Kung ako lang ang sasaktan ni Damon para matapos na ang kabaliwan niya, I would surely give myself without any hesitations. Pero nakasiksik ang baril niya sa tagiliran ko kung saan malapit ang baby ko. Isipin ko nga lang na mawawala ang baby ko, pakiramdam ko tuluyan na akong mawawala sa sarili. Kaya hangga't may lakas ako, sinisikap kong pumalag. Unfortunately, babae lang ako at mahina kumpara kay Damon. Kung gugustuhin niya, isang sapak lang niya sa akin, siguradong mawawalan ako ng malay. "Did you plan all of this, you b***h!" asik ko sa kanya. "Hayop ka, Damon. Huwag mong sabihing lahat ng tao rito, idadamay mo sa kabaliwan mo! Kapag nasaktan ang pamilya ko, sisiguraduhin kong makukulong ka na!" "Shut up!" Napasigaw ako nang hinila niya ang buhok ko. Sa sobrang sakit, pakiramdam ko

