"FRANCEZ!" Pinukol ni Francez ng matalim na tingin si Vhingles nang marinig ang pagsigaw nito sa pangalan niya. Matatalim ang mga matang sinulyapan niya ito upang iparating ditong naiinis siya. Sino ba naman ang hindi maiinis dito eh sa mismong tainga pa niya nito iyon isinigaw. Nakataas ang kilay na humalukipkip ito. "Kanina pa ako salita ng salita rito! Nakikinig ka ba?" Napaisip siya at tulalang napatitig dito. 'May sinasabi ba ang babaeng ito? Wala akong maalala.' "Kainis ka naman eh!" sikmat nito at itinulak pa siya. Sa lakas ng pagkakatulak nito ay na-out of balance siya at napasalampak ng upo sa lupa. “What the hell Vhingles!” Hindi niya maiwasang makaramdam ng inis dito. Binasag na nga nito ang eardrum niya, ngayon ay mukhang balak din nitong balian siya mg buto sa balakang?

