“Mag-asawa lang ang pinapapasok do’n?” I chuckled dryly. “Meron bang gano’n?”
“Meron. Sila.” Sanches pointed to the lodge.
Ngayon ako siguradong minamalas talaga kami. “Fine, forget about it,” I huffed and turned to Yaya Fe. “Sabi mo, malapit na lang dito ang place n’yo? Where is it? Doon na lang muna tayo mag-stay for this night.”
Napakamot siya ng batok. Mukhang hindi ko gusto ang ibig niyang ipahiwatig. Kasi kung payag siya sa suggestion ko, kanina pa siya nag-oo.
“Bakit, Yaya Fe? Anong problema? Malayo ba? Baka pwede nating i-tricycle or jeep.”
“Naku, hija. Hindi naman sa ayaw kong magpalipas kayo ng gabi doon. Pero alam kong hindi ka magiging komportable doon. Ni hindi ka makakatulog dahil napakaliit lang n’yon. Sa sala nga natutulog ang anak ko at asawa niya, pati na ang anim na anak nila.”
“Eh, saan ka naman po natutulog kapag umuuwi?” I asked. Imbes na madismaya dahil hindi ako puwede doon, mas nag-aalala tuloy ako sa kalagayan nila.
“Sa sofa. Doon ako pinapatulog ng anak ko. Pero kapag nasa mansyon ako, ang panganay nila na sampung taon ang umuokupa n’yon,” she replied with a smile. She looked contented. Kung ako siguro, mai-stress ako sa gano’n kasikip.
Siguro, pagkatapos ng problema namin ngayon, gagawa ako ng paraan para kay Yaya Fe.
Pumasok muna sa sasakyan si Sanches at umupo sa unahan. Without a warning, he pulled his shirt over his head, revealing a much toned torso. Hindi yata ako nakapaghanda kaya hindi ko namalayang halos nakatulala ako sa kanya. Kahit nakapagpalit na siya ng bagong shirt, pigil pa rin ang paghinga ko.
“Ehem…”
I blinked when Yaya Fe faked a cough. Hinawakan niya ang kamay ko. “Hija, wala kang ibang pagpipilian maliban sa pumasok kayo sa lodge na ‘yon.”
I pouted. “Narinig mo naman ang sinabi niya, di ba?” I tipped my chin to Sanches. “Mag-asawa lang ang allowed doon.”
“Eh, di magpanggap kayong mag-asawa.”
Sabay kami ni Sanches na nanlaki ang mga mata kay Yaya Fe.
“N-no way,” I protested.
“Pero kung ‘yon lang ang paraan para makapagpahinga ka nang maayos, bakit hindi?" Sanches muttered, gazing at me. “Sa harap ng receptionist lang naman natin gagawin ‘yon. Kapag nakakuha ka na ng unit, huwag kang mag-alala, kahit sa banyo ako matulog, mapalagay ka lang.”
I raised an eyebrow. Hindi rin naman makapal ang mukha niya. “At bakit naman ako hindi mapapalagay porque kasama ka?”
“Naku, tama na nga kayong dalawa,” sabat ni Yaya Fe. Siguro kung hindi siya umawat, aabutin ng magdamag ang pakikipag-argumento ko sa lalaking kasama namin.
Sanches exhaled soundly. “Yaya Fe, walang problema sa akin kahit saan ako isiksik. Ewan ko lang sa alaga n’yo.” He met my eyes in the rear mirror. Mabuti na lang at medyo madilim. Kung hindi, nakita na niyang namumula ako.
“Anong decision mo, Persy?” Yaya Fe asked me in a gentle voice.
I was silent for a couple of seconds. Kahit nakatanaw si Sanches sa labas ng bintana, alam kong hinihintay din niya ang sagot ko. Kung bakit naman kasi nahuhulog ako sa ganitong setting na kailangan ko pang magpanggap. Worst, asawa pa niya! Kung si Damon lang ang narito, hindi ko na kailangang pasakitan pa ang ulo ko sa pag-iisip.
“Fine, let’s go!” I yelled, finally.
