Chapter O N E

3060 Words
-Opening Xyrile's POV: Minulat kong ang mga mata ko sa di ko na mabilang na beses at agad uling sumalubong sa akin ang puting kisame. Madaling araw na at madilim ang buong kwarto dahil patay ang ilaw, ngunit hindi natatabingan ng kurtina ang bintana na katabi lang ng aking kama kaya kahit papaano ay nakikita ko ang buong kwarto dahil na din sa liwanag na hatid ng buwan. Umupo ako sa aking kama bago dumungaw sa bintanang katabi lang ng aking kama. Humalumbaba ako dito at agad na tiningnan ang mga kumikislap na bituin at ang maliwanag na buwan sa langit. Binuksan ko ng bahagya ang bintana at agad na pumasok ang di kalakasan ngunit napakalamig at sariwang hangin sa loob ng aking kwarto. Ang lamig ng simoy ng hangin pag gabi. Agad kong tinabing sa likod ko ang kumot at niyakap ang laylayan nito sa may dibdib ko. Tumingin uli ako sa langit at pinagdugtong-dugtong ang mga bituing may pinakamaliwanag ang kislap gamit ng aking kanang hintuturo ngunit agad ko ding padabog na binagsak ang kamay ko habang kasabay ng pagsimangot ng mukha ko. Ano ba naman iyan, self. Panglimang beses na bes. Ano, may balak ka pa bang matulog? Aba eh ala-una na budang, baka naman maisipan mo kahit dalawang oras lang? Agad na lumukot ang mukha ko ng makita kong ala-una na nga base sa orasan na nakikita kong nasa itaas ng itim kong pintuan. Ginala ko ang mga mata ko hanggang sa dumako ito sa kabilang banda ng kama ko sa kaliwa at agad nangdilat ang mga mata ko sa nakita ko. Shems... Yung mga gamit ko sa school, yung mga notebooks ko na nakabukas, tas...tas...yung mga papel na nakakalat sa table at sa sahig. Papatayin ako ni kuya pag nadatnan niya to bukas. Galit pa naman iyon sa makalat at madumi. Baliktad nga kami eh, siya yung maayos ako naman yung palaging makalat. Anong magagawa ko? Tamad ako. Nakasimangot pa rin akong tinitignan ang mga kalat sa lamesa ngunit maya-maya pa ay naglakad din ako papalapit dito at agad na pinulot ang mga lukot-lukot na papel bago ito itapon sa basurahan. Tiningnan ko naman ang notebook kong dilaw na nakabuklat malapit sa libro kong nakabuklat din. Mayroon itong kulay itim na ballpen na nakapirming nakalapat lamang sa gitna ng notebook. Ito yung badtrip na lesson na assignment ko din kanina, I mean kahapon sa klase. Ang pinaka at walang makakatalong mathematics. Marami nang sumuko diyan. Umiyak at dinugo ang utak at ilong at siyempre di ako exemption. Ngunit kahit naman bobo ako ay estudyante pa din ako at may tungkulin akong tapusin ang pag-aaral ko lalo na pag may kapatid kang lalaki na nagiging leon pag may ginawa kang kasalanan. Kakatakot pa namang magalit iyon si kuya. Ito ang assignment kong 5 oras kong ginawa dahil hindi ko talaga maintindihan at hindi ko na rin naman matanong si kuya pag-uwi ko dahil sa hirap nga ng buhay ay wala siya pag hapon o gabi dahil nagtatrabaho siya para naman mapagtapos ako sa pag-aaral. Tama, tumigil si kuya sa pag-aaral niya. Ilang taon na rin ang nakakalipas ng mawalan kami ng mga magulang. Hindi kami mayaman, hindi rin mahirap pero kahit ganoon ay nakapagpundar sila mama at papa ng bahay namin na ngayon ay ginagamit namin ni kuya. Masaya kaming lahat na kami-kami lang, si kuya talaga ang mas masipag at matalino sa aming dalawa at ako ang batang makulit at pasaway pero kyot. Si mama at papa may kaniya-kaniyang trabaho pero may oras kami bawat linggo na kami-kami lang talaga. Magba-bonding sa park o di kaya maggagala, kakain at magsisimba. Pero nagbago ang lahat nang bawiin ang dalawa sa pinakaimportanteng tao sa buhay