-Bad News
Xyrile's POV:
Kasulukuyan akong nakatunganga lang sa harapan ng blackboard. Hanggang ngayon, hiyang-hiya pa din ako sa pinaggagagawa ko sa buhay ko. Parang sira ka naman kasi self eh.
Xyrile!!!
Self naman kasi. Ayus-ayusin mo naman desisyon mo sa buhay. Kaya ka napapahamak eh.
Xyrile, shemay...
Di ko lang naman kasi matanggap, self. Yung iniiwasan kong lapitan nabatukan ko pa.
Nakatunganga na naman to si truepapits.
Shemay anong gagawin ko? Magiging impyerno buhay ko pagnagsalita ng unggoy na iyon. Pero eh ano naman? Ipapasuspend ko silang lahat. Diktador ka ghorl?
"Arawts! Potching kinalbo naman oh!!!" nasambit ko na lamang habang nakayuko at nakahawak sa ulo ko.
Potching kalbo yung nambatok sa akin. Pinandilatan ko naman ng pagkasama-samang tingin habang may mumunting butil pa ng mga luha sa mata ko ang damuhong na nambatok sa ulo ko.
"Aba Xyrile! Apat na araw ka ng nag-i-ispace out. What happened to you ba kasi?" biglang sulpot ni Lanie sa mukha ko.
Ramdam ko pa yung laway ni babaita, talsik ng talsik sa mukha ko. Sa tanong naman niyang iyon, napatingin ako ng matagal sa kanya. Hanggang sa lumalim uli yung pag-iisip ko. Napansin ko namang tumango yung tagabatok namin.
Babatukan sana uli ako ng tagabatok namin, si Wilhelm nang hawakan ko ang kamay niyang akmang babatok sa akin at sinagot si Lanie gamit ng aking pinakaseryosong boses.
"Kailan ka pa natuto ng ganyan, Lanie?" medyo kumunot ang ulo ko habang tinatanong ko siya.
Pagkasabi ko ng mga salitang iyon ay agad ding kumunot ang noo niya tila nagtataka sa sinabi ko. Pero seryoso ako, saang lugar niya ba kasi natutunan iyan? Parang di na siya yung kilala kong Lanie.
"Huh? What are you talking about?" sabi niya sa akin na nakakunot pa din ang noo.
Agad ding nagtaka ang iba ko pang truepapits at tumango uli si Wilhelm. Seryoso, di nila nahahalata?
"Oo nga. What are you talking about ba, Xyrile? You are spacing out for almost 4 days. What is happening to you?" sambit naman sa akin ni Jonas habang naka-akbay ang kaliwang braso sa balikat ni Lanie at mukhang hindi man lang pumapalag si Lanie. Tumango uli as usual si Wilhelm.
Napansin ata ni Lanie at ni Jonas yung pagtitig ko sa pagkaka-akbay ni lalaki kay babai. Agad naman silang namumulang mag-iwas ng tingin.
"Sila na, Xyrile. 2 days ago pa." kalmado namang sabi ng isa ko pang fellow scholar, si Rona. At agad naman uling tumango si Wilhelm.
Si Rona ng pinakamatino sa aming lahat na magtotropa, regular student same lang ni Jonas. Siya rin ang pinakamatalino, ewan ko nga kung paano napasama iyan sa tropa halos lahat kasi kami may sapak...ay chos lang pala, may ka-ungguyan din yang tinatago.
Pero what the? Wow may pa-english si mayora. Hay...di pa ba titigil to?
Gulat naman ang lumabas sa reaksyon ko.
"Huh? Kailan pa naging kayo? At saka ikaw Lanie! Bakit nag-eenglish kang hype ka?"
"Hay... Xyrile. I really wonder kung anong nangyari sa'yo. Ano bang nagyari 4 days ago at tumimang ka lalo ngayon." as usual tango uli ang ugok.
Si Rona iyan, kaya napasama sa kalokohangtropa namin, matabil din kasi dila tas namamatok. Nangyari four days ago? Shems nakakahiya... Kahit ako ayaw ko ng alalahanin pero shems naman kasi dahil doon four days ko ng ginagawa yung councilor duty ko sa bahay o di kaya sa classroom, di na din ako makapagtrabaho ng maayos baka nga sapakin na ako ng admin namin pag di pa ko nagseryoso.
Four days ago...~~~
Kasalukuyan akong nasa office hinihintay ko yung batang makulit sa library mayroon na lang dalawang minuto bago yung sinabi kong oras, nasa conferrence ako ngayon ng councilors, nagpasadya na din ako doon sa secretary namin na magsulat na dumiretso sa conference hall ng councilors kung sino man yung maghahanap sa akin.
Kanina ko na din sinabi sa iba ko pang kasama sa council na hihiramin ko muna saglit yung conferrence kasi may paparusahan pa ako, may pusa kasing nagkalat na naman sa offic ko nooong naiwan kong bukas habang nasa loob ako kaya may pumasok, kasulukuyan iyong nililinis sa tindi ng kalat.
Balik sa kasulukuyan, lumabas na silang lahat at mayroong natirang unggoy. Di din makaintindi to na kailangan kong gamitin eh. Bahagya ko siyang tiningnan at napanguso na lang. Wala siyang suot na coat ngayon, pero suot niya pa din yung badge nila nong batang kakulto niya. Bakit kasi ayaw pa umalis ng damuhong na to. Bahala ka nga diyan.
Maya-maya pa ay isang minuto na lamng ang natitira nang may kumatok sa conference hall.
"Uhm... *ehem* Come in." sabi ko habang inaayos ang upo.
Siguro nandiyan na si bata. Bahagya naman ako uling napatingin sa damuhong na di pa umaalis. Balak talaga ata nitong makachismis. Bumukas naman yung pinto at... Si Clara lang pala, yung secretary namin.
"I'm sorry miss for the interruption but I need to inform you that the papers about our project this month is needed on Saturday. Mr. Ramos is already asking if he can get it on Friday for the last approval from him before we can present it to Mr. Reyes." pormal niyang sabi habang nakasilip sa pinto. By the way si Mr. Ramos ang admin namin at si Mr. Reyes naman ng principal.
Bahagya lang akong napatunganga sa kanya matapos niyang sabihin iyon. Matapos ang ilang segundo ay unti-unti akong napasimangot sa kanya.
"Clara naman eh." bahagya pang humaba ang aking nguso habang nakatingin sa kanya.
Tinawanan niya lang naman ako ng bahagya. Siya ang tinuturing kong closest friend sa council sa kanya lang ako ganito.
"Basta need na daw yung proposal sa Saturday pero ipaasa daw muna kay Mr. Ramos for some clarification and suggestion." sabi niya ng nakangiti bago inguso ang kung sino na agad ko namang nalaman agad. Si Mr. Vice President... Oo nga pala, nandito pala siya.
Bahagya naman uli akong napanguso habang nakaharap kay Clara. Tinawanan niya lang uli ako bago isarado ang pinto at umalis.
Muli akong napatingin sa orasan at napansin kong late na ang batang pasaway ng isang minuto, puntahan ko na lang kaya? Ay naiwan ko nga pala yung id niya sa bulsa ng bag ko. Nasa classroom pa yun eh, tinamad kasi ako magbitbit ng bag kaya wallet at cellphone lang ang dinala ko.
Tumayo ako sa upuan ko at akmang lalabas na sana nang mahigit ako ng kung sino at sapilitang pinaupo sa upuan ko uli gamit ang balikat ko na hawak ng kung sino na nakapagpangiwi sa akin ng bahagya dahil sa sakit. Arawts naman ansakit, be gentle naman day.
Napatingin naman ako sa taong bigla na lang sapilitang nagpa-upo sa akin.
"Siraulo ka ba?"maiyak-iyak kong sabi sa Vice President na to.
"Who told you to leave?" nagulat naman ako ng magsalita ito.
"D-diba... Pipe ka? B-ba't nags-sasalita k-ka?" pramis mga brad alam sa campus na pipe siya, kahit higher officials ng school iyon ng alam kasi paano ba naman mula noong pagtapak niya sa classroom hindi na talaga siya nagsasalita.
"Who told you that I'm mute?" sabi niya sa akin. Partida mga brad ang ganda ng boses parang gusto ko tuloy maging Ursula pero weyt lang wag na pala ang lamig eh ayokong maging Elsa bigla.
"Pero bakit nga kasi?" sabi ko habang nakakunot na ang noo.
Bakit niya ba kasi ako biglang hinila-hila. Alam ko naman parang may kasalanan ako na parang nagnakaw ako ng bato sa baul ng ninuno niya pero wala naman eh! Bakit kasi palagi siyang nakatitig sa akin ng madiin. Crush kayo ako neto? Hehe
"Hehe..."
"What are you laughing at?"
Shems ang landi mo self, stop na.
"Ahem. What is the matter, Mr. Vice President? Because I still need to attend into some important errands." WAW may pa-english si mayora.
"My punishment?" sabi niya habang nakatayo lang ng diretso sa aking harapan.
"Huh?"
"And my ID..." pagkasambit niya noon ay bakas din sa mukha niya ang pagkainis pero nangingibabaw pa din si expressionless face.
I...D?
Pagkasambit niya ng mga salitang iyon ay agad na lumukot ang mga noo ko. Yes tropapits, anong ID?
Wait nasa school pa paa kami, kailangan kong ibalik yung postura ko baka may biglang pumasok. Pero ano kaya yung sinasabi netong ID? Baka yung ID ni bata, kakulto niya nga ata talaga iyon. Impernes den ngayon ko lang narinig magsalita to...what if kanya yung ID? Shems...hindi Xy, sa kakulto niya yun.
Ghe paniwalain mo yung sarili mo.
Inaayos ko ng pagkakaupo at tiningnan lang siya ng kalmado, ito ang ginagamit ko pag professional mode on ako, lalo na sa harap ng officials ng school, sa mga nanay at tatay ng sanlibuta-este ng mga bata...na kasing edaran ko lang din.
"I say, what punishment? Id...?" partida english yan.
Bumalik siya sa upuan niya na katabi ko lang din sa may bandang kaliwa ng mahabang lamesa at agad din siyang umupo. Naka-straight, mas straight pa sa pagkatao ko, chos.
Nakadiretso ang kanyang likod na nakalapat sa sandalan ng upuan bago ipatong ang kanyang dalawang kamay sa mesa at tiningnan ako ng kalmado ngunit di mo mababakasan ng kahit anong emosyong ekspresyon.
"I'm that kid you're talking about." sabi niya uli gamit ng paborito niyang ekspresyon.
Pero weyt nyomay sioman. Oo siomai tas suman yan. Hanudaw?
"So, Ms. President, shall we continue?" sabi niya bago tingnan uli ako gamit ng mga matang napakataas ng intensidad.
Unti na lang McClaurence Androisē M. Zapante, hahalikan na kita tas intense den. Chour, ang haroot ko talaga.
~~~~~~~~~~
Ayon na nga mga day, pagkatapos ng kalokohang nagawa ko pero deserve niya din yun no pero somehow kasalanan ko din kasi di din naman ako tumingin sa daan, lihim na lang akong humingi ng tawad, nakakahiya day.
And yung punishment? Warning lang naman pero may kasamang detention for about thirty minutes may lecture din habang nasa detention room siyempre. Isa iyon sa mga nirevise ko sa constitution ng termino ko dito sa school, mga 3 years na ding implemented simula nang pagiging presidente ko. Para kasi masigurong di na uulit kasi napansin ko yung iba warning nga lang pero umuulit kasi tas warning uli.
Siyempre simula ng pangyayaring iyon, nilalayuan ko na si Mr. VP somehow...kasi di naman maiiwasan pag yung mga panahong may meeting sa buong council. Pero di pa rin talaga matigil yung pagtitig niya sa akin ng napakadiin, yung walang kahit na anong emosyon, yung parang pinapanood niya lang talaga ako na parang ah ewan nasta masarap ang burger.
After ng pangyayaring iyon ay agad kong binulabog ang kuya kong ni minsan simula ng kanyang pag-alis ay di na nagpadala ng kahit anong mensahe o tawag man lang. Yung totoo, kapatid mo ba ko dong?
