Although there was blood stain on my shirt and jeans, I still could not believe what just happened. Ni hindi ako makapagsalita at nakatulala lang. May mga pulis pero si Sanches ag kumakausap sa kanila habang si Daddy ay ginagamot sa ER. Habang tumatagal na naroon siya sa likod ng mga berdeng kurtina, lalong lumalakas ang t***k ng puso ko. Lalong nanginginig ang mga kamay ko.
But just as I was ready to stand up, a big hand reached out and touched my hand.. Para tulong akong nagising nang umangat ang mukha sa kanya at na-realize kong walang iba ‘yon kundi si Sanches. Sinubukan kong bawiin ang kamay ko sa kanya pero lalo lang niyang hinihigpian ang paghawak sa ‘kin.
“W-what are you doing?” I said, sniffing.
“Nanginginig ka,” He replied, his gaze falling on our hands. “Kung hindi ko ‘to gagawin, baka ikaw na ang isunod ng mga doktor dahil hinimatay ka na.”
My lips trembled. Ayoko mang aminin, kailangan ko talaga ng makakaramay. Surely, hindi pa alam ng mga kuya ko at ni Mommy ang nangyari dahil hindi ko pa sila natatawagan. Nawala ko na siguro ang cellphone ko doon sa restaurant pati ang bag ko. Regardless, I didn’t care a damn about my stuffs. Ang mahalaga sa akin ngayon ay masiguron ligtas na si Daddy sa panganib.
“A-ano raw ang sabi ng mga pulis?” I asked Sanches. Nakatingin ako sa mga kamay naming magkahawak pa rin. For some reason, his warmth was making me calm little by little. “Nakilala na ba nila ang mga suspect?”
He nodded slowly, a bitter expression was written all over his face “Hindi pa nila natutukoy. Pero base sa imbestigasyon nila, si Sir Tomas ang target.”
“N-no…” I cupped my mouth with my free hand. Parang pakiramdam ko dinudurog ang puso ko. “B-bakit? Anong atraso ni Daddy sa kanila para gawin nila ‘to?” Hindi ko maintindihan ang tadhana minsan. Oo, nagpapasalamat ako sa mga blessings na ibinibigay sa amin. Pero napaka-unfair lang dahil kapalit nito, kaligtasan namin. Bakit may mga taong gustong saktan ang iba na wala namang hinangad maliban sa kabutihan ng kapwa?
“Pang-ilan na ‘to, Sanches?” I asked him. “Ilang beses nang may nagtangka sa buhay ni Daddy?”
He stared at me. “Hindi mo alam?”
Bumitiw ako sa kanya. “Magtatanong ba ako kung alam ko? Aware lang ako no’ng bago siya mag-birthday dahil kausap niya ako sa phone.”
He took a deep breath. I knew, he was hesitating to tell me. Pero hindi ako papayag na hindi ko malaman.
“Bago ako dumating, sinabi niyang may nagpapadala na sa kanya ng threats.” He leaned forward, his elbows resting on his thighs. Napasabunot siya sa buhok niya, para bang sising-sisi sa nangyari. “Hindi ko na mabilang kung ilang beses na kaming inatake.”
“You gotta be… kidding me.” I glared at him. “Gano’n karami? To the point that you can't count them at all? Bakit hindi ‘to sinasabi ni Daddy?”
“Isa lang ang dahilan” bulong niya. “Ayaw niyang mag-alala ka. Ayaw niyang mawala ka sa concentration sa pag-aaral mo.”
Guilt was smashing my soul. Despite his kind and lively facade, hindi ko lubos maisip na madalas palang nasa hukay ang isang paa niya. Akala ko, ako na ang may pinakamalalang problema sa mundo dahil kay Damon. Hindi ko man lang naisip na wala ‘yon sa kalingkingan ng problema ni Daddy. Nakakatulog pa kaya siya sa gabi knowing na anytime may pwedeng manakit sa kanya? Sa amin?
Paano ako nakakaisip na magbakasyon, samantalang si Daddy ay pwedeng mapahamak anytime?
“This is just so unfair, Sanches. Kung sinuman ang mga kriminal na ‘yon, dapat mahuli na. Hindi kami matatahimik hangga’t malaya sila sa labas at laging nag-iisip kung paano i-trap si Daddy!”
“Kaya nga ako narito, hindi ba?” he whispered and gazed deep into my eyes. “Hanggang may magagawa ako, po-protektahan ko siya… at ikaw.”
“Bakit ako?” I turned my face away. Bigla kasing uminit ang pakiramdam ng mukha ko. “Sa kanya ka nagta-trabaho. Siya ang dapat bantayan mo dahil importante siyang tao.”
“Pero, ikaw ang pinakaimportante sa kanya.”
I bit my lip to suppress it from trembling again. But, the doctor came over just as I was about to answer.
“Mr. Arania is awake, Persephone. Hinahanap niya kayong dalawa.”
Tumingin siya sa amin ni Sanches.
I wiped the tears on my face and rushed to Daddy’s bed. Nakahawi na ang kurtina at isang nurse ang nakatayo sa tabi ng higaan niya.
“Oh, God…” Hinawakan ko kaagad ang kamay niya. “Mabuti at gising ka na, Daddy. Hindi ko alam ang gagawin ko kung may mangyayari sa ‘yo.”
He smiled. His expression somehow melted the mass of cold fear surrounding my heart. Okay na ako dahil okay na si Daddy. “You don’t have to worry about me, Persy. Nadaplisan lang naman ako sa balkat.”
“Daddy naman, eh,” I cried again. Bakit ba lagi niyang itinatago sa sakin na may iniinda siya? “Baliw ako kung hindi ako magwo-worry para sa ‘yo.”
“You shouldn’t be, baby girl,” he muttered, running his fingers through my hair. “Kaunting bagay lang ang sugat na ‘to. Pasalamat tayo kay dahil hindi niya hinayaang masaktan ka.”
Wala akong nakikitang bagay na dapat ipagpasalamat sa pagkakataong ito. I turned my head over my shoulder and gazed at Sanches. Kahit na may upuan naman, nakatayo lang siya. Doon ko napansin na hawak niya ang kaliwang braso. Nakabalot ‘yon sa benda. I contracted my brows. “May sugat ka rin pala?”
I tried to recall that terrible moment. Iniisip ko kung saan banda doon natamaan si Sanches. Was it when he fired back to those criminals? Or baka naman no’ng pinadapa niya ako at dinaganan? Siya ba ang sumalo ng mga bala na dapat sa ‘kin tatama?”
“Malayo naman ‘to sa bituka, ma’am. Huwag kayong mag-alala, makakapagtrabaho pa rin ako nang maayos kahit may sugat.” He was trying to make his face neutral pero halata ko namang tinatago rin niya ang kirot n’yon.
“S-salamat sa ginawa mo. Trabaho mo nga ‘to, pero hindi mo rin naman deserve na laging tumanggap ng bala.” I made a small smile. Kay Daddy naman ako lumingon. “Hindi na ako magbabakasyon. Okay na sa ‘kin ang magkulong muna sa bahay.”
Bumaling si Daddy sa nurse at kinumpasan na umalis muna. After that, he said, “No, Persy. Ngayon ko naisip na dapat umalis ka muna ng Manila.”
My mouth parted for a while before I managed to talk. “B-but, Daddy—"
“That’s final, Persephone. Sasama ka kay Sanches hangga’t hindi nahuhuli ang mga nagbabanta sa atin.” He must be so serious. Binanggit niya kasi ang buong pangalan ko. “Pero hindi kayo sa Ava Grande pupunta. I prepared a much safer place for you while I settle the problem once and for all.”
“Pero paano ka? Paano sina Mommy?”
“We’ll be safe, Persy. Dadagdagan ko ang security namin. Sina kuya at mommy mo, lahat sila bibigyan ko ng bodyguard.”
“Pero—"
“Sundin mo na lang ako.” He touched my hand and kissed it. “Magtiwala ka sa ‘kin. Magiging maayos din ang lahat.” He took a glance at Sanches who was checking his IV fluid. “Magtiwala ka rin sa kanya. Kampante akong hindi ka mapapahamak dahil siya ang kasama mo.”
O0o
It was three days ago after the restaurant shootout.
Halata ko naman na medyo naluluha si Mommy habang tinutulungan akong mag-pack ng mga gamit ko. Si Daddy naman, nakatayo sa likuran namin. He was feeling well, though naka-sling ang isang braso siya.
“Ano ba naman kayo,” I whispered, folding one shirt. “Bakit ang gloomy ng expressions n’yo? Magbabakasyon nga ako, di ba? Pupunta ako sa resort para mag-enjoy.”
“Kung ‘yon lang sana ang reason, baby girl.” Mommy touched my cheek. “But we all know na pupunta ka ro’n dahil iniiwas ka namin sa threats. Hindi mo na sana kailangan pang magtago kung nasa kulungan na ang mga nagbabanta sa Daddy mo.”
“I’ll make sure na makukulong ang mga ‘yon, once and for all,” Daddy stated, tapping Mommy’s shoulder. Kung ako lang, kaya kong magtiis. Pero ibang usapan na kapag pamilya ko ang kakantiin nila. Hindi ako matatakot na harapin sila. Basta maligtas ko lang kayo kahit ano pa ang kapalit.”
“Oh, Daddy, don’t say that. Kung may mangyari naman sa ‘yo, hindi namin makakayanan ‘yon,” I said and heaved a deep sigh. Isinara ko na ang maleta at tumingin sa kanila. “What if lahat na lang tayo ang magbakasyon?”
They both shook their heads.
“Hindi puwede,” Mommy said. “The company is on its crucial part, baby girl. Malapit na ang pagdating ni Mr. Tiu. Hindi maaaring iwan ang opisina dahil maaapektuhan ang pagdating ng investment.”
I let out a frustrated sigh. Alam ko naman ‘yon. Kaya ko lang nai-suggest kasi nalulungkot akong sa ganitong paraan ako makakakuha ng pansamantalang escape.
“Mom… Dad… may news ako sa inyo.”
Lahat kami ay lumingon kay Kuya Phillip. Kahit na kanina pa siya umuwi galing opisina, naka-button-down shirt pa rin. Nasa tainga niya ang kanyang cellphone nang lumapit kay Daddy.
“Nakausap ko ang caretaker sa resort. Ang sabi niya, may low pressure daw ngayon.”
“W-what?” Mommy’s eyes grew bigger and gazed at Daddy. “Tomas, kung ganyan ang panahon, hindi puwedeng tumuloy doon si Persy. Hindi lang dahil sa tsunami threat, paano kung tumataas pa ang tubig sa tulay?”
“I know, Dahlia.” Umupo si Daddy sa tabi ni Mom at hinawakan ang kamay niya pati na ang kamay ko. “Pero hindi natin iaatras ang plano.”
“So what do we do?” Kuya Phillip asked.
“Doon sila sa resort na malapit lang sa bahay ni Manang Fe. Doon sa Bolinao.”
Hindi ko alam kung matutuwa or mag-aalala dahil sa biglaang pagbabago ng schedule. Sanay na kasi ako sa Ava Grande resort sa Batangas. Anyway, willing naman akong subukan ang sinasabi ni Daddy. Kahit hindi ko pa napuntahan ‘yon, alam kong magiging safe pa rin ako dahil siya ang nag-recommend. Advantage din sa side ni Yaya Fe dahil puwede pa siyang mag-drop by sa bahay nila.
A while later, I found myself walking towards the huge SUV. Naroon na si Yaya Fe at nagpapatulong kay Sanches na ayusin ang mga maleta namin.I couldn’t help but notice his appearance. Simpleng V-neck shirt ang suot niya na nakatupi ang mga manggas pero ang tikas pa rin niyang tingnan. Mas highlighted nga ang lean arms niya kapag gano’n ang suot. Pati ang pagdadala niya sa denim jeans, halatang marunong magbihis.
At hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit natutuon pa ang atensyon ko sa porma niya.
My belongings took up almost the whole backseat. Samantalang silang dalawa, tig-isang travelling bag lang.
“Be careful, okay? Tatawag ka sa amin palagi,” paalala ni Mommy at niyakap ako. Ganoon din si Daddy.
Tinapik naman ni Kuya Danny ang balikat ni Sanches. “Pare, ikaw na ang bahala sa kapatid namin, ah. Kahit may pagka-brat ‘yan at immature, mahalaga pa rin siya sa ‘min.”
“Ewan ko sa ‘yo.” I rolled my eyes to him. “Inggit ka lang dahil wala ka pang bakasyon.” Tumalikod ako na naririnig ang tawanan nila hanggang sa sumakay na ako sa sasakyan. Ibinaba ko ang salamin ng bintana at kumaway sa parents ko. “See you next week!”
Pinilit kong ngumiti. But deep inside I was a bit afraid. Hindi para sa akin. Kahit naiilang ako kay Sanches, alam kong kaya niya akong proteksyunan. I was scared for my family. Sana maging okay lang sila habang wala ako. Sana maipakulong na namin ang mga walang-awang kriminal na ‘yon.
O0o
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulog. Basta nang sumilip ako sa bintana, medyo madilim na. Hindi lang madilim. Maulan din. I rubbed my eyes and touched Yaya Fe’s hands. “Nasaan na tayo? Bakit tayo huminto?
She blinked. “Naku, hija, Na-flat ang isang gulong sa likuran.”
“Huh?” Napaangat ang likod ko sa upuan at tumingin sa rearview. “Teka, nasaan si Sanches?”
“Pumunta siya sa pinakamalapit na talyer. Huwag kang mag-alala, doon lang ‘yon sa unahang kanto.”
My shoulders sagged. Bakit parang minamalas yata kami ngayon? Wala naman akong balat na butt. Si Yaya Fe kaya? Or si Sanches?
I gasped when Sanches knocked on my window. Kahit nakapayong siya, basa pa rin.
Ibinaba ko ang salamin. “What?” I asked, my eyebrow raised in irritation.
“Sarado ang talyer dahil sa lakas ng ulan.” Humihingal pa siya habang nagsasalita.
“Paano na ‘yan?” Bumaling ako kay Yaya Fe. “Paano tayo makakarating sa resort nito? Malayo pa ba ‘yon?”
“Naku, hija, malayo pa talaga. Mga apat na oras pa mula rito.”
“N-no way. Paano na ‘yan? Saan tayo mag-i-stay?”
Tumanaw si Yaya Fe sa likuran namin. “May lodge inn pala tayong nalagpasan. Nakita mo ba ‘yon, Sanches?”
“Opo, Yaya Fe. Napuntahan ko na nga rin. Pero may problema?”
Pati pa naman ‘yon problema pa rin?! “At ano naman? If it’s about the rate, kahit magkano ‘yan, babayaran ko, huwag lang akong matulog dito!”
“Mag-asawa lang ang tinatanggap nila. ‘Yon ang problema,” Sanches replied.