namin ni kuya nang tumuntong ako sa ika-walong antas ko sa sekondarya. Namatay si mama sa di malamang sakit at sumunod si papa na bigla na lang bumigay ang katawan, idagdag mo pa na naunang mawala si mama, siguro di niya kinaya ang kalungkutan kaya agad din siyang kinuha sa amin. 3 years ago lang iyon at hanggang ngayon ramdam pa rin namin ang lungkot pero pinipilit naman namin ni kuyang lumaban at ayon nga napilitan siyang tumigil sa pag-aaral para lamang maitaguyod ako at sa kabutihan naman ng Diyos ay nagkaroon siya ng trabaho na tama lang ang sweldo at hindi naman siya mapapahamak, kaya nga lang gabi. Kung ako ay nasa unang taon na ng senior highschool at kasulukuyang sixteen years old, si kuya naman ay dapat nasa ikalawang taon na ng kolehiyo at oo tatlong taon ang tanda niya sa akin. Gusto ko na ding tumigil at tulungan na lamang siya ngunit ayaw niya. Sabi niya nagsasakripisyo daw siya para mapagtapos ako ng pag-aaral kaya wag daw akong hangal, binatukan pa ko. Panggabi ang trabaho ni kuya kaya madalas wala siya dito siyempre pag gabi at bumabalik na lang ng madaling araw, mga alas-kwatro sa orasan. Nagtatatrabaho siya sa isang kumpanya sabi niya, minsan nga ay nawawala siya ng mga linggo o di kaya buwan kaya may mga panahon ding mag-isa lang ako dito. Pero kaya naman, sabi ko kay kuya, ang sagot niya lang eh dapat lang daw kasi ang tanda ko na. Turn ko naman batukan siya kaya binigyan niya ko ng nakakamatay na tingin bago habulin ng hanger. Muli na namang napako ang paningin ko sa nakabuyangyang kong notebook, may hindi pa din ako siguradong equation. Tanong ko na nga lang bukas si kuya pag nakabalik na siya at nakapahinga na ng maayos, sabi niya kasi tanong lang daw ako pag may hindi ako naiintindihan, alam niya daw kasi na bobo ako sinagot ko naman siya ng mana ako sa kanya at iyon ang simula ng walang tigil na batukan. Bumalik ako sa kama ko at kinumutan ko ang sarili ko bago umupo at sumandal uli sa may bintana. Ano bang gagawin ko para dalawin ng antok? Please antok nandito pa ko, 'wag mo muna ako lagpasan. Inom kaya akong gatas? Sige na nga. Naisipan kong lumabas ng aking kwarto at magtungo sa kusina. Patay na ang lahat ng ilaw at madilim na dahil nakababa na ang lahat ng kurtina ngunit sa di malamang kadahilanan ay nakakaaninag pa din naman ako at malinaw sa mata ko ang nilalakaran ko. Suot ang aking pyjama habang nakapaa lamang ay tinungo ko ang kusina, kumuha muna ako ng baso bago buksan ang refrigerator, kinuha ko ang gatas na nakalagay sa may pintuan ng ref at agad na nagsalin sa basong hawak-hawak ko. Ramdam ko ang lamig ng ref sa mga oras na iyon pero hindi siya gaano kalamig kumpara sa hangin na naramdaman ko mula sa labas kani-kanina lang. Pagkabuhos ko ng gatas sa baso ay agad ko naman itong binalik sa pintuan ng ref bago ko tinungga ng diretso ang baso. Pagkatapos maubos ang gatas ay sinarado kong muli ang ref at agad na binanlawan ang baso bago ito ibalik sa lagayan. Naglakad muli ako padiretso sa aking kwarto ngunit bago pa man ako makapasok ay may napansin akong nakaupo sa sofa na nasa sala. Agad namang lumaki nag ngiti at lumapit sa nakaupo dito. Tumayo ako sa harapan niya at tiningnan ko lang siya. Nakapikit ang mga mata niya, napansin ko namang humangin ng malakas at nabuksan ang bintana dahil hindi ito naka-lock agad na hinangin ang kurtina at nagkaroon ng liwanag, tumapat ito sa mukha ng damuhong na natutulog ngayon sa sofa. Bakit ang aga niyang umuwi ngayon? Ala-una pa lang eh. Di kaya natanggal to sa trabaho? Pinalayas ni boss? Agad naman lumabas sa