PERSEPHONE . . Tumingin ako kina Daddy at Mommy. Nakangiti lang din sila sa akin. Hindi ko ma-interpret kung ano ang iniisip nila. “Tito Tomas, Tita Dahlia, Nakikiusap po ako. I love your daughter so much. Sana payagan na ninyo akong maikasal kay Persy.” Humigpit ang hawak ni Damon sa kamay ko habang seryosong nakatingin sa parents ko. “Sinisigurado kong magiging masaya siya sa akin. She’ll have the brightest future with me dahil kami ang magmamana ng kompanya namin. And about her security, hindi n’yo kailangang mangamba dahil hindi ako makapapayag na malagay siya sa alanganin. Her safety is my priority.” Humugot ng malalim na hininga si Daddy. “Nabigla ako sa proposal mo, Damon. Pero sang-ayon ako sa lahat ng sinabi mo. Lahat ng iyon, karapat-dapat lang para sa bunsong anak namin.”

