57

1822 Words
" Excited ka?. ", nakangiting sabi sa akin Zey. I am in my room, packing my things at itong best friend ko na ito, hindi na ako tinigilan simula ng makauwi ako galing hospital. Matapos ang usapan kagabi, we still able to enjoy the rest of the night. Hanggang sa nagpasya akong matulog around one in the morning. Ang chika na sinabi ni Zey ay naudlot dahil sa mga anak niyang hinahanap na siya. Umuwi naman si Gelo since my surgery kami kinabukasan. I try to convince Gelo to come with us after we had the surgery that been successful pero my Clinic siya at maraming appointments na dapat niyang asikasuhin bago siya aalis papuntang california. . Since ako, I've been out in the clinic for a month for medical mission. " Oo naman, Magiging busy ako for several weeks, at ito ang magiging bakasyon ko.Kaya natural na ang maging excited Zey. ", nasabi ko kaagad. Umismid siya sa akin. Tiningnan pa ako sa nakakalokong tingin habang tinutulungan akong magtupi. " Pero ang chika ko dapat kagabi, ngayon ko sasabihin.. Ready ka na ba?.", nakangisi niyang sabi. " Sa sobrang busy mo kay Doc Gelo, hindi mo nakita kung paano si Kuya Archie naging isang demonyo sa gilid. Kahit ang asawa niyang hilaw, hindi nakahirit kahit panay papansin. ", nagulat kaagad ako sa sinabi niya. " Ano.. anong ibig mong sabihin?.", nagtataka kong sabi. Kinakabahan man, pero ang excitement sa puso ko ay hindi na mapakali. Umikot ang mata ko ng makita ang nakakaloko niyang ngisi. " Alam mo, kapag ikaw gumawa nanaman ng storya just to lift my hope sa ulyanin mong kuya, I will buried you in my deepest part of my memory. Iyong magkaka amnesia rin ako. Iyong hindi na kita makikilala", nakasimangot kong sabi. " Hindi nga.. My Kuya is uneasy yesterday night because of Doc Gelo...na magkasama kayo at masayang nag uusap, ", ... nangingiti niyang sabi. " Ano namang problema niya kay Doc Gelo?", nasabi ko as I continue sa naudlot kong pagtutupi. " Paano ba naman, parang tangang pabalik balik kagabi kung nasaan kayo, lalapit pero tatalikod nanaman. Babalik, pero magmumura pabalik kung nasaan kami.. Bothered ang admirer mong may amnesia girl...Nasabi ko nga, talaga bang may Amnesia ito at ganito nalang ka praning.. .", kumalabog kaagad ang puso ko sa sinabi niya. Ibig sabihin.. " Ang utak, nakalimot pero ang puso, Hindi...Oh My Roxanne. .... Mahal ka pa ng aking Kuya.. .. Ayieeehhhh.. Napapanood ko ito ehhh.. Teleserye na teleserye ang peg niyong dalawa. ", kinikilig niya pang sabi. Hindi kaagad ako naka react. I don't want to assume pero hindi ako pinanganak ng mga inosenteng kapanahonan kong hindi ko magegets ang sinabi ni Zarniah. Pero nawasak kaagad nang maalala na kasal siya. May minamahal na. At iyon ang babaeng nakasama niya higit pa sa kasama ko siya. " May asawang tao yung kapatid mo Zey, .. kaya imposible ang sinasabi mo.. Malay mo, bet ng kuya mo ang lugar kung nasaan kami.. Kaya pabalik balik doon at gustong silang dalawa naman ng asawa niya.. ", halos manlumo ako dahil sa sinabi ko. Nasaktan parin sa realidad. " Sa bagay, kung ramdam niya talagang may nilalaman ng iba ang puso niya, hindi siya papayag na magpakasal sa impakta na yun... Pero, hindi nila magawang magkaanak... Baog ba yung impaktang yun?. ", napaisip kaagad ako sa sinabi niya. Naalala kong paano naging experto si Archie sa akin ng kinuha niya ang pagkakababae ko. " Siguro hindi pa ready ang babae.. O di kaya si Archie.. kaya ganon. Expert ang kuya mo kaya malamang, hindi pinasok.. ", nasabi ko pa. Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.." Bakit alam mo yan?... Aba't Roxanne.. may kumuha na ba sa monay mo at nasabi mo yan?.. May Namissed ba akong something sa inyo ni Doc Gelo at may nangyari sa inyo?", exagerrated niyang sabi. Hindi pala nito alam na bago mawala si Archie, kinuha niya muna ang perlas ko at pinangakoang ako lang ang mamahalin.. Pun*eta.. nakakaiyak alalahanin ang eksenang yun. .. " Hindi makapagsalita?..Confirm?... ", mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Binatukan ko kaagad siya. " Baliw.!. Tigilan mo ang pagiging OA mo.. Nakakainis na. ", " ehhhh...Pero kasi..maiba tayo.. . iba ang kutob ko talaga Roxie.. Alam kong may something talaga kay Kuya ..I am sure of it.", umikot ang mata ko sa sinabi niya. Napapraning na ang isang ito sa Lovelife ko. " Alam mo.. Umalis ka na nga. Masyado kang napapraning na dyan..", natatawa ko pang sabi ng umungot siya sa tabi ko. Nakahawak sa bedsheet ay ayaw tumigil sa kakachika. . " How about this.. Hinanap ka din ni Kuya kinabukasan.. Umagang umaga, yung asawa niya kuno, hindi sila nagkatabi kagabi dahil sa kalasingan.. Wine lang naman yun.. nalasing ang Po*a..", natatawa niyang sabi. " Anong sabi mo?", nakakunot noo kong sabi. " Syempre, nagpakatotoo ako.. pero may twist.. Hahahahahaha.", kumonot ang noo ko sa sinabi niya. " Sinabi kong maaga kang pumunta sa hospital dahil may surgery kang hahawakan kasama si Doc Gelo.. Alam mo kung ano ang sinagot? . ", Naging kuryoso kaagad ako.. Pero hindi ko pinahalata since I don't want to assume. " Syempre, nagmura nanaman, may paghilot pa sa noo niya.. Nagka headache kaagad , ..umagang umaga. hahaha.. See?. Selos ang peg ng Kuya ko.", Hindi ko alam kung ikakatuwa ko yung marinig. Para kasing imposible yun at ayaw ko talagang mag assume.. nakakatrauma na.. " Baka nga sumasakit ang puso at utak niya kaya kailangan ng consultation sayo Roxanne Chris Ty.. Hahaha... ", natatawa niya pang sabi. " Nakakatawa?. Tss.... Umalis ka na nga.. Pina iikot mo lang ako sa mga walang kabuluhan mong tsismiss. ...", " Ayiehhh.. Affected?.. ", umikot ang mata ko sa pang aasar niya sa akin. Kaya ako na mismo ang tumulak sa kanya palabas ng kwarto. Napabuntong hininga ako at napapailing sa naiisip. " Aasa nanaman Roxanne?. Tapos? iiyak nanaman?..', Bulong ko pa sa sarili. . Ayaw ko na maranasan ang ganoong sakit hah!.. halos hindi ako makahinga sa kakaiyak nong panahong sinampal ako sa katotohanang hindi na si Archie ang kaharap ko. Ibang tao na at may asawa na. Pero apart of me is trying to at least, Hope. Na baka babalik ang memorya niya at iyong maricel nanaman ang makalimutan niya since ako naman ang orihinal. ............. I set all my work early today. Wala akong naiwang pending na kahit ang dadalhing mga gamit at iba pa, I prepare prior from this day. I want to explore where Archie is living in a decade. I want to see it so I can catch up to Maricel. So I can decide if I can let go, or try again?. Napag isip isip ko habang pinagtagpi tagpi ang lahat ng sinabi ni Zarniah, trying to understand everything and start from the very beginning, I'd gladly want to know how Archie as a Daniel. Masakit pero kailangan ko yun para sa sarili ko. Maybe, it will be a door for me to move on if I am not the one for him. then, Maybe that's the closure I want. The satisfaction of my heart from everything I've been through. Na matuto akong magbukas ng panibago if in case God will give me another person to love. Kaya