EZEKIEL . . Kahit takpan ko ang mga tainga ko, naririnig ko pa rin ang pagsigaw ni Tatay. Lasing na naman siya at kasalukuyang binubugbog na naman ang aking ina. Wala akong magawa kundi ang magsumiksik sa dulong bahagi ng aking hinihigaang banig. Maliit ang akin katawan ngunit mas maliit ang kumot na pinantatakip ko sa aking sarili. Saklolo. Tikom ang nanginginig kong mga labi ngunit malakas ang hiyaw ng aking isipan. Saklolo, tulungan ninyo kami. Kung totoo ngang may nagbabantay sa amin mula sa itaas, siguradong maririnig niya kami. Ngunit wala. O kung naririnig man niya ang aming pagdurusa ni Nanay, marahil nanonood lang siya habang abala sa pagdinig ng dasal ng iba. Napasingap ako nang may humila sa kumot. Nang lingunin ko si Nanay, kumirot ang aking puso nang mapansin ang mga

