HINDI pa rin makapaniwala si Rana na nagawang sumunod ni Arnold sa Japan kasama ang pamangkin niya. Pumirma na rin ng kontrata si Mr. Hanabishi. Hindi niya maipaliwanag at wala siyang pasisidlan sa kasiyahang nadarama niya. She was so thankful dahil matagumpay ang pagpunta niya sa Japan at kasama pa niya ngayon si Hercules. Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya na nakasama niya ang pamangkin sa labas ng bansa. Tinungo ni Alexa ang pinto nang makarinig ng magkasunod na katok. It was Arnold. "Hi! Good morning, Alexander." "Good morning to you too, Arnold. Please come in," nagpatiunang ani Alexa. " and please call me Alexa," pagkuwan sabi nito. "Sure!" Ngumiti si Arnold. Lihim naman na kinilig si Alexa. "Ready?" Si Arnold nang makapasok at madatnang nakaupo sa sofa si Hercules

