Kabanata 5: In Times of Danger

2060 Words
If there was one person I admire the most, that would be my dad. Kasi kahit mayaman na siya, hindi pa rin nakakalimot tumulong sa mga nasa ibaba. Lagi pa rin niyang binabalikan ang community na pinanggalingan namin noon. Nasa elementary pa lang ako n'yon pero ramdam ko naman ang hirap ng walang sariling bahay at umuupa lang. Malaki nga ang kinikita niya pero napupunta pa rin sa laki ng expenses. Pero ngayon, madalas kaming bumalik dahil nagdodonate siya ng kung anu-ano, not to mention, nagpapa-feeding pa. Kung hindi nga urgent ang meeting sa opisina, siguradong nandito rin ang mga kuya ko at si Mommy. Pagkatapos sa barangay, sa isang foundation naman kami pumunta. It was Manila Children's Shelter. Every quarter siyang nagbibigay ng donations dito bukod pa sa damit at gamot. Kahit mainit at maalinsangan, masaya pa rin sa pakiramdam lalo na kapag nakikita kong nakangiti ang mga maliliit na bata. 'Yong iba, nakatulala lang kapag kinakausap, as if ngayon lang nakakita ng tao. Nevertheless, I know all of them were in good health. It was almost lunch when I decided to sat and relax on a wooden bench settling on the playground. Medyo masakit na kasi sa balat ang sikat ng araw. Buti na lang, nasa ilalim ako ng malaking puno. I just didn't know if it's Acacia or Narra. From afar, I gazed at Daddy. Kausap niya 'yong madre na nagma-manage nitong orphanage. "Mukhang nagku-kwentuhan na lang sila," I whispered and drank in my tumbler. Napansin kong wala ang bodyguard niya kaya lumingon ako sa paligid. Still no sight of him. "Ate, catch!" I gasped upon seeing a ball flying towards me. Bago ako umiwas, nasa ibabaw na ito ng mga hita ko. But I could still feel my heart racing. Akala ko sa mukha na ako tatamaan. Mabuti na lang at magaan lang 'yong bola. "Sorry, kung sa 'yo ibinato ng bata ang bola." Napaangat ako ng mukha sa taong lumapit sa akin. "Sanches?" I almost huffed hot air through my nose. Before I attempted to yell at him, a boy came rushing over to me. Ngumiti siya at kinuha ang bola sa mga kamay ko. “Thank you po!” Nang umalis siya, saka ko sinimangutan si Sanches na ngayon ay nakaupo na sa tabi ko. Umusog ako palayo sa kanya. “Huwag mong sabihing nakikipaglaro ka lang pala habang kami ni Daddy, busy dito?" “Inutusan ako ni Sir Tomas na bumalik sa sasakyan. May pinakuha lang siya,” he explained. “Tungkol sa bola, haharangin ko sana pero huli na dahil natamaan ka na.” “Whatever,” I whispered, turning away. Paano na lang kung bala ‘yon? Paniguradong napahamak na ang binabantayan ng lalaking ‘to. It was almost twelve noon when we left the foundation. Pero hindi pa doon nagtatapos ang lakad namin. Mamaya lang, sa ibang foundation naman kami pupunta, particularly sa Delano Women’s Shelter. Baka nga dito kami magtagal dahil malaki din ang ginagampanan ko. This was where I practiced being a legal adviser. Ito kasi ang field ko no’ng college. Pero bago kami pumunta doon, huminto muna kami sa isang restaurant along C5. “O, bumaba na kayong dalawa at baka maraming tao na sa loob. Nakalimutan ko pa namang tawagan ang assistant ko para i-reserve tayo ng seats,” Daddy said, unbuckling his seatbelt. Napanguso ako habang kinakalas ang seatbelt ko. Tatlo lang kami sa sasakyan. Ibig sabihin, ang tinutukoy pa niya ay si Sanches? Hanggang lunch ba naman, kasama namin siyang kumain? I took a glance at him through the rearview mirror. My cheeks went hot when I caught him looking back at me. Nakakainis lang kapag ganitong eksaktong nagtatama ang mga paningin namin. Kung bakit kasi tinitingnan ko pa siya, as if affected ako sa presence niya. Katulad nga ng expected ni Daddy, marami na ang customers sa loob ng restaurant. Regardless, it