kinabukasan, maaga akong nagising para magjogging. Good mood ako kaya may ganang mag workout bago kami pupunta kina Don Facundo. Alas singko palang ng umaga, and Alas dyes ang byahe namin papunta sa hacienda. Ready nanaman ang gamit ko, at ang susuotin ko para mamaya. I just need to condition myself. Ni hindi man lang kami nagkitang muli matapos ang gabing yun since umuwi silang dalawa ng asawa niya ng makauwi ako galing sa hospital. Napabuntong hininga ako at agad na tiningnan ang sarili. I wore some sneakers, An Adidas Lose shirt and leggings. I ponytail my hair and put some headband. Bitbit ang paborito kong Customize Tumbler, Pumunta ako sa kitchen to fill a water. Naglagay din ako ng mint at maraming ice, so I can't drink it while jogging in the area. Subdivision lang naman pero marami ang nagjojogging since mahaba rin papunta sa gate. Pabalik nanaman at pweding umikot. Yan lang naman ang ginagawa ko kapag andito ako sa mga Ferrero. " Where are you going?", halos atakihin ako sa puso dahil sa taong nagsasalita. It was Archie who is standing in front of the kitchen, nakapajama at halatang kakagising lang. This is the first time I've seen him wearing like this kaya hindi ko napigilan ang mapatitig sa kanya. Tumaas ang kilay niya sa inasta ko kaya hinila ko ang sarili at umiling umiling siyang tiningnan. " Just filled my water. I gonna go.. Morning..", natataranta ko pang sabi. I thought umuwi siya.. Bakit andito nanaman siya?. " Hey!.. Wait..", casual niyang sabi habang hinawakan na ang braso ko. Nagulat man ay napatingin kaagad ako sa kanya, , na kahit siya ay napatitig din sa paghawak sa akin. Agad naman niya itong binitawan at naiilang ng nakatigin sa akin. " Can... I join? Mag exercise ka di ba? Gusto ko rin..at.... Hindi ako pamilyar dito.", sabi niya habang hindi na makatingin sa akin. Kahit labag sa loob ko ay tumango kaagad ako. " I'll wait here.", umupo ako sa dining at agad siyang tiningnan. Sure ka Roxanne?.. Kaya?.. Nagtataka pa ako ng makitang papalapit na siya kung nasaan ako. " I can wear this while running.. And you can share your water with me.Malaki naman niyang lagayan mo", nasabi niya habang tinitingnan ang sarili. Kumunot kaagad ang noo ko. " Seriously? Kumuha ka ng mineral water dyan... at sa ganyang ayos Archie?. Naka indoor slipper ka pa nga.", hindi ko mapigilan ang magtaray .. " I mean Daniel. ", nasabi ko pa ng mabanggit ang totoo niyang pangalan. " I guess, you are always nagging at me before. ", natuliro kaagad ako sa kung paano siya ngumisi sa akin.. Sa kung paano siya magsalita as Archie , not the Daniel na palaging may Po kapag kinakausap, " The reality, Archie Ferrero ang pangalan mo.. So doon kita nakilala kaya nakasanayan na. ", uminom pa ako sa aking thumbler kahit subrang lamig sa lalamunan. Seryoso lang siyang nakatingin, hindi rin nakapagsalita. " Cgeh na.. Magbihis ka na nang komportableng pang jogging.. Puputok na ang araw ohh.. Hindi na magandang magjogging kapag mainit na. ", nasabi ko nalang kaya wala syang nagawa kundi ang bumalik sa kwarto niya. Nang makitang nakapasok na siya , wala akong pag alinlangang tumakbo papunta sa labas. " Bahala ka dyan.. Ang awkward kung magkasama tayong magjojogging.. .. Baka running ang magawa ko imbes na jogging. ", sabi ko pa sa sarili habang nagsimula ng tumakbo. Iniwan si Archie at hindi na inisip kong magagalit ba ito O hindi. .........................NEXT.................. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD