TUMIGIL si Francez sa paggigitara nang marinig ang sunud-sunod na marahang katok sa pinto ng silid niya. Kasunod niyon ay ang pagtawag sa kanya ng Mama niya. "Anak may bisita ka." Kumunot ang noo niya sa narinig. "Susunod na po ako," sagot na lang niya sa kabila ng matinding pagtataka. Sino naman ang bibisita sa kanya? Inilapag na niya ang gitara at lumabas na ng kanyang kwarto. Napatda siya at natigilan nang makita kung sino ang naghihintay sa kanya sa sala. Napakunot-noo siya. Anong ginagawa nito roon? Kinabahan siya nang dumako ang tingin niya sa mga dala nitong pumpon ng bulaklak, malaking teddy bear at chocolate cake. "Hi!" nakangiting bati nito sa kanya at tumayo pa ito nang makita siya. "H-hello D-Drew." Pilit niyang tinanggal ang bikig sa lalamunan at bumaba ng hagdan upang

