"Holly s**t! You looked f**k man." Mula sa pinto ng opisina niya ay tuloy-tuloy na pumasok ang makisig na lalaki na may nakakalokong ngiti sa mga labi. Tila ba nanadyang ipabatid sa kanya kung gaano na kasama ang kanyang hitsura. "Get lost!" He replied without even looking at his unexpected guest. Humalakhak lang ito at nilapag ang kulay tsokolateng subre sa harapan niya pagkatapos ay kampante itong naupo sa harap niya. "What the devil are you doing here Trangs?" "I came here to save your ass." mabilis nitong sagot. Kinunutan lamang niya ito ng noo at nagpatuloy sa pagbabasa at paglalagda ng mga papeles na nagmistula ng bundok sa kapal niyon. He was busy looking for Elizabeth the woman he loved most for almost two weeks kaya naipon ang mga papeles na dapat niyang pirmahan pero tila w