labi ko ang isang ngising may binabalak siyempre. Nakakailang batok na ang damuhong na to sa kin eh. Pero baka maistorbo ko siya sa pagtulog niya. Pero kung iisipin ulit malamig dito sa sala saka parang hindi siya komportable sa tulog niya. Agad kong nilapit ang kamay ko sa noo niya na saktong pipitik ng biglang may humawak ng mahigpit sa kamay kong iyon. Agad namang nanglaki ang mga mata ko. Shems... Aatakihin ako sa gulat nito eh. Tumingin ako muli sa mukha niya kung gising na ba siya at nakita kong dahan-dahang nagmulat ang mga mata niya. Tiningnan niya lang ako ng kalmado habang hawak pa din ang kamay kong nakababa na ngayon. "'Bat di ka pang tulog?" Tanong niya sa akin na kalmado lang pero mababakasan mo ng pagkaantok at pagkapagod. Agad namang naglukot ang mukha ko pagsambit niya ng mga salitang iyon. "Oh, 'bat naglukot naman iyang mukha mo?" Tanong niya sa akin ng may pareho pa din ekspresyon at intensidad ng boses. "Ang baho kuya! Tigil mo nga kakabuka ng bunganga mo." Sabi ko sa kanya habang nakalukot pa din ang mukha pero sa pagkakataong ito, hinila ko na ang kamay ko at pinantakip sa ilong ko. Kakatakip ko pa lang ng bunganga ko na biglang may lumapat sa ulo ko na naghatid ng masakit na pakiramdam. Tama kayo, binatukan na naman ako ng hangal kong kapatid. Agad naman akong sumimangot habang siya naman ay nakatingin lamang sa akin ngunit maya-maya din ay tumayo ito at naglakad diretso sa kwarto niya. "Pangit mo." Siguro magsa-shower si kuya. Baho na kasi eh pero joke lang mabango yan, inaasar ko lang. Pero anong sinabi niya? Grrr... "Xiong unggoy panget mo den!" Sigaw ko ngunit di masyadong kalakasan tama lang na rinig niya. "Hoy Xyrile, matulog ka na nga. Ang daldal nito." Huli pang sabi niya bago ko narinig ang pagbukas nga banyo sa kwarto niya. "Unggoy." Bulong na sabi ko na nakasimangot ang mukha bago dumiretsong muli sa aking kwarto pero bago iyon ay sinigurado ko munang lock na ang gate sa labas, ang pintauang pinapasukan ng bahay, ng mga bintanan at ang ilan pang appliances. Pagkapasok ko ng tuluyan dito ay ni-lock ko na itong agad, mamaya narinig pala ako noon tas batukan pa ko. 'Wag na oiiii. Tiningnan ko ang lamesa kong maayos na ngayon at ang kama kong medyo nagulo dahil na din sa pagkilos ko kanina. Dumiretso ako ng lakad at napansin ko din ang bintana kong bukas pa din at ang kurtina nitong nakaipit sa gilid. Isarado ko na kaya? Baka kasi pumasok yung mga lamok eh. Dumiretso ako ng lakad papalapit sa kama at dumungaw muli sa bintana. May pumasok uling malamig na hangin na tumangay sa buhok ko kaya naman inipit ko ang mga buhok ko sa tainga ko bago uli pagmasdan ang paligid sa labas. Di gaano kataasan ang view ko dahil nasa second floor ako ngayon. Ang mga kwarto kasi sa bahay apat lang, yung una dating kwarto nila mama at papa pero hindi namin pinapagamit or hindi namin ginagamit para mapreserba yung alaala ng kuwarto na iyo, sunod ay yung kwarto namin ni kuya, tig isa kami at huli ay para sa guest room o para sa kaibigan o kamag-anak na napagtripan mamalagi. Tumingin uli ako sa itaas, kung nasaan ang mga bituin at buwan. Ang weird mang pakinggan pero napakaganda ng buwan ngayon, parang nanghihikayat ngunit mayroong pakiramdam na malungkot, na m****o, hindi ko maipaliwanag. Humikab ako, marahil ay dahil inaantok na ko ngunit nagulat na lamang ako ng medyo lumabo ang mga mata ko at parang may tumulo mula sa itaas dahil nararamdaman ko ang basa sa may bandang pisngi ko. Tumingin ako sa itaas kasabay ng paghawak ko sa pisngi ko. Luha? Bakit may luha? Baka gawa ng paghikab ko, pero tumulo agad yung luha? Humikab muli ako ng isang beses at may tumulo na namang luha sa kabilang mata ko naman. Baka inaantok na nga ako. Napagdesisyunan ko na matulog na pagkat tutulungan ko pa si kuya sa gawaing bahay bukas kaya naman mahihiga na sana ako ng biglang bumagsak na naman ang mga luha ko at sabay-sabay na ito ngayon. Sumisinghot-singhot na din ako. At bigla akong nakaramdam ng sakit sa aking dibdib. Panigurado akong umiiyak na ako ngayon. Pero bakit? Bakit parang may kulang? Bakit parang may mali? Agad akong tumayo sa aking kama at lumabas ng aking kwarto. Dinala ako ng mga paa ko sa kwarto ng kuya ko. Hindi ko alam kung alam niya bang pupunta ako pero sa pagtapak pa lamang ng mga paa ko sa harapan ng kuwarto niya ay biglang nagbukas ang pinto at hindi na ako naghintay pa at agad akong yumakap sa kung sinoman ang nagbukas ng pinto. "Why are you crying, Xyrile?" Sabi ni kuya habang hinahagod niya ang likod ko. Ramdam ko ang lamig ng balat niya at ng kaniyang basang buhok amoy ko rin ang sabon na may kasamang natural niyang amoy. Mukhang nag-shower nga muna si kuya bago siya magpahinga. "Tigilan mo nga ako sa pag-iingles mo! Alam mo naman na ang bobo ko sa English tas gaganyanin mo pa ako!" Panghihimutok ko sa kanya. Eh hindi naman talaga ako magaling English eh. Hindi na siya uli sumagot pa pero ramdam ko ang paghagod niya sa likod ko at ang paghigpit ng yakap niya sa akin. Nakapatong lang ang ulo niya sa akin habang ako naman ay lalo kong ibinaon ang ulo ko sa dibdib niya. "Kuya..." Inalis ko ang pagkabaon ng ulo ko sa dibdib niya at agad na tiningnan siya ng patingala. Matangkad ang kuya ko, hanggang dibdib niya ng lang ako eh. Palagi niya pa akong inaasar kasi pandak daw ako tas babatukan ko naman siya...batukan uli. Tiningnan niya din ako bago punasan ng daliri niya ang mga luha ko. "Ang pangit mo talaga." Sabi niya sa akin ngunit kalmado lang ang mukha niya. "Kuya naman eh." Sabi ko bago uli bumaon ang ulo ko sa dibdib niya. Sanay na kaming ganito. Close talaga kami ni kuya, kasama ko siya sa pagtawa at sa pag-iyak. Inaasar niya ko pag malungkot ako inaasar pa din ako kahit natawa na ko. Mula ng magkamalay ako sa mundo siya na talaga ang kasa-kasama ko. "I'll tuck you in bed." Hinagod niya ang buhok ko bago ako sinamahan papasok sa kuwarto ko. Pagpasok namin sa kuwarto ko ay agad niya akong pinahiga sa aking kama at kinumutan. Kinuha niya ang upuan na nasa study table ko bago ito ilapit malapit sa kama ko saka siya umupo dito. "Just close your eyes, Xyrile. Sasamahan kita hanggang sa makatulog ka." Sa sinabi niyang iyon ay agad kong ipinikit ang mga mata ko. Ipinikit ko ang mga ito ngunit di pa rin ako dinadalaw ng antok. Sa mga nakalipas na minuto ay pinapakiramdaman ko lang si kuya. Ramdam kong nakaupo lang siya sa tabi at ramdam ko ang mga titig niya. Maya-maya pa'y tumayo siya ngunit hindi siya umalis at lumapit lang siya sa may bintana, nang maramdaman kong iaabot niya na ang kamay sa bintana ay agad na akong nagsalita. "'Wag kuya..." Iminulat ko ang mga mata ko ng kakaunti, pagkat namamaga ito mula sa pag-iyak ko. "Baka pasukin ka ng lamok, kagatin ka sa mata." Sa sinabi niyang iyon ay ngumuso ako ng kaunti. "Sige na po, please." Sabi ko lang sa kanya ng mahina. Napansin kong lumamlam ang mga mata niya bago bumalik sa kaniyang kinauupuan kanina. Tiningnan niya ako ng tinging may intensidad, wala kang mababakasang emosyon pero napakabigat ng mga tingin niya. "Matulog ka na, Shananaiah." Sa di malamang dahilan ay inantok agad ako pagkasambit niya ng mga salitang iyon.  