Nakatingin ako sa kisame, katabi ko si Archie. Wala naman choice kasi nga iisa lang ang banig, iisa rin lang ang unan at kumot. Nararamdaman ko pa ang balikat niyang tumatama na sa aking balikat. " Usog Archie.. ",sabi ko pa sa kanya. Pilit na pinapalaki ang pwesto ko sa pagkakahiga para hindi siya makadiit ng husto sa akin. " Mahuhulog na ako Roxanne. Can you stay still?.... ", nakakunot noo niyang sabi sa akin. Napatingin kaagad ako sa kanya sabay taas kaagad ang kilay ko. " Mas mabuti yan para hindi ka na dapat tumabi dito.. Hindi mo ba alam ang salitang gentlemen Hah.. ..Palibhasa...manyak... kaya sinisiksik mo talaga ang sarili mo , makatabi lang ako.. . ", sabi ko pa. " I heard that!", protesta niya kaagad habang nakakunot na ang noong nakatingin sa akin. " Oo na.. nilakas

