"KAYA nga.At masakit din para sa akin kapag nakikita siyang nasasaktan dahil doon sa lalaki. Hindi ko siya kayang panuorin," naiiling nitong sabi.
"Eh,wala ka talagang magagawa.Parte na ng pagmamahal ang masaktan.Pero teka nga?Maganda ba talaga siya na dahilan para magkaganyan ka."
"Siguro sa iba simpleng ganda lang ang meron siya.'Yon bang tipong hindi masyadong napapansin.Pero hindi naman importante sa akin 'yon.Minahal ko siya hindi lang sa panlabas na anyo kundi maging sa panloob.Simpleng nga lang siyang matatawag pero totoong tao naman para sa akin. Mga kagaya niya talaga ang mga tipo ko,"sseryosong sabi nito.
Itinaas ko ang dalawa kong kamay."Woo!Wala na akong masabi.Talaga ngang in love ka sa kanya."
Grabe!Mahirap lang paniwalaan pero ganito pala siya magmahal.Hindi rin pala siya namimili pero parang wala kasi sa hitsura nito ang ganung ugali.Perfectionist siyang tao sa paningin ko pero kabaligtaran pala 'yon.
"Pero matanong nga kita?"Tumitig ito ng diretso sa aking mga mata."Ano naman ang gagawin mo kapag nalaman mong may tao palang lihim na nagmamahal sayo?"
Napatikhim muna ako bago ko ipinasyang magsalita."Ano nga ba?Siguro magpapasalamat ako sa taong 'yon kasi nagawa niya akong mahalin.At least alam kong may nakaka-appreciate at nagpapahalaga pa rin sa akin.Kaya lang maaawa din ako sa kanya.Wala kasing mapupuntahan 'yong pagmamahal niyang 'yon sa akin ,eh."
"Bakit naman?Kung karapat-dapat naman siyang mahalin bakit hindi mo bigyan ng pagkakataon?Sayang din kasi 'yong mga sakripisyong ginawa niya kung mapupunta din lang sa wala."
"Naiintindihan ko naman ang bagay na 'yon.Pero hindi ko din naman kayang turuan ang puso ko,eh.Sa tingin ko kasi si Celine na ang una at huling babaeng mamahalin ko.Wala na sigurong pwedeng pumalit pa sa kanya sa puso ko."
Ewan ko pero sa tingin ko nagpapakatotoo lang naman ako sa sarili ko.Ayaw ko din namang makasakit ng damdamin kung sakali.Pero tulad nga ng nasabi ko,hindi ko pwedeng turuan ang puso ko.Si Celine lang talaga ang laman niyon.Marami siguro ang magsasabing ang tanga ko kasi hindi ko magawang buksan ang puso ko sa iba. Na patay na yong gf ko pero hindi ko pa rin makalimutan. Pero hindi naman ganun kadali ang bagay na 'yon,eh.Nagmahal lang kasi ako ng totoo kaya hindi ko basta pwedeng itapon na lang ang bagay na 'yon.Hanggang siguro sa huling hininga ko si Celine pa rin ang isisigaw ng puso ko.At wala ng pwede pang bumago ng bagay na 'yon dahil mahal na mahal ko siya higit pa sa buhay ko.
"Wala ka talaga.Ang tingin ko sayo selfish ka.Hindi mo kasi alam kung anong ibig sabihin ng sakripisyo kaya okay lang sayo kahit makasakit ka pa.Pero sabagay 'yan ang paniniwala mo kaya wala din akong magagawa."
"Teka nga?Bakit mo ba tinatanong sa akin 'yan?Kung tutuusin wala namang koneksyon sa akin ang bagay na 'yon,eh.Ang maganda niyan manligaw ka na sa kanya at baka maunahan ka pa ng iba."
"Hindi pa siguro ngayon.Tatantiyahin ko muna ang sitwasyon saka ako bubwelo."
"Kaya nga.At masakit din para sa akin kapag nakikita siyang nasasaktan dahil doon sa lalaki."
"Eh,wala ka talagang magagawa.Parte na ng pagmamahal ang masaktan.Pero teka nga?Maganda ba talaga siya na dahilan para magkaganyan ka."
"Siguro sa iba simpleng ganda lang ang meron siya.'Yon bang tipong hindi masyadong napapansin.Pero hindi naman importante sa akin 'yon.Minahal ko siya hindi lang sa panlabas na anyo kundi maging sa panloob.Simpleng nga lang siyang matatawag pero totoong tao naman para sa akin."
Itinaas ko ang dalawa kong kamay."Woo!Wala na akong masabi.Talaga ngang in love ka sa kanya."
Grabe!Mahirap lang paniwalaan pero ganito pala siya magmahal.Hindi rin pala siya namimili pero parang wala kasi sa hitsura nito ang ganung ugali.Perfectionist siyang tao sa paningin ko pero kabaligtaran pala 'yon.
"Pero matanong nga kita?"Tumitig ito ng diretso sa aking mga mata."Ano naman ang gagawin mo kapag nalaman mong may tao palang lihim na nagmamahal sayo?"
Napatikhim muna ako bago ko ipinasyang magsalita."Ano nga ba?Siguro magpapasalamat ako sa taong 'yon kasi nagawa niya akong mahalin.At least alam kong may nakaka-appreciate at nagpapahalaga pa rin sa akin.Kaya lang maaawa din ako sa kanya.Wala kasing mapupuntahan 'yong pagmamahal niyang 'yon sa akin ,eh."