O0o
The next thing I knew, we were in front of a male receptionist. Salit-salitan ang tingin niya sa aming dalawa ni Sanches. Bakit parang sobra naman ang pagsu-suspetsa ng lalaking ito? Nakaakbay na nga sa akin si Sanches. Ako naman, nakaangkla ang braso ko sa baywag niya. Magkahawak ang mga kaliwang kamay namin na parang naka-glue sa isa’t isa. Siguro, magwo-work naman ‘to.
“Ano, kuya? May room pa ba para sa ‘min?” I asked the receptionist. Hanggang tainga ang ngiti ko.
“M-mayroon naman, ma’am. Pero…”
“Pero ano?”
Tinuro niya kami ni Sanches nang salitan. “Mag-asawa ba talaga kayo?”
“Yes, boss.” Si Sanches ang sumagot. Napakaseryoso ng mukha niya. Hindi man lang ngumingiti. Kaya siguro nagdududa ang receptionist. “Ngayong umaga pa lang kami kinasal at dapat sa Bolinao kami pupunta para sa honeymoon. Pero tumirik ang sasakyan namin kaya dito muna kami magpapalipas ng gabi.”
I nodded a couple of times in approval. Kahit papaano, kalahati naman sa mga sinabi niya ay facts. “That’s right, kuya. Kaya sana naman, bigyan mo na kami ng room. Kahit magkano ‘yan, I don’t mind.”
The blond guy smiled. “Hindi naman po ang price ng rooms ang issue, ma’am. Ang gusto ko lang linawin ay kung mag-asawa talaga kayo. Kasi mahigpit talaga po kami rito. Hindi namin pinapayagan na mag-stay ang mag-bf lang. Siguro hindi ko na po kailangang ipaliwanag kung bakit.” May kinuha siya sa ilalim ng mesa at ipinakita sa amin. “Ito po ang mga ids and documents na kailangan ninyong ipakita at puwede na kayong tumuloy kung totoo ang sinasabi ninyo.”
I read the small paper silently. Lalo yatang nanlumo ang katawan ko. “M-marriage contract? IDs?” I looked up at Sanches. “N-Nadala mo ba… hun?”
His lips were tightly pressed together to a thin line as he shook his head.
“Ikinasal pa lang kayo kaninang umaga, bakit hindi ninyo dala ang marriage contract?” tanong ng nakakairitang receptionist.
I took a deep breath and urged myself to smile. Pero sa totoo lang, kumukulo na yata ang dugo ko. ‘Yong naaalala ko kung okay lang ang pamilya ko, ‘yong pagod sa biyahe, ‘yong lakas ng ulan at lamig na sumusuot sa pantalon ko na kanina pa basa. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayaning magtimpi.
Pasalamat kayo dahil kayo lang ang nag-iisang pwedeng tuluyan sa napakadilim na highway, kung hindi walang papansin sa inyo! “Kuya, hindi talaga namin dinala ang marriage contract kasi alam naming maulan. Better na naroon ito sa bahay namin, safe and sound.
“I’m sorry, ma’am… sir, pero hindi po talaga pwede.” He was shaking his head as if he was talking to the most unfortunate people.
“Boss naman, nakikita mo namang maulan. Buntis ang asawa ko. Kapag sinipon sila pareho ng misis ko, ikaw ang sisisihin ko.” There was a tone of threat in Sanches’s voice. Napaatras pa ang receptionist dahil pinanlalakihan niya ito ng mga mata. I, on the other hand, was aware I was gaping at him. Hanga ako sa way of intimidating niya, at the same time, shocked ako sa excuse niya. Where the eff did that preggy thingy came from?!
“Lance?”
I turned my head over my shoulder and spotted Yaya Fe walking towards us. Pero sa lalaking receptionist siya nakatingin. Ikaw na ba ‘yan? Her eyes were wide in amazement. That’s when I realized, the receptionist was actually Lance. Nakasulat ang pangalan niya sa suot niyang ID.
“I-inang Fe?” The guy Lance blinked his eyes a couple of times. Lumabas pa siya ng counter para hawakan ang mga kamay ni Yaya Fe. Suddenly, he hugged the petite old woman. “OMG, ikaw nga!”
I raised my brows. Biglang lumabas ang feminine side ni Lance nang makita si Yaya Fe. Crossing my arms over my chest, I asked them. “You know each other?”
“Oo naman, Persy. Itong si Lance ang anak ng pinaanak ko tatlong dekada na ang nakararaan. Kumadrona kasi ako bago napasok sa inyo,” she said ang touched his face. “Kumusta ka na, Lance? Ang laki mo na, ha. Huling beses na nakita kita, magtatapos ka sa kolehiyo.”
“Okay naman po ako, Inang Fe. Heto, nagwo-work na ako dito sa lodge, four years na rin.” He was also jumping for joy. Magkahawak pa rin ang mga kamay nila. Nagpatuloy sa pagku-kwentuhan na parang nasa talk show. I couldn’t help feel a bit… jelly. Ako lang dapat ang pinagtutuunan ng pansin ng Yaya ko,ha!
I faked a cough as a plan popped out in my mind.
“Yaya Fe, paano po ba ‘yan? Hindi kami pwedeng mag-check in ng asawa ko dahil naiwan namin ang marriage contract. May alam pa ba kayong hotel?” I blinked a couple of times as if getting her sympathy. Humawak pa ako sa tiyan ko. “Baka makasama kay baby na malamigan siya.”
Her jaw almost dropped when she stared at my tummy. Pero bigla rin siyang naalerto nang tumango-tango si Sanches.
“Ay, oo nga!” Muling hinawakan ni Yaya Fe ang mga kamay ni Lance. “Noy, ngayon lang hihiling sa iyo ang isang matandang katulad ko. Pagbigyan mo na ang mag-asawang ‘to. Kilala ko sila dahil ako ang nag-alaga diyan kay Persephone hanggang sa maikasal siya kay Sanches. Kahit hindi na para sa kanila. Para na lang sa baby nila.” She kissed his hands.
“H-huh?” Lance bit his lower lip. Tumingin siya sa amin ni Sanches na hindi maintindihan kung maiiyak o matataranta. “L-agot ako kay Manager nito.”
“Aakuin ko ang responsibilidad kung anuman ang mangyayari. Basta maawa ka naman sa mag-asawang ‘to. Kung kailangan ko pang lumuhod, gagawin ko, payagan mo lang sila.”
My eyes widened at her statement. Seryoso talaga siya. Luluhod talaga! Pipigilan ko na sana pero naunahan ako ni Lance.
“Oh, my God, Inang! Huwag mong gawin ‘yan!” He pulled her up. “Sige na. Exempted na sila sa ‘no certificate no entry’. Basta huwag kang luluhod at baka diktikin ako ng nanay ko pag nalaman niya.”
“Salamat, ‘noy. Tatanawin kong malaking utang na loob ‘to.” Niyakap uli ni Yaya Fe ang maarteng receptionist.
“Siya, Okay na. Pero may isang condition na lang.” Snapilly, Lance turned to Sanches. “Halikan mo muna ang asawa mo.”
“W-what?” I could feel my face and hands began to freeze. Lumayo pa ako kay Sanches pero napasingap ako ang ikawit niya ang braso sa baywang ko.
“Ano bang ginagawa mo? Mahahalata tayo niyan?” He was brushing his lips below my ears as if kissing me there. “Huwag mong sabihing tatanggi ka? Ito lang ang paraan para makapasok na tayo.”
“Ano ba ‘yan. Dapat sa lips, hindi sa leeg,” reklamo ni Lance.
I tried to smile. Pero sa loob ko, gusto kong sumigaw sa pagkairita sa receptionist na ‘to. Binubugaw pa niya ako? Sabagay, ang tingin nga pala niya sa amin ni Sanches ay mag-asawa. Si Yaya Fe naman, nakatingin lang sa amin. Parang pinipigilan niyang mapangisi.
“Alright,” I muttered, smiling to show how much I loved the kiss! “Bilisan mo lang."
With my permission, he grabbed the back of my head and pulled me to his face. Walang alinlangan na sinakop niya ang mga labi ko at ikinulong ako sa mga bisig niya.
His kiss was dominating, at the same time, sweet. Hindi ko alam kung gaano katagal 'yon. Basta no'ng bumitiw siya sa 'kin, naghahabol pa rin ako ng hininga habang pinagmamasdan ang pagkislap ng abuhin niyang mga mata.
What the eff? So far, this is the craziest situation I've gotten myself in!
Nangyayari lang ang mga ganito sa tuwing kasama ko siya.
****itutuloy :)*****