"No!" Niyakap ako ni Damon nang mahigpit pero nanlalamig pa rin ako sa takot. Wala akong magawa kundi tahimik na umiyak. Hanggang sa napatili ako nang hablutin si Damon ng isa sa kanila. "No! Leave him alone!" Yakap ko ang sarili ko habang napapatalon. Pakiramdam ko mahihimatay ako sa takot lalo na nang hawakan ng isang lalaki ang braso ko. "Miss, gusto mo bang sumama sa amin?" He winked and they all laughed. "Tutal, wala namang silbi ang kasama mo. Tingnan mo, isang sapak lang, tulog na." "Pakawalan n'yo ako mga hayop kayo!" I managed to scream on the top of my lungs. Sa lakas n’yon, pakiramdam ko, nahiwa ang lalamunan ko. Unfortunately no one was coming to rescue us. Damon and I were trapped in an area were people wouldn’t want to go. Medyo madilim. ‘Yong liwanag lang na galing

