PINAUNLAKAN ni Arnold ang inbitasyon n'yang makasalo sa hapunan si Hercules. Bilang pasasalamat na rin niya sa lalaki. Natapos ang buong araw na hindi niya nagawang magalit dito. Sa katunayan ay hindi rin sila nakapag-usap dahil okupado ni Hercules ang oras nito. Maging ang pagpapaligo sa bata ay hindi pinalampas ni Arnold at gusto na niyang mainis dito pero hindi niya nagawa dahil sa nakikitang kasiyahan sa kislap ng mga mata nito, gayon din ang katuwaan bumabakas sa inosenteng mukha ng pamangkin. The guilt strikes in her chest but she can't afford to lose her darling Hercules. Tinawagan na rin niya si Alexa at ipinaliwanag dito ang dahilan ng pag-liban niya sa opisina, maliban na lang sa namagitan sa pagitan nila ni Arnold. "Daddy, Arnold basahan mo ako ng bed time story." "Honey, Ti

