Chapter T W O

4272 Words
-Friends Xyrile's POV: Sa muling pagmulat ng mata ko ay muling sumulpot sa paningin ko ang puting kisame ng aking kwarto. Ramdam ko ng init na nagmumula sa bintana na katabi lang ng aking kama. Umupo ako mula sa pagkakahiga sa aking kama upang tumayo na at samahan si kuya sa pag-aalmusal, tiningnan ko muna ang oras na nagsasabing ala-siyete na ng umaga nang may tumulo na naman mula sa aking mga mata na agad ko naman pinunasan ng aking kamay. Bakit ba nahihilig akong umiyak ngayon? Ang lakas din ng trip ng utak ko kung ano-anong pinaggagawa sa buhay niya. Tumayo ako mula sa kama ko at nag-inat-inat. Ang sakit din sa katawan pag nakahilata lang eh no? Tiningnan ko ng kalat ko sa kama, nakakatamad mang gawin pero baka maging leon na naman ang unggoy pag nakitang magulo ang kama ko. Napanguso na lamang ako habang nililigpit ang pinaghigaan ko. Bakit kaya ang tamad tamad ko? Baka kasi ang english ng masaya ay happy. Pero nagtataka pa din ko kung tama na ba ang enough. Pero paaano kung masakit pala yung pain eh papaano na kung...ah ewan ang bobo ko talaga.  Pinagpatuloy ko lang ang pagliligpit ko at ng matapos ako pati sa pagwawalis ng kwarto ko ay saka ko lang napansin ang nakadikit na sticky note sa notebook ko. Sinimulan ko na ang pagbabasa dahil una sa lahat manok ang unang lumabas hindi ang itlog... ah eh basta. 'Xyrile, panget kong kapatid...' Gandang pambungad sa umaga, gawin ko kayang panakot ng daga si kuya sa pinto ko? Timpi muna, self mamaya mo na kotongan. 'Xyrile, panget kong kapatid, mabaho ng bunganga at mukhang unggoy...' Xion Samuel pag ikaw talaga di ko natantiyang unggoy ka. Ikaw lang kaya ang unggoy sa ating dalawa. Dahil sa galit ko, hindi ko na binasa pa ang pang-aasar niya na nasa unahan ng letra at pinagpatuloy na lang ang pagbabasa sa mga importanteng detalye ng liham. Umalis pala si kuya kaninang ala-sais, isang oras na ang nakakalipas, para pumunta sa ibang bansa para sa business ng kumpanya nila sa Switzerland bale isang linggo daw siya doon. Aba sosyal ng lolong ito, sana all. Pero siyempre naman, alam kong nandoon si kuya para magtrabaho at para na din sa kinabukasan naming dalawa. Kaya siguro ang aga niyang umuwi kagabi pero nagtataka lang ako, bakit hindi ako pinagalitan ni kuya nang nadatnan niya pa kong gising kanina? Siguro kasi masyado ng pagod si kuya at kailangan niya ng magpahinga? Hmm...baka? Sa tuwing naalala ko ang mga pagsisikap at pagsasakripisyo ng unggoy kong kapatid ay naawa na lang ako sa kanya kasabay na noon ng paghanga at pagiging masaya dahil may kapatid akong kasing bait at kasing baliw niya. Binaba ko na ang sticky note muli sa notebook ko nang makita ko ang notebook ko na puno ng notes about sa assignment ko sa mathematics, may iilang formula at equation na mas madaling intindihan kaysa sa mga libro. Medyo complex kung titingnan pero pareho lang din naman sa ginagawa ni teacher pero di ko alam kung bias lang ba utak ko kay kuya at ayaw niyang intindihan yung verbal explanation ng teacher kong menopausal sa math. Sorry ser! Ampanget ni kuya haha... Lumabas na ako sa kwarto at bumaba papunta sa kusina upang kumain muna ng umagahan. Sa pagpunta ko sa kusina agad kong nakita ang pangtabing namin ng aming mga pagkain na nakapatong sa lamesa.  Aba...aba... Bumabait si kuya. Nilutuan niya ba ako ng almusal? Sana naman hehe. Ang gwapo talaga ng kuya ko, napakatalino, napakagwapo at napakabai--- Bahagyang natigil ng munti kong papuri sa kuya ko ng binuksan ko ang kulay asul na pantabing at may nakita akong nakadikit na stick note dito. Na saan yung pagkain? Kinuha ko ang sticky note na may pag-asang baka nakasulat dito kung nasaan ang pagkain ko ngunit ng mabasa ko ng nilalaman nito ay lalo lang nag-init ang ulo ko. ~ ~ ¦ ~ Xyrile, minamahal kong kapatid, Tigil-tigilan mo ang katamaran mo at matuto kang gumawa ng almusal bago pa kita matantiya. Eh aba naman sa tuwing aalis na lang ako, ako pa ng palaging nagluluto sa pagkain mo na kakasiya hanggang sa makabalik ako.  Pag wala ka ng pera tawagan mo na lang yung utol kong si kalbo at siya na bahala dahil ipapadala ko na lang sa kanya ang pera. Yung number nasa likod nitong letter.  Ayusin mo paglilinis ng bahay, bata ka. Lagi na lang may alikabok, naglilinis ka ba talaga? Saka ikaw, ayusin mo yang mga assignment mo, hindi pwedeng araw-araw na lang tinatamad kang magresearch at ako pa talaga ang ginagawa mong google.  Xy-xy, mahal ka ni kuya, tandaan mo iyan. Xion, gwapo mong kuya~¦                                                                                    ~ ~ Napasimangot na lamang ako ng mukha habang binabasa ko ang munting liham ni kuya. Baka ito na nga ang oras para matuto ako. Pero naman kuya wala man lang pasabi para nakapagready man lang. Saka number? Ah nasa likod daw... 639*******532 Maya ko na lang i-save sa cellphone ko. Pagkakita ko ng sticky note uli ay dinikit ko muna sa magnet sa pinto nang ref bago buksan ang ref kung ano ba ang pwedeng lutuin. May ilang itlog pa naman, tas ilang pwedeng ipangluto para ngayon araw, mag-isa lang naman ako kaya kahit di na bongga tas marami. Mamaya na lang siguro ako mamamalengke pagkauwi para sa pagkain naman bukas tas pang-stock. Kinuha ko ang isang pirasong itlog at oara may twist naman ang almusal ko, ginaya ko yung pagluluto ni kuya na may cheese. Galing kasi noon eh. Kung ano-ano nangyayari sa itlog pag siya ng nagluluto pero masarap naman. Sana lang magawa ko to hahaha. Well may background na ko sa pagluluto ng itlog kasi nga sa tatlong nagdaang taon kami lang talaga ni kuya ang magkasama. Wala naman kasi kaming kamag-ana... Ay weyt parang meron pala hehe. Pero di ko sila kilala, si kuya lang ang nakakakilala sa kanila. Ay ewan ba nagkaroon ako ng malay na ni kahit anino nila, hindi ko nakita. Aray! Napahawak ako sa ulo ko ng bigla parang may tumusok sa utak ko. Nasakit na naman siya shems. Close kami ni kuya, halos lahat nga ng alam ko alam niya pero may mga secrets pa rin tayong tinatago. Alam niyo yung white lies? Yun nga, kasi ayokong mag-alala pa lalo si kuya saka sabi naman ng kaklase kong tukmol pahinga lang daw tas burger. Yeah mahilig kami sa burger. Balik tayo sa itlog, saka siyempre naman day, kahit hindi perfect ang pagkabilog ng itlog, pwede naman kahit yung ano... Anong tawag doon? Ah basta! Basta nakakain, tapos. Pinagpatuloy ko lang ng pagbati ng itlog. Mayroon na tong asin tas magic, pero iniuntian ko na lang kasi upcoming pa yung cheese. At nang mapansin kong tunaw na yung magic at yung asin kinuha ko na yung cheese na kinuha ko din kanina sa ref at kinudkod ito sa grater. Nang mapansin kong okay na ay nilagay ko na sa itlog at binate uli ng ilan pang beses bago ilagay sa kawali na may mantika. And the game begins... ~~~~~~~ >TIMESKIPTIMESKIP~ ~  ¦  ~Xyrile, Nadiligan ko na ang halaman kagaya ng kinagawian. Ngunit sa mga susunod uling araw ay ikaw na naman ang magdidilig, please lang at huwag mong lunurin ang halaman at tigilan mo ang katamaran mo at baka malimutan mo na naman silang diligan, tatamaan ka talaga sa akin. Alam mo na naman ang gagawin dahil limang taon ka ng nag-aalaga ng halaman pero mag-ingat ka pa din sa pesticides at fertilizer, masunog utak mo. May patakbo nga pala sa'yo ngayon. Ingat ka na lang kasi baka mapagkamalan kang unggoy, kagatin ka pa sa mukha. Xion, gwapo mong kapatid~¦ ~ ~  Huh? Anong patakbo? Bago pa ako makalingon sa likod ko ay biglang may dumamba sa aking mabalahibong bagay at naipikit ko na lamang ang mga mata ko. Pero in fairness, malambot at mabango ang mabalihong bagay na ito. Pagtingin ko sa bagay na kakababa lang sa bisig ko ay agad na nanlaki ng mga mata ko. ~~~~~~~ >TIMESKIP(Note) A/N: Hello po!_(:з」∠)_ Sana po nag-enjoy kayo!ฅ'ω'ฅ See you po next update! •-•
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD