Hindi ko dapat tinanong ‘yon sa kanya. Paano kung mapasubo ako sa isasagot niya? Paano kung ang sabihin niya ay higit pa sa inaasahan ko? It wasn’t proper at all. “Importante ka sa akin…” He finally said after a long silence. “Ikaw ang taong kailangan kong protektahan dahil iyon ang trabaho ko, ma’am. Kaya sa anumang paraan, gagawin ko ang trabahong iyon.” “T-trabaho?” Bakit may kumirot sa dibdib ko dahil sa sinabi niya? Ang lahat ng ginagawa niyang pagpapahalaga sa akin at pag-iingat ay dahil lang sa trabaho? Iyon lang din ba ang dahilan kaya hangga’t maaari, hindi niya ako hinahayaang mabagot or malungkot? Trabaho rin ba para sa kanya na halikan ako nang sa gayon ay makalimutan ko pansamantala si Damon? I turned my head over my shoulder. Ang nakikita ko lang na portion ay ang braso

