"LET'S end this." Nang matanggap ni Francez ang mensaheng iyon ay nanginging ang kamay na idinial niya ang number ni Prince. Lumuluhang hinintay niyang sagutin nito iyon. No! Ayaw niyang tanggapin at paniwalaan ang mga nabasang text nito. Ano bang iniisip ng lalaking iyon at basta-basta na lang nitong tatapusin ang lahat sa kanila? No! She wouldn’t let him finish everything between them. Hindi siya makakapayag. Mahal na mahal niya ito at hindi niya ito kayang mawala sa kanya nang ganun na lang kabilis. Matapos ang ilang sunud-sunod na ring ay sinagot nito iyon. "Ano bang sinasabi mo ha?" agad niyang tanong dito. "Anong let's end this?" umiiyak na tanong niya rito. Hindi ito umimik at lalo siyang nasasaktan nang dahil doon. "Hindi kita maintindihan. Hindi ko maintindihan ang gusto mong

