3

2026 Words
Natapos na ang maikling introduction namin. Classes ko mula 7 a.m. hanggang 3 p.m., tapos Counsel work from 3 p.m. to 6 p.m. Grabe, sobrang loaded ng schedule ko. Pero carry lang. Sisiw lang ‘yan kumpara sa dati, gigising ng 3 a.m., uuwi ng 8 p.m. dahil sa part-time job ko sa Reyes Residence. Para lang maka-survive, kailangan kumayod ng maigi. Tanaw ko ang cafeteria at biglang nagutom. Kaya naisipan kong kumain muna since alas dose na. May iniwan pa sa akin na libro—rules and regulations ng Home School—na kailangan kong aralin at maintindihan. Sa huli, mas naging mailap sila sa akin. Aba, pagkatapos ng introduction, nilayasan kaagad ako. Napabuntong-hininga ako at agad na pumunta sa cafeteria. “Roxie…” Napatingin ako sa pamilyar na boses. Malapad kaagad ang ngiti ko nang makita ko siya—Timothy. Suot ang kanyang jersey, papasok sa cafeteria. Hinihintay niya ba akong matapos para magkausap talaga kami? Gosh, I missed him so much. “Beh beh!” I hugged him, practically vibrating with excitement. May mga estudyante pang nakatingin at nagbubulong-bulungan, pero hindi ko pinansin. Siguro hindi nila alam na ako ang girlfriend niya. Gosh, it had been so long since I last held him, smelled his favorite cologne, just… being with him. “Pwede ba tayong mag-usap?” seryoso niyang tanong. Natigilan ako. Kinakabahan, pero hindi ko pinansin. As long as he was with me, okay na ako. “Can we?” he asked again, this time smiling. “Oo naman. Basta ikaw, kahit sobrang busy ko pa, ibibigay ko sa’yo ang time ko, Tim,” nakangiti kong sabi. It's a date right? Kailan ba ang huling date namin? Parang third year high school pa lang yun. First meet after almost one and half year, we finally meet again. " Pero, gusto mong kumain muna? Its past twelve already. ", inilingkis ko kaagad ang kamay ko sa kanyang braso at inilapit ang sarili. Kita ko ang medyo pag iwas niya. Kaya kumunot ang noo ko at tiningnan siya ng mabuti. Inignora ko yun, naligo naman ako bago ako umalis kanina sa dorm. Jetlag pa hah kasi galing sa byahe, pero sanay na ako. " Namiss kita beh. namiss mo ba ako?", nakangiti kong tiningnan siya. Pero ang tingin niya ay nandoon sa kasamahan kong si Pochollo yata yun. " Beh!", tawag ko pa sa kanya. Nakuha niya ang attention ko. He immediately shifted his expression with a warm smile and agad na nag focus sa akin. " What is it beh?", sabi pa niya, pero ang patingin tingin pa rin don kay Pochollo. " Sabi ko, miss na miss kita. Hindi mo ba nakita ang message ko bago pumunta dito?. Expected ko pa namang may surprise ka sa akin. hehehe.", " Bago ang phone ko. Hindi ko nasave ang phone number mo.", nagulat ako sa sinabi niya. Nagtataka at hindi makapaniwala na hindi niya memorya ang phone number ko. " Hindi mo na memorise? Paano?," nagtataka kong sabi. Nong doon pa kaya kami sa probinsya isang basa niya lang sa phone number ko, kahit mag palit ako, nalalaman niya kaagad since we have common friends in the province, kasundo ko pa ang mga magulang niya at kapatid, paanong hindi niya nasave nag phone number ko. " Ehhh.. Kani...Kanina ko pa nabili. Kaya hindi ko kaagad nasave ", natataranta niyang sabi sabay iwas sa akin. " Akin na ang phone mo.", nanlaki kaagad ang mata niya ng sabihin ko yun. " Ba.... Bakit?", " E sasave ko ang number ko para makatext ka sa akin. Kukunin ko rin ang bago mong number hah.", nakangiti kong sabi. Wala siyang nagawa kundi ang ibigay sa akin ang phone niya. I saw the wall paper, it was him with Pochollo. " Close kayo beh? Pero ang gwapo niyo pareho dito hah. Ang sweet niyong magkaibigan. .. ", namamangha ko pang sabi. Totoo naman. They are both fine with their photo who are smiling to each other. " Pero mas magandang tayo ang nasa wall paper mo para hindi mo ako namimiss. Okay lang beh?", tumango kaagad siya. Though he was having an awkward expression panay pa ang tanaw niya sa banda kong nasaan si Pochollo , para na akong tanga ditong kinukuha palagi ang reaction at attention niya. "Panay ang tingin mo kay Pochollo, may kailangan ka ba sa kanya?",nagtataka kong sabi. Napatinging kaagad siya sa akin at kinuha ang inorder kong food at siya na ang nagdala. " Wala beh!", ngumiti siya ng tipid kaya nakangiti na rin ako. Kinuwento ko sa kanya kung paano ako nakapag enroll dito. HIndi na kagulat gulat na mamangha na naman siya sa achievements ko. Though, iba naman ang status naming dalawa ni Tim, medyo mas makaya siya compare sa akin at magaling sa basketball. Kaya nga nakuha rin siyang scholar dito dahil sa magaling talaga siya pagdating sa halos lahat ng sports. Matalino na rin pero mas matalino lang talaga ako. " So okay ka lang ba dito Beh? Naging masaya ka ba? Gusto kong mapanood ka sa paglalaro mo ng basketball dito, I'll be yur number one cheerleader gaya ng dati. "nakangti kong sabi. Tumango naman kaagad siya. Panay ganito lang ang ginagawa niya at medyo balisang balisa na kaya medyo naiirita na ako at hindi ko alam kong ano ba ang problema. " Maybe,we could let this day pass. Wala ka sa mood Tim. ?", seryoso ko ng sabi. Hindi ko napigilang magdamdam, ngayon lang kami nagkita for a year mahigit, ganito pa ag pakiitungo niya sa akin. Pansin ko rin, wala man lang hug at I love you kanina. Nagulat siya sa reaction ko kaya hinahawakan niya kaagad ang kamay ko at ngumiti ng tipid sa akin. " I am sorry beh, I am just tired, may klase pa ako mamaya. Maybe we could talk for another time? Iyong tayong dalawa lang?", I saw how his face pleaded to say yes to him. “Sabi mo nga, mag-uusap tayo after nito? Hindi na yun matutuloy?” seryoso kong sabi. Hindi ako tanga para hindi maramdaman na parang nanlalamig siya sa akin. “May problema ba tayo, HAH, TIMOTHY JOHN SMITH!” galit kong dagdag pa, medyo tumaas ang boses ko kaya agad nakapansin ang ibang estudyante. Hindi naman nila ako kilala, kaya hindi ko na yun inisip pa. Si Timothy… parang sikat dito sa school at kailangan niyang ingatan ang image niya. Kaya ganito balisang balisa sa akin? Sinabi ba niya na wala siyang girlfriend kaya ganito siya ngayon? " Sorry beh.. ", nasabi ko pa habang nakayuko na. " Umalis kana muna. Magpahinga ka tapos usap tayo later kapag good mood ka na , Okay?', nakangiti kong sabi. Hindi ko maiwasang malungkot sa sinabi. Moment na namin ito eh. Matagal kaming hindi nagkita, nagkausap, ganito pa ang mangyayari. Mag aaway pa kami dahil sa hindi ako nakakaintindi na pagod siya. " Roxie.. ", Tiningnan ko siya. Nandoon ang lungkot rin sa kanyang mga mata kaya hindi ko mapigilang pagalitan ang sarili." Cgeh na Tim. You can go, rest, and maging good mood ka muna bago tayo magchikahan , Okay beh? Love na love kita. ", mas lalo siyang naging emotional. Nakangiti na ako habnag unti unti na siyang tumayo at agad akong hinalikan sa pisngi. Nanlaki kaagad ang mata ko doon. "Beh, nakakahiya sa mga estudyanteng nakakakita. ", See? sa paganito ganito nya lang, nawawala na ang pagtatampo ko. Hinawakan niya ang kamay ako kaya hindi ko mapigilang maghystirical, kinikilig at nakatingin na sa kanya. Hindi sumagot si Tim he just looked at me, emotional at nagdadalawang isip. Pero imbes na may masabi, he just go and didn't say anything. Talagang pagod na pagod siya at nagmamadali ng lumayas. Haixt.. Dapat mas maging understanding ka pa Roxanne. HIndi mo iniintindi ang boyfriend mo. Nang matapos akong kumain, nakita ko si Pochollo na mag isang kumakain. Lalapitan ko na sana kaso nakita niya ako at bigla nalang kumaripas ng takbo. Napabuntong hininga ako. Ang weird naman