Kakauwi ko lang galing sa birthday ni Zion. I’m so tired at sobrang inaantok na din. Tiningnan ko ang oras sa relong suot ko. It’s already 2 am! Haha hindi ko na namalayan ang oras. Sobrang nag-enjoy kasi ako. Buti na lang may sarili akong susi kaya kahit gabihin ako ng uwi walang problema. Hindi ako makakaabala ng tao. Agad akong naghubad at dumiretso sa banyo para magshower. Sobrang init kasi ng pakiramdam ko. Palibhasa nakainom. Nagkayayaan kasi kaya wala din akong choice. Saka okay lang ‘yon kasi minsan lang naman ako uminom. Pagkatapos kong magbihis ay nahiga na din ako. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang mga text at tawag. Kaninang umaga pa kasi ‘yon tumutunog pero hindi ko lang pinapansin. Kahit alam ko na kung kanino galing ang mga ‘yon ay tiningnan ko pa rin. Nang