didn’t look crowded at all. Elegante ang dining area at malalayo ang mesa sa bawat isa. Very spacious, very relaxing. Ang bango rin ng hangin, parang caramel. A waiter came over and directed us to our seats. Ang akala ko bibigyan ni Daddy ng bukod na puwesto si Sanches. Unfortunately, it turned out na kaharap namin siya sa iisang round table. After Daddy gave our orders to the waiter, he turned to me and smiled. “I want to ask you something, Persy — kapag hindi ko na kayang asikasuhin ang lahat ng foundations natin, kaya mo bang mag-takeover?” I had no idea what he intended to say. Pero parang hindi ko nagustuhan ang reason siya if ever na hihinto siya. “What do you mean with 'kapag hindi ko na kaya'?” I took a quick glimpse at Sanches. Thankfully, hindi siya sa akin nakatingin kundi kay Daddy. He shrugged off. “Alam mo naman, hindi naman palaging malakas ang katawan ko kaya hindi ko sigurado kung hanggang kailan ko mabibisita ang mga ‘yon. Pero mapapanatag ang loob ko kung alam kong may papalit sa akin balang-araw.” He touched my shoulder. “I want it to be you, Persy. Of course, tutulong pa rin ang buong family lalo na ang mga kuya mo. Pero, ikaw ang gusto kong maging president ng Arania Foundation.” I blinked. Bakit parang ngayon ko lang narinig ‘yon? “Um, what is that?” Your mom and I decided to put the foundations in one bigger organization. Kapag gano’n, mas systematized ang pagtulong sa kanila at mabibigyan ng equal na atensyon. Walang maiiwan.” Bigla kong nainom ang nakahandang baso ng tubig sa tabi ko. Goodness, hindi ako prepared dito, ha! “P-pero bakit ako?” “May kaniya-kaniyang position na ang mga kuya mo sa Arania MarketPlace, Persy. At ang mga ‘yon, mas negosyante mag-isip. Pero ikaw, mas malapit ang puso mo sa mga tinutulungan natin. Ikaw ang perfect person na dapat mag-takeover nito.” “Ito ba ang sinasabi mong posisyon na hinahanda mo para sa ‘kin, Daddy?” He nodded, smiling. “Alam mong gusto mo rin itong gawin. Hindi ka kukuha ng social work course kung hindi. Tama ba ako?" “R-right,” I chuckled softly. Maybe this was really my path. My brothers were laughing at me before because instead of following their path in business courses, I still chose to go to social work. Ngayo alam ko na kung bakit. I turned to Daddy and gave him a big smile. “Sige, Daddy. Though I admit, medyo na-pressure ako.” He touched my hand. “Kaya nga habang maaga, sinasanay na kita. I’m so sure you’ll be a good chairwoman in the future.” I beamed at him sweetly. I couldn’t explain what I feel exactly. Expected ko naman na sooner, may iaatang siya sa mga balikat ko. Ang hindi ko inaasahan ay ganito kalaki. Anyway, I would do my best to make him proud. Hindi ko hahayaang masayang ang pagpili niya sa akin. Finally, our order came. We were all eating in silence. Hindi na nagku-kwento si Daddy dahil nakatingin siya sa cellphone habang kumakain. Nakakunot pa ang noo. I bet, kung sinuman ang kausap niya, may kinalaman na naman sa opisina. At malaki ang chance na dumiretso siya doon habang ako naman ipapauwi niya sa bahay. Si Sanches, ayoko na munang tingnan. Nakayuko na lang ako sa plato ko. Baka kasi mamaya niyan, ma-conscious na naman ako kapag nalaman kong nakatingin siya. Anyway, kahit hindi ko siya tingnan, naiilang ako dahil kasama namin siya. Paano na ako nito kapag nagbakasyon? Huwag ko na lang kaya ituloy? “Sir Tomas…” Sanches hissed. That was the time I turned to his direction. The man was obviously a bit agitated as his eyes wandered around. “Why?” Kahit nagtatanong si Daddy, parang alam na niya ang nangyayari. I, on the other hand, was still puzzled. “D-daddy, a-anong meron?” Humigpit ang pagkakahawak ni Dad sa baso habang sumisenyas