"HOY Prince! Bakit ka pa nakahilata rito sa sofa? Doon ka nga sa kwarto mo!" naiinis na asik sa kanya ni Pao. "Pakialam mo, sofa ko ito!" sagot niya at muling isinubsob ang mukha sa throw pillow. "Pwedeng magpalit ka muna ng damit? Naaalibadbaran ako sa itsura mo!" pinaghahampas siya nito ng unan. "Ano ba! Tumigil ka nga!" naiinis na bulyaw niya rito. "Hindi kita titigilan hangga't hindi ka nagpapalit ng damit!" Nagpatuloy ito sa paghampas sa kanya ng unan. "Oo na! Magpapalit na ako! Istorbo!" Padabog na tumayo siya at akmang aambahan ito ng suntok nang ibalibag nito ang throw pillow sa mukha niya. "Pao! Ang sakit non!" umuusok ang ilong na sinapo niya ang nasaktang mukha. Tumakbo naman ito palayo. "Hahahahaha! Nye nye nye nye nye!" bumelat pa ito sa kanya pagkatapos ay kumaripas na

