. Pero nagpipigil lang talaga ako.Baka mamaya kasi mainis ito sa akn.
"Gusto mo ba tulungan kita sa kanya?" tanong ko.
"Umiling ito. :Huwag na."
Bakit naman kaya? Ayaw ba niyang tulungan ko siya patra hindi na siya mahirapan?