siya kay Sanches. Hindi ko pa rin naiintindihan ang pinaparating niya pero parang binubuhusan ako ng malamig na tubig sa takot. “Daddy, please.” I could hear my voice cracking. “Persy, tumakbo ka sa exit!” My eyes stretched wide. “Um, w-why?” “Just do it, please!” He stared into my eyes. Wala akong nakikita sa mga mata niya kundi matinding takot. “At huwag kang lalabas hangga’t hindi ka namin pinupuntahan.” “B-but?” Napakurap ako at kusang tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. He gave me another warning stare. Doon ako kumilos. But then when I tried to stand up, a loud gunshot sliced through the air. And as I screamed, Sanches automatically turned the large solid table to serve as our shield and pulled me behind it. Hindi ko alam kung gaano katagal na nawala ang pandinig ko. I knew I was shouting but I couldn’t hear my damn voice! Everything was dark. I realized my eyes were shut tightly and my heart was pounding insanely hard. Ano ba ang nangyayari? Or ang mas tamang tanong ay kung buhay pa kaya ako? Bigla kong naalala si Daddy kaya idinilat ko ang mga mata ko. Pero hindi ko siya makita kasi puro usok sa paligid. Bumalik man ang pandinig ko pero ang naririnig ko lang ay sigawan ng mga tao. Hindi kasama sa mga iyon ang boses ni Dad. “D-daddy!” I screamed and tried to get up. Pero napadapa na naman ako nang may dumagan sa akin. It was a large and hard body that was so familiar to me. “Huwag kang tatayo, Ms. Persephone! Tatamaan ka nila!” It was Sanches. He was yelling in my ear. He was covering me as if he was a blanket. I turned to him but still I couldn’t see his face. “Pero si Daddy! Nasaan siya?!” HIndi ko na siya narinig na sumagot pero ramdam ng likod ko ang pagtaas-baba ng dibdib niya pati na ang malakas na kabog ng dibdib niya. Not before long, Sanches got off me. Tumingin ako sa kanya na nakatakip ang mga tainga ko. My tears were streaming down my face as I watched him stand in towering height and shoot. Parehas na may hawak na baril ang mga kamay niya. “Dapa! Dumapa ka lang!” he roared and continued to fire at anyone that moves. Parang alam niya kung sino ang dapat patamaan at kung sino ang hindi. “This isn’t happening…” My sobs were shaking my whole body. Mabuti na lang at nabawasan ang usok. Then from the ground, I saw Daddy. Katabi ko lang pala siya. I held his hands tightly. And then my eyes grew wide when I saw blood flowing from his arms. “Oh. no. No!!! Daddy!” The next thing I knew, the cops were raiding the t0rtured place. Masked men were down. And the crying civilians were being escorted out of the door. Mayroong mga sugatan, my dad included. Fortunately, once the medics found us, isinakay kaagad siya sa stretcher. “Please save him,” I begged to one of them. Hindi ko alam kung saan pa ang sugat niya pero sobrang nag-aalala ako dahil wala pa siyang malay. Habang kasunod ako ng mga medics, naramdaman kong hinawakn ni Sanches ang braso ko. “What the hell are you doing?” I glared at him. “Iuuwi muna kita. ‘Yan ang sinabi ng daddy mo bago umatake ang mga taong iyon.” “S-seriously?” My tears fell down my face. Hindi ko alam kung ano ang mas nangingibabaw sa akin ngayon. Galit ba or lungkot or takot. I yanked off my hands from him. “Letse! My dad is in danger?Bakit ako uuwi! Kung gusto mo, ikaw ang umuwi at huwag ka na ring magpakita pa!” I wiped my tears and climbed on the ambulance. Hinawakan ko ang kamay ni Daddy na wala pa ring malay. Bago sumara ang pinto ng ambulance, sumakay si Sanches at umupo sa tabi ko. “What the eff are you doing here?! Get lost! I groaned. He stared at me intensely. “Mamamatay muna ako bago ko kayo iwanan!" ***itutuloy bukas*****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD