NAKAGAWIAN na sa university nina Francez ang pagkakaroon ng program bilang pagwelcome sa bagong taon kapag tapos na ang kanilang Christmas at New Year's vacation. Kaya naman lahat ng mga mag-aaral ay nasa open theater ngayon upang panoorin ang New Year's celebration ng University nila. Alas-singko ng hapon ang simula ng programa. Umangat ang tingin niya nang mapansing may naglapag ng iced tea sa harapan niya. Nakita niya ang nakangiting mukha ni Drew. Ngumiti siya ng pilit at nagpasalamat dito. Umupo ito sa tabi niya nang damputin niya iyon upang uminom. Nang mga oras na iyon ay nasa lilim sila ng punong mangga sa likod ng theater. "Feel better now?" tanong nito at bahagya siyang sinulyapan. Hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang tahimik na nakatitig sa hawak na inumin. Ilang oras na