Lagi ko siyang kinukulit kahit gabing-gabi na pero laging offline yung phone niya o di naman kaya ayun offline pa din.
Nag-aalala na ko kay kuya sa totoo lang, isa na din to sa mga dahilan kung bakit ako nag-ii-space-out madalas pero sa awa naman ng Diyos di ko naman napapabayaan yung pag-aaral ko. Chour lang minsan kasi napagalitan na ko ni teacher, minsan daw isama ko sila pag maglalakbay yung utak ko.
"Oh ano na Xyrile? Nakatunganga ka na naman diyan?" sabi ni Rona habang nakapamewang sa harap ko.
Agad namang tumango ang tagabatok naming si Wilhelm na kanina pa tango ng tango. Ewan ko ba sa lalakitok na to, hindi siya pato mukha siyang dugong, anong konek?
" Ah wala to. I just missed my brother. It's been four days na din kasi after ng last communication namin...pwe. Badtrep ka Lanie! Bakit ka kasi english ng english? At ikaw naman Jonas! Nilalandi mo na naman si Lanie bebs naku sasalaksakin ko talaga buong angkan mo pag niloko mo tong kaibigan natin." sabi ko naman habang inis na inis na nakatingin kay Jonas.
Hindi naman sa tutol at wla akong tiwala kay Jonas, wala lang naman talag-ay este natatakot kasi ako sa pagiging babaero ni unggoy at ayokong masira yung pagkakaibigan namin dahil sa hormones nito. Pero sana lang talaga magtino siya at maging tapat siya kay Lanie kasi sasalaksakin ko talaga buong angkan niya.
"I'm serious about her boss. And also, I really want to change for our future." matapang niya pang sabi habang nakataas ang kamao.
"Anong konek? Basta ayusin mo lang talaga Jonas kasi halos araw-araw kitang nahuhuli, pag pinaiyak mo to si Lanie alam mo na mangyayari sayo."
"Tenkyu bespren Ixy!" pagbanggit pa ni Lanie sa nickname niya sa akin bago ako yakapin mula sa likod ng napakahigpit.
¤Φ_Φ¤~~~T I M E S K I P
Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko, blanko lang akong nakatingin sa bintana habang nakahalumbaba. Nakabukas ang bintana at walang natabing na kahit anuman nakaharang kaya malayang nililipad ng malamig na simoy ng hangin ang bawat hibla ng buhok ko.
Kanina ko lng naipasa kay Mr. Ramos ang papeles na kailangan para sa program na isasagawa, siyempre magagaling kaya ang bawat councilors, sabi na din ni Mr. Reyes na no need na daw ng revisions kasi typos na lang din naman daw yung talagang problema at siya na lang daw ang bahala kasi baka may maisip pa siya at maidagdag niya.
Bukas ay sabado, nabanggit ni kuya sa isang linggo daw siya doon kaya malamang ay sa lunes babalik na siya. Muli kong kinuha ang cellphone ko na nakalagay lang sa may bedside table ng aking kama bago ito buksan at puntahan ang contacts.
Pinuno ko na siya ng mga mensahe sa messenger tas sa inbox, kulang na lang ay gumawa ako ng panawagan sa lahat ng social media accounts niya para pansinin man lang ako pero wala talaga eh.
Muli kong pinindot ang call button at naghintay ng ilang segundo. Tamang tama kasi gabi dito sa Pilipinas at paniguradong umaga o di naman kaya tanghali o hapon na doon pero lumipas pa ang kalahating oras at hindi pa din sumasagot ang kapatid ko.
Ayos lang kaya si kuya? Baka napahamak na siya? Wag kang mag-isip ng masama, Xyrile. Bukas na lang uli, baka busy si kuya at kailangan niya talaga ng full focus sa trabaho o di kaya baka nasira o nanakaw yung cellphone niya kaya di niya ako matawagan, ulyanin pa naman iyon si kuya pagdating sa cellphone number ko. Oo cellphone number ko lang talaga. Napakatalaino ni loko, magaling magmemorya pero sa lahat ng kakalimutan niya yung cellphone number pa ng nag-iisa niyang kapatid, ayos din talaga iyon eh.
Maya-maya pa ay humikab na ako. Oras na para matulog. Sana ayos lang si kuya. Kinuha ko ang kumot ko at ipanatong ito ng maayos sa akin bago at ako maghanap ng komportableng posisyon sa pagtulog.
Bukas uli kuya. Try mo lang talagang di magmessage sa akin s buong linggo o kahit pag-uwi mo man lang kahit may pasalubong ka pa hihe ay este babatukan kita.
Π^Π~~~ T I M E S K I P
Nakaupo ako sa sala ng aming bahay habang nag-aalmusal ng pansit canton. Nakatingin lamang ako sa telebisyon habng pinapanood ang kulay dilaw na parisukat na mayroong parisukat na pantalon kahit parihaba naman talaga na kinakausap ang isang kulay rosas na hugis bituin, kasama nila ang kulay abong, asul ewan ko sayo na pusit sa loob ng krusty krab. Shems parang gusto ko tuloy ng borgeir, yung maraming patty.
Tawa lang ako ng tawa habang kinakain ang pansit canton at iniinom ang gatas na nakalagay sa ibabaw ng lamesa.
Nagpatuloy ito ng kalahating oras hanggang sa biglang tumunog ang cellphone na nasa ibabaw din ng lamesa. Agad kong pinunasan ang mga kamay ko sa kung ano man bago ko tingnan kung sino yung caller...si Lanie lang pala.
Agad kong sinagot ang tawag at isang nakakabinging sigaw agad ang sumalubong sa tenga ko.
"Ixy! Xyrile ayos ka lang ba? Oy!" agad niyang pambungad sa akin.
"Ano ba iyon, Lanie? Saka sigaw agad pambungad mo sa nananahimik kong eardrum? Ano ba kasi iyon?" sabi ko naman sa kanya na binilisan din ang pagsasalita, pasigaw din hihe.
"Ah eh...Xyrile...Napanood mo na ba yung balita? O na...nanonood ka ba ng balita ngayon?" bahagya namang nagunot ang noo ko. Ang bilis magbago ni ateng mukhang nagtanda. Saka ano naman ngayon kung nanonood ako o hindi?
"Huh? Hindi."
"Xyrile, wag ka sana mabibigla pero ilipat mo na sa news. I'm really sorry, Xyrile. Papunta na ako diyan."agad naman niyang ibinababa ng tawag hindi pa man ako nakakapagsalita.
Ano ba kasing problema? Dumating ba yung crush ko galing ibang bansa? O baka naman yung presidente ng mga alien s ibang planeta. Saka bakit siya nagso-sorry? Bakit siya pupunta dito?
Nangunot nanman ang ulo ko na unti na lang talaga mapupuno na ng wrinkles kakakunot bago kunin ang remote ng telebisyon at ilipat sa kabilang stasyon.
Sa nakita ko ay agad na kumunot uli ng bahagya ang noo ko. May nag-crush na eroplano ngayon ang nakalagay sa balita. Kawawa naman sila pati n yung kamag-anak nila. Please sana walang namatay o may malalang kondisyon sa knila ngayon.
Galing Switzerland yung eroplano, galing sa bansang oinuntahan ni kuya. Medyo nabawasan ang bigat ng dibdib ko dahil buti na lang at sa lunes pa ang uwi ni kuya kasi kung hindi baka...
Hindi ko pa man naipagpapatuloy ng pasasalamat ko sa aking isipan ng makita ko ang pangalan niya sa isang hanay...
Bougart Benildo
Ann G. Santos
Xion Samuel M. Villanueva
"Xyrile!"
-
-
-~-|~-~ End of the Chapter ~-~|-~-
A/N:
Ixy is I-shay, malakas trip ko.
McClaurence Androisē M. Zapante
Pronounciation is:
(Mak-klo-rens | An-dro-wi)
Saka yung Wilhelm po is Wil-lelm
Hello po (。’▽’。)
Sana po uli nag-enjoy kayo! ↖(^ω^)↗
See you po next update!