PERSEPHONE . . The first few minutes of our travel was quite silent. But that was until Damon’s phone rang. As usual, ang kausap niya ang tungkol sa business. Noong una, mahinahon pa siya. Pero habang tumatagal, nagugulat na lang ako kapag sinisigawan niya ang kausap. Nabanggit pa nga niyang idi-demote ang huling kinausap niya bago ibaba ang kanyang cellphone. “Sorry about that, babe,” Damon said as he sighed. Hinawakan niya ang isang kamay ko at hinalikan. “Those people just couldn’t do their work properly without me around. They’re like headless chickens kapag walang boss na nakamasid.” I reached for his face and smiled. “Okay lang naman na kausapin mo sila. After all, kahit anong ginagawa natin, tumatakbo ang negosyo. Kahit nga natutulog tayo, nagta-trabaho pa rin ang iba para sa

