HINDI naman umuwi agad si Rain kaya nag-movie marathon na lang kami. Sa sala na lang kami pumuwesto at sa flat screen na lang kami nanuod. Akala ko magrereklamo ito pero hinayaan na lang niya ako at sinamahan. Kahit hindi siya makarelate sa pinapanuod kong kdrama, nanunuod pa din ito. Isa kasi akong kpop fans kaya hindi mo ako masisisi kung medyo addict ako sa kdrama. Yon nga lang hindi na ako masyadong nakakapanuod kasi naging busy na sa buhay. Unlike before nung wala pa akong work, talagang pinagpupuyatan kong manuod. Pero ngayon hindi na pwede ‘yon. Kaya kapag may time na lang ako dun ko na lang isinisingit ang panunuod. Kaso bibihira naman magkaroon ng free time. “Naboboring ka ‘no?” mayamaya’y tanong ko sa kanya. Halos hindi na kasi ito nanunuod. Nagtetext na lang ito sa cp niya. Par

