TUWANG–TUWA ang mga magulang ni Arnold nang dalhin niya sa mansyon si Hercules noong tumulak papuntang Japan si Rana. Pinaliwanag din niya sa mga magulang ang relasyon niya sa bata at kung bakit nasa pangangalaga niya ito sa sasusunod na dalawang araw. Napakabibo at matalino manalita si Hercules kung kaya't lalo itong kinagiliwan ng mama't papa niya lalo na ang kapatid niyang babae. Halos buong maghapon din naligo sa swimming pool ang bata kasama ng kapatid niyang babae. "Tita Karen, is he your boyfriend?" si Hercules na tumigil sa paglalaro at tinitigan ang dalaga. "No!" Mariing tanggi ng dalaga nang putulin ang tawag sa telepono. "Then why are you smiling while talking to him on the phone?" "Geez! Kuya! Saan planeta mo nakuha ang cute na batang ito?" Arnold just shrugged and ipi

