EZEKIEL . . Mula sa gate, hindi ko nilubayan ng tingin si Persephone hangga't hindi nakakapasok sa mansyon. Saka ako umalis nang matanaw kong sinalubong siya ni Manang Fe. Sigurado akong hindi niya sasabihin na ako ang naghatid sa kanya. Ayos lang naman sa akin basta't alam kong ligtas siyang nakauwi. Ano bang ginagawa ko? Labas na 'to sa trabaho ko. Apektado rin ang focus ko. Ngunit maaatim ko ba kung alam kong nag-iisa siya at walang maghahatid pauwi? Kilala pa namang mapanganib ang mga kalye na nakapaligid sa Delano Building. Marami na ang dinukot o ginahasa lalo na doon sa mga maliliit na eskinita. Mabuti na lang at tinawagan niya ako. Maaring nag-aalala na talaga ako sa kapakanan at kaligtaan niya. Ngunit kung iisipin ko ang totoong nararamdaman ko para sa kanya ay hindi pa ako