Ngunit bago pa man ako pumikit ay tiningnan ko muna siya ng nagtataka bago ko ipikit ang mga mata ko. Di ko pa rin maintindihan ang nangyari sa akin kani-kanina lang. Bakit ako malungkot? Bakit biglang sumakit ang dibdib ko? At bakit sa di malamang dahilan...bakit ako umiyak? Bago pa man ako mawalan ng malay ay parang may lumapat na kung ano sa noo ko. Lokong kuya to, baka pinitik na naman ako o di kaya pinalo sa noo. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Bumalik ako sa pagkamalay ko at nadatnan ko na lamang ang sarili ko na naglalakad sa kawalan. Wala akong makita na kahit ano at natatakot ako na baka may maapakang kung ano o mahulog ako ng hindi ko nalalaman. Nasaan ba kasi talaga ako? Hindi ko tiyak kung anong nangyayari pero sa di ko malaman-lamang dahilan naglalakad pa din ako hanggang ngayon, patungo sa kawalan, sa lugar kung saan di tiyak ng ninuman. Nang walang kung ano-ano'y may ilaw na sumindi mula sa aking itaas ngunit iisa lang ang iniilawan nito, ako. Tiningnan ko ang inaapakan ko ngunit madilim pa din ito. Maya-maya pa ay mayroong taong naglakad palapit sa akin. Nakaitim ito, nakaitim na kapa na natatakluban ang mukha at natatakpan ng kapang iyon ng buo niyang katawan. Tumulo ang luha ko kasabay ng pagkunot ng mga noo ko, tila kinikilala o mas tamang sabihing kinukumpirma ang nakikita ko. Biglang tumaas ang kanang kamay ko, nakaturo sa direksyon ng taong iyon, na tila may inaabot. Sa mga oras na ito ay natiyak kong hindi ko kontrolado ang mga desisyon ko sa panaginip na ito. Lumapit pa papalapit ang taong iyon at itinaas nito ang kanan niya ding braso, ngunit tanging ang kapa lamang niya ang nakikita ko, wala akong makitang kahit isang bakas ng pagkakakilanlan niya. Sa pagtaas ng kamay niya tila ay inaabot niya din ang kamay na inaabot ko. Naglakad siya papalapit ng papalapit hanggang sa tumakbo na siya papalapit sa pwesto ko ngayon, sa pagtakbo niyang iyon ay nababa na ang kamay ko hanggang sa bigla na lang akong niyakap ng taong nakaitim. Mahigpit ng pagkakayakap sa akin ng taong ito na binalik din naman ng katawan ko ang intensidad ng pagyakap niya sa akin kasabay ng pagbaon ng ulo ko sa dibdib niya ngunit sa paghigpit ng yakap namin sa isa't isa ay naitukod ko ang mga paa ko kasabay ng pagyakap niya sa akin paitaas ay naabot ko ang leeg niya at doon ako sumobsob. Nararamdaman ko ang paghagod ng mga daliri nito sa aking likod, mga daliring hindi ko pa nakikita sa kanya simula ng pagkakita ko sa kanya kanina. Patuloy ng pagdaloy ng luha ko at patuloy din ang paghigpit ng yakap namin sa isa't isa. Maya-maya pa ay bumitaw kami sa isa't isa at dahan-dahang gumalaw ang bibig ko, ngunit kahit ako ay wala akong maintindihan o narinig na sinambit ng bibig ko pero kasabay pa din nito ang iba't ibang ekspresyon na lumalabas sa mukha ko. Iniangat ko ang kamay ko papalapit sa mukha niya, sa may pisngi banda. Niyakap niya ako sa aking likuran, hinihila papalapit sa kaniya kasabay din ng pagtingkayad ko at paglapit sa mukha niya. Sa pagpikit kong muli ay muling tumulo ng luha na kanina pa nabagsak sa aking mga mata. - -                      ~•~|•~• End of the Chapter~•~|•~• (Note) A/N: Hello po sa mga nagbabasa!_(:з」∠)_ Sana po nagustuhan niyo po! ^~^ Thanks po! 'v'  Ito po yung complete name and age ng magkapatid kasama na din po ang mga pronounciation. Xyrile Shananaiah M. Villanueva, 16 years old (Shay-rayl | Sha-na-na-yah) Xion Samuel M. Villanueva, 19 years old (Say-yon | Sam-wel)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD