"HOW IS IT?" Nakataas ang kabilang kilay na tanong ni Alexander sa kanya. Kinurap-kurap ni Rana ang mga mata at pinakiramdaman kung naroon pa rin ang pesteng insektong pumasok sa loob. "Okay na salamat." maya-maya'y sagot niya. "Great! So where are we again?" She rolled her eyes, showing of annoyance. Kilala niya ang kaibigan hindi ito titigil sa pangungulit sa kanya. Kung sa bagay ito lang naman ang nag-iisang taong pinagsasabihan niya ng kanyang mga sekreto. Kung hindi nga lang kilalang kilala na niya ito ay hindi imposibleng mapagkamalan sila ng ibang tao na nobyo niya ito. Hindi ito katulad ng ibang mga bading na lantaran sa publiko. Pinangangalagaan ng kaibigan ang reputasyon nito bilang tagapagmana ng kumpanyang pinagtratrabahuan niya. Isa pa'y siya lamang ang tanging nakakaalam

