NANG mga oras na iyon ay nakalulan na sina Francez at Vhingles sa kotse ni Drew. Nakasunod sa kanila ang kotse nina Prince at Froilan. Habang sina Pao at Tom ay nakasakay naman sa kani-kanilang motor na kasalukuyang nasa harap nila. "Ba't ang tahimik mo?" puna ni Drew sa kanya. "Wala, don't mind me," sagot niya. Sa totoo lang, naiinis siya rito dahil sa ginawa nito kanina. Magkakabati na sana sila ni Prince eh! Umepal pa kasi ang hinayupak na Shrek at Dora fan na ito. Mukhang magtatagal pa tuloy ang alitan nila. Napasimangot siya sa naisip. Pero hindi siya makakapayag na mangyari iyon. Basta! Susubukan pa rin niyang makipagbati rito. Desidido na talaga siya. Ayaw rin naman niyang masayang ang pagkakaibigan nila nang dahil sa nararamdaman niya. Gagawa siya ng paraan. Siya na ang unan