"Bakit naman?Kung karapat-dapat naman siyang mahalin bakit hindi mo bigyan ng pagkakataon?Sayang din kasi 'yong mga sakripisyong ginawa niya kung mapupunta din lang sa wala."
"Naiintindihan ko naman ang bagay na 'yon.Pero hindi ko din naman kayang turuan ang puso ko,eh.Sa tingin ko kasi si Celine na ang una at huling babaeng mamahalin ko.Wala na sigurong pwedeng pumalit pa sa kanya sa puso ko."
Ewan ko pero sa tingin ko nagpapakatotoo lang naman ako sa sarili ko.Ayaw ko din namang makasakit ng damdamin kung sakali.Pero tulad nga ng nasabi ko,hindi ko pwedeng turuan ang puso ko.Si Celine lang talaga ang laman niyon.Marami siguro ang magsasabing ang tanga ko kasi hindi ko magawang buksan ang puso ko sa iba.Pero hindi naman ganun kadali ang bagay na 'yon,eh.Nagmahal lang kasi ako ng totoo kaya hindi ko basta pwedeng itapon na lang ang bagay na 'yon.Hanggang siguro sa huling hininga ko si Celine pa rin ang isisigaw ng puso ko.At wala ng pwede pang bumago ng bagay na 'yon dahil mahal na mahal ko siya higit pa sa buhay ko.
"Wala ka talaga.Ang tingin ko sayo selfish ka.Hindi mo kasi alam kung anong ibig sabihin ng sakripisyo kaya okay lang sayo kahit makasakit ka pa.Pero sabagay 'yan ang paniniwala mo kaya wala din akong magagawa."
"Teka nga?Bakit mo ba tinatanong sa akin 'yan?Kung tutuusin wala namang koneksyon sa akin ang bagay na 'yon,eh.Ang maganda niyan manligaw ka na sa kanya at baka maunahan ka pa ng iba."
"Hindi pa siguro ngayon.Tatantiyahin ko muna ang sitwasyon saka ako bubwelo."
"Bahala ka nga diyan.Pero huwag kang mag-alala.Ipapanalangin kong maunahan ka na sana ng iba para may mapala naman 'yang kabagalan mo."
Tumawa ito sa sinabi ko."Grabe ka naman.Parang hindi ka kaibigan kung ganyan."
"Kaibigan mo naman ako,eh.Kaya ko nga sinasabi 'yon sayo para maapura ka."
"Talaga lang,ah,Eh,ikaw?Kumusta ka naman na?"
Napabuntong-hininga ako."Awa ng Diyos medyo okay naman na.Pero nahihirapan pa din akong mag-move on."
"Natural lang 'yan.Pero pasasaan ba't makakalimot ka din.Ang mahalaga ngayon nagagawa mong magsimula uli kahit mahirap."
"Kinakaya ko na lang din para kay Celine.Gusto ko pa rin kasing tuparin ang pangako ko sa kanya na makatapos ng pag-aaral.Sa ganung bagay man lang magawa ko pa rin siyang mapasaya kahit wala na siya dito sa mundo."
"Bilib talaga ako sayo.Ibang klase ka din talagang magmahal."
"Huwag ka ngang maging corny diyan.Pati din ako kamo,"nakangiti kong sabi.
"Oo na.Pareho na tayo."
Mayamaya'y tumunog ang cellphone nito.May nagtext yata sa kanya.Narinig ko siyang nagmura ng mabasa ang text.
"Kailangan mo ba talagang magmura?Ano ba kasi 'yan?"
"Walang hiya.Naiwan ko na naman 'yong dalawang libro ko sa room.Buti na lang naalala pang itext sa akin ni Ricky."
"Umiral na naman pala ang sakit mo."Tatayo na sana ako para bayaran ang kinain ko pero pinigilan niya ako.
"Ako ng magbabayad.Gusto kitang i-treat ngayon,eh.Tila kasi may hatid kong good vibes sa akin."
"Okay.Ikaw ang bahala,"kibit balikat kong sabi.
Inilabas nito ang wallet.Pagkatapos manguha ng pambayad ay inilapag niya 'yon sa mesa saka mabilis na tumayo at nagbayad.Naiwan ako sa mesa na napapailing na lang.
'Himala, ano kayang pumasok sa kukote nito at inilibre ako ngayon?'
Pagkatapos magbayad ni Rafael ay hindi na siya lumapit sa akin.Nakita ko na lang siyang sumenyas na mauuna na daw ito na sinagot ko na lang ng tango.Ilang sandali pa'y tumayo na din ako.Gusto ko na ding umuwi.Saka na lang siguro ako dadalaw sa puntod ni Celine.Pero bago pa man ako nakaalis ay nahagip ng mga mata ko ang wallet ni Rafael.Napakamot tuloy ako ng ulo ng wala sa oras.Grabe talaga ang lalaking 'yon.Sobra ang pagiging makakalimutin.Gusto ko sanang ihabol 'yon sa kanya pero tinatamad na din ako.Kaya kinuha ko na lang 'yon at nagpasyang umuwi na.Bukas ko na lang ibibigay sa kanya.Itetext ko na lang siya mamaya na nasa akin 'yon para hindi na masyadong mag-alala.