KASALUKUYANG nagpapractice sinq Francez sa apartment nila nang araw na iyon. At katulad nga ng ipinangako niya sa sarili, hindi niya kinakausap at pinapansin si Prince. Sa totoo lang, ang bigat-bigat ng kalooban niya sa mga pinaggagagawa niya rito. And she always end up crying and missing him whenever she was alone. It felt like, parang may sumasaksak sa dibdib niya at sumasakal sa leeg niya kapag naaalala niya ang mga pinaggagawa niya. Yeah, she admit she was totally hurt. Sa lahat ng ginagawa niya, sarili rin niya ang sinasaktan niya. Pero ganon pa man, pinatibay na lang niya ang sarili at pilit niya itong iniignore ng paulit-ulit. Ilang beses din siyang nagbibingibingihan kapag nagsasalita ito at kinakausap siya. Minsan naman kapag alam niyang balak siya nitong kausapin ay mabilis niy

