-ASTRID-
"Sis!" sigaw ko sabay tingin sa paligid "Ellena!" muli kong sigaw pero olats pa rin. Ayaw pa rin lumingon.
Paano siya nakapaglalakad nang ganyan kabilis diyan sa takong niya?. Sa bilis niyang maglakad ay kumapit ako sa strap ng bag ko at nanakbo papalapit sa kanya.
"Sorry na," panunuyo ko nang makarating ako sa harap niya pero tinalikuran niya ulit ako. "T*ngina naman, para na naman tayong magjowa neto oh—"
"Minumura mo ako!?" nanlaki ang mata ko sa gulat nang bigla itong himarap saakin.
Nanliit ang mata ko sabay kamot sa anit "Hindi…" mahinahon kong sagot dahil humahaba na naman ang nguso niya. Huminga ako nang malalim. "Siya yung nauna, hindi ako."
"Lagi naman 'e. Pag may binabanatan ka, laging sila ang nauuna!"
"'E totoo naman! Tatadyakan ko talaga sa puson yun!" Natatawang sagot ko sabay tingin sa relo kasi p*tanginang Barvin yun! Ngayon pa talaga sumakit ang ipin! Oras ko tuloy nadadamay!.
"You ruined my birthday party! Gusto ko sana magkaroon sila ng good impression sa'yo! Pero ano 'tong ginawa mo!?"
"Ruined agad? pwede ka pa namang bumalik doon," sagot ko sabay masahe sa panga ko kasi nadaplisan ako nung lalaking mistiso. Nahinto ako nang makarinig ako ng singhot kaya nag angat ako ng tingin kay Elle.
——
Habang naghihilamos ng mukha ay sumulpot ang isang babae sa tabi ko. Kaibigan 'ata ito ni Elle, mukha siyang sosyal na hindi marunong kumain ng tinapa.
Mula sa salamin ay nagtama ang paningin namin at tipid ko siyang nginisian. Kailangan kong magpakabait ngayon dahil birthday ni Elle.
"Hi" nakangiting bati niya at tinaas baba ko lang ang kilay ko. Kumuha ako ng bimpo sa bag at nagpunas ng mukha. "Nakita kita" napatingin ulit ako sa babae. "Nagbag ka ng maraming food kanina hahaha!"
"Ah haha! Oo, bigay ko sa kuya ko" sagot ko naman. T*ngina, nakakahiya haha.
"My goodness, kahit sino na lang talaga kinakaibigan ni Elle. Pati mga squaters hahaha!." Nawala ang ngiti ko at namalayan ko na lang na nakataas na pala ang isnag kilay ko sa kanya. Nakangiti lang siya sa akin. "Wala kasi talagang gusto maging kaibigan si Elle, kahit kami."
"Ano kamo?"
"You heard it right. We don't want Elle. For us para lang siyang back up friend. Aware naman yata siya doon, na sinasamahan lang namin siya dahil business partners ang mga parents namin." kwento niya at bahagya akong napailing.
"Pinaplastik niyo siya?" paglinaw ko at tumango siya.
"Come on! Alam ko rin namang ganun ka rin, she's rich and—" tinignan niya ako mula ulo hanggang paa "I know, you want money."
"Yan tama yan, insultuhin mo ako, 'wag lang si Elle"
"How sweet… but I don't care. I can insult Elle, As much as I want, 'cause I can."
Alisan ko na 'to baka masapak ko pa't tumabingi ang ilong, kawawa naman.
——
"Ayoko nang nakikisama ka sa mga 'yon ah" bilin ko at sinamaan niya ako ng tingin. "Ako na lang kaibiganin mo, ako lang." dagdag ko pa. Ayokong sabihin sa kanya yung mga sinabi nung letcheng baba na yun, baka masaktan si Elle.
"Ewan ko sa'yo"
"Seryoso ako, Sis. Ayoko sa kanila" iniwas ko ang tingin sa kanya.
"Why?"
"I-ininsulto ako e" palusot ko, ay hindi pala palusot 'yon kasi ininsulto rin naman talaga ako nung babae.
"Pero nag warning na ako sa'yo! Sabi mo hindi ka makikipag away!"
"Oo nga…" namulsa ako sabay buntong hininga "Sorry na nga."
"Sabi ko naman kasi mag dress ka! Be presentable—" umirap ako sa kawalan "pumayag ka right! Then look at you now"
"Butu nga ganito porma ko e, edi nag gitawa sana ako nang nakapalda" bulong ko sa hangin.
"What what what?" mabilis na sambit ni Elle.
"Bukas na ulit tayo mag away, kailangan ko nang umalis" paalam ko.
"No!"
"Babawi na lang ako, next time!" sagot ko at nakatingin lang siya saakin. Pinagkross niya ang dalawang braso niya. Mukhang payag na siya doon kaya ngumiti ako. "Okay na? Alis na ako ha. Balik ka na dun!"
"Babawi ka? Then papayag ka sa sasabihin ko" nakangisi niyang sabi.
"Oo! Kahit ano!" pagyayabang ko at kinindatan ko pa siya nang magtigil na.
"I-date mo si Caleb!"
Nawala ang ngiti ko at tinalikuran siya "Debale na lang, happy birthday" walang gana ko sagot habang naglalakad palayo. Ang tagal tagal na niyang kinukulit saakin yung kaibigan niyang 'yon!.
"Akala ko ba babawi ka!? I hate you!"
"Luh" mabilis ko siyang nilingon dahil yung sigaw niya ay halatang umiiyak na naman.
"'Wag na tayong mag usap! Forever!" sigaw pa niya sabay talikod.
Ano namang konek nung pakikipag away ko sa pag date doon sa kaibigan niya? Mema blackmail lang talaga 'to e. Parang engot talaga.
"Sis!" tawag ko sakanya at nahinto siya sa paglalakad pero hindi ako nilingon. "Sige na. Payag na ako." Tinaas niya ang isang kamay niya at nag 'ok-sign'. Wala na akong nagawa kundi magkamot na lang sa anit.
Ayoko talaga sa ideyang date date date na yan. Yung Caleb, matagal nang nirereto saakin ni Elle, hindi ko pa nakikita ang kaibigan niyang iyon dahil ayaw niya ipakita. Gusto niya raw masurprise kami nung Caleb pag nagkita na kami. Maganda nga, sira ulo naman.
——
"Boss oh" Inabot sa akin ni Lance yung gitara at padabog kong kinuha 'yon. Wala talaga akong ibang maaasahan sa banda na 'to. "Si Barvin nga yung pag initan mo huwag ako."
"T*ngina naman kasi 'nun. Ang tagal nang bukbok nung bagang niya, ayaw pa rin ipabunot" sagot ko habang inaayos ang electric guitar.
"Ginagalit niyo na naman si Boss." rinig kong sabi ni Ivan, yung vocalista namin.
"Ano? Tutugtog pa ba kayo?" napatingin kaming lahat kay Mariko. Baklang kumuha sa amin dito.
Naghanda na kami para tumugtog. Sa kalagitnaan ng pagtugtog namin ay sumagi sa isip ko yung sinabi ni Elle na mag da-date kami nung kaibigan niya.
Limang kanta lang ang tinugtog namin, pagkatapos 'nun, uminom muna kami. Isang beer lang, nabitin ako doon sa isa kanina sa birthday ni Elle. Pagkatapos 'nun umuwi na ako.
Naabutan ko si Kuya na nasa labas ng bahay.
"Anong oras na nandiyan ka pa," sita ko sabay hithit ng sigarilyo "Mamaya, pagkamalan kang suspect diyan." dagdag ko at bahagyang natawa.
"Akala mo naman kung matino. Nasan na yung take out?" kinuha ko sa bag yung binalot ko kanina sa party 'saka ko initsa sa patay gutom kong kuya. Napaaway pa ako dahil diyan sa pagbabalot ko ng pagkain.
Umupo ako sa tabi niya "Kumusta, kumusta application mo?" pangangamusta ko.
"Iyon nga e, hinintay talaga kita kasi may sasabihin ako" tumingin ako sa kanya "May nakausap na ako na pwedeng makatulong sa akin para makasampa na ako ng barko"
Kumunot noo ako "Sino?"
"Kompleto lahat ng dokumento niya, pinakita niya sa akin kaya sigurado ako na mapapasok niya na ako! Utol, heto na yun!"
Napangisi ako dahil magandang balita 'yon. "Edi goods" tipid kong sagot.
"Hindi pa goods"
"Hm?" kunot noo kong sagot.
"Kailangan ko ng Sixty thousand"
Napaubo ako dahil sa usok at dahil na rin doon sa sinabi niyang presyo. "T*ngina kuya, mangalakal ka na lang" walang gana kong sabi, sabay tayo pero hinawakan niya ang braso ko.
"Utol, tulungan mo naman ako"
Humarap ako sa kanya at tinapon kung saan ang upos ng sigarilyo ko. "Halos mabaon na ako sa utang kay Elle, sa tingin mo saan ako kukuha ng sixty thousand?" sarkastikong tanong ko.
"Edi umutang ka ulit, mababayaran ko naman siya pag nakasampa na ako e—"
Inambaan ko siya ng suntok at umiwas siya sabay pasok sa loob ng bahay. Sinundan ko siya ng tingin at wala sa sariling napailing. Masyadong ambisyosong mag seaman. Hindi na siya nadala sa nangyari kay Papa na nawala na lang sa gitna ng dagat.
Sinundan ko na siya sa loob at nilalantakan na niya yung inuwi ko. "Maghanap ka muna kaya ng ibang trabaho hanggang sa makapag ipon ka," suggestion ko habang papasok sa kwarto ko.
"Mao-over age na ako niyan, mas lalo akong mahihirapang mag apply."
"Subukan kong gawan ng paraan, pero kung wala, edi wala" sagot ko sabay sara ng pinto.
Ibinagsak ko ang sarili sa kama at tumingin sa kisame. Kailan ba matatapos ang krisis na 'to?. Parang araw araw na lang para akong nasa pagod kakasabak sa laban. Noon literal na laban, ngayon laban naman sa buhay. Tapos dumagdag pa itong kuya kong pabigat. Dapat ako ang binubuhay niya, hindi iyong siya pa ang binubuhay ko. Kulang na lang maging caretaker siya nitong bahay kasi tambay lang siya rito lagi.
Kinuha ko ang cellphone ko nang tumunog ito. Napangiti ako nang makita ang pangalan ni Elle. Buti na lang may kaibigan pa ako. "Hello" sagot ko sa tawag niya.
"Sis!" Nailayo ko ang cellphone sa tapat ng taenga ko kasi gag* ang sakit sa taenga.
-ELLENA-
I'm so brainy talaga. Edi napapayag ko rin si Astrid na makipag date siya! Finally! I'm so excited.
Sa sobrang excited ko ay mabilis kong tinawagan si Caleb para sabihin sa kanya ang good news.
"Caleb!"
"Hey, where are you?"
"Here, Going to my birthday party, I—" wala sa sarili kong naibaba ang phone ko at napanganga dahil sa tao'ng nasa harap ng bar namin.
It's Caleb!.
"Ahh!!!" Sigaw ko at nginitian niya ako sabay kaway. Nanakbo ako papalapit sa kanya and I hugged him!.
"Happy birthday, Ellena" bati nito at naramdaman ko ang kiss niya sa ulo ko.
"I missed you!" hinampas ko siya sa dibdib "Why didn't you say you were coming!?" galing pa siya ng Canada!.
"It's not a surprise if I said that, by the way here's my gift."
Kinuha ko ang regalo niya at napