AYAW mang sabihin ng mga kaibigan ni Prince ay alam niyang galit ang mga ito sa kanya. Kapag nakikita at nakakasalubong niya kasi ang mga ito ay nilalampasan lang siya ng mga ito as if he didn't exist at all. Na parang hindi siya kilala ng mga ito. Nang mga oras na iyon ay nasa loob siya ng madilim na music auditorium. Nakaupo sa isa sa mga bleachers. Gusto niyang mapag-isa. Gusto niyang magmukmok. That place used to be his hiding place for the past few days. Naging saksi ang lugar na iyon ng paulit-ulit at araw-araw na pag-iyak niya. Doon kasi siya laging nagpupunta kapag hindi na niya kayang dibdibin at solohin lahat ng sama ng loob niya, ng selos at ng galit. Namimiss na niya ang mga kaibigan. Namimiss na niyang makipagbiruan sa mga ito. Pero ang higit sa lahat na namimiss niya ay wal

