NANG mga oras na iyon ay tulala at tahimik na nakadungaw si Francez sa bintana ng classroom nila. Ewan niya pero wala siya sa mood mag-aral ngayon. Pakiramdam niya mas gusto na lang niyang magmukmok at umiyak. Nasasaktan pa rin kasi siya hanggang ngayon. At kapag naaalala niya ang lahat, ang bigat-bigat ng pakiramdam niya. Parang gusto na lang niyang umiyak ng umiyak haggang sa mawala ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Pero bakit ganun? Kahit anong gawin niya, hindi man lang nababawasan ang sakit na nararamdaman niya. Nahihirapan na siya ng sobra. Mabilis niyang pinahid ang luha nang maramdaman ang pag-agos niyon sa pisngi niya. Ayaw niyang ipakitang nasasaktan siya sa harap ng marami, lalo na ng mga kaklase niyang mapang-alipusta. Alam kasi niyang mas lalo siyang pagtatawanan at t