ng taong yun at parang allergic pa sa akin o di kaya sa lahat siguro ng mga estudyante dito. Umalis nalang ako sa cafeteria. Pansin ko pa rin ang mga estudyanteng nag chichismissan at parang ako pa ang pinag uusapan. Haixt, iba talaga ang nagagawa ng maging isang girlfriend ng isang star player sa basketball. Naging sikat ka na rin. Nagpasya akong pumunta sa aking dorm para doon magbasa. Para naman kasing hindi pa ako welcome dito. Total naman , magkaklase pa kami ni Tim, Magkikita kami bukas O di kaya susunduin niya ako? Siguro naman no?, since nakaugalian na niya yan since noon pang doon pa kami nag aaral. Wala naman sigurong magbabago if in case. Ehhh.. Kailangan maganda ako bukas. " Aray.!", nalaglag ang mga hawak kong libro dahil sa lakas ng pagka kabunggo niya sa akin. Napatingin kaagad ako sa taong bumangga sa akin. It was the one who wear the Hoodie in the morning , sa basketball gym. " Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo? Nagmamadali ka ba para hindi mo ako mapansin? ", galit kong sabi habang kinukuha na ang librong nasa sahig. Nasa hallway na kami ng dorm kaya wala masyadong tao since exclusive dorm naman ito ng mga council. The other student is not allowed to go here kaya medyo malaya akong magtaray dahil sa katangahan ng isang ito. Pero paanong nandito siya? " You're the one at fault. Look at my ? This coffee stain already and ruin my uniform. Tatanga tanga ka kasi. ", sigaw niya rin sa akin. His cold and loud voice makes me trembled from a shock. Nagulat ako doon, nanlaki ang mata at hindi makapaniwalang nasasabi niya ito sa akin na parang hindi ako isang babae at tsaka kasalanan ko pa? Ehh, siya itong nag tatakbo at hindi ako napansin. " Ako pa ang tanga?.. Eh ikaw itong nag tatakbo, tapos may suot suot ka pang shade? Para kang tanga dyan sa suot mo. Baliw. ", kita ko ang gulat sa kanyang mukha. Ngayon lang ba siya nakarinig ng isang babaeng pumapatol sa kanya?. "The nerve of you to talk back at me. Who are you?,", galit niyang sabi. Nanlilisik ang mata habang nakatingin na sa akin. Hindi ko masyadong nakikita ang mata niya since nakashades siya ng itim. Napaatras ako ng akma siyang lalapit sa akin. " Ooppppssss... ", ini ekis ko ang aking kamay at pinigilan siya sa paglapit. Naalala ko bigla , ito ang kuya ni Zarniah, ang may ari ng school. " Sorry na. ", naging malumanay kaagad ang boses ko. Unang araw, gulo pa ang inabot ko. " Lalabhan ko na lang yan . Okay lang ba? O di kaya, magpalit ka nalang. Then , kung malalate ka sa pupuntahan mo, ako na ang mag explain. Heheheh.", Tumaas kaagad ang kilay niya. " Put your number here. ", nilagay niya sa harap ang phone niyang sobrang mahal dahil latest Iphone ito. Habang iyong sa akin, Oppo lang yun. Two years ago pa. " Bakit mo kukunin ang phone number ko? Private property ko yun. Hindi ko basta basta binibigay sa mga hindi ko naman kilala. ", umiiling iling ko pang sabi. “Hah! Didn’t you say you’d handle it if I’m late? Just in case someone gives me a hard time, I’ll have to call you to explain why I’m late—and it’s all because of someone careless and… well, idiot—like you!”, bumuntong hininga ako. Kanina Tanga, ngayon Idiot na talaga. Talaga nga namang inuubos niya ang pasensya ko. " Tss. Faster... ", singhal nanaman niya sa akin. Kaya nataranta pa ako. Hindi ako mahilig mangolekta ng mga number. Tatlo nga lang ang nakasave sa number ko, Kay Tita Cecil, kay Timothy at pati naman ito? Wala akong magawa kundi ibigay ang gusto niya. I typed my phone number into his phone, and before I knew it, nakita ko na ang sarili ko na parang nasa teritoryo niya na—ang maging isang alipin ni Archie Daniel Ferrero. ................NEXT.............
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD