"Nag away kayo Ija?" Kumakain ako ng tanungin ako ni Manang kaya agad niyang nakuha ang attention ko. Katabi niya pa ang kumare niyang halatang tsismosa. Archie was with the other boys na kasama niya sa basketball mamaya. Pero alam kong panay ang sulyap niya kaya hindi ko rin maiwasang mapairap ng hindi ito nakikita ng mga taong nakapaligid sa amin. " Bakit ho?", nagmaang maangan kong sabi. Hindi na sana papansinin at nag focus na sa kinakain. " Panay sulyap ang asawa mo sa banda mo, pero ikaw, panay irap sa kanya.. Nag away kayo no?", Napangiti kaagad ako ng hilaw. Na animoy joke lang ang lahat at hindi namang totoo na asawa ko si Archie.. " Gago kasi po eh.. kaya war kami ngayon. ", nanlaki kaagad ang mata nila, lalong lalo na ang katabi nitong si manang. " Hala, ganyan na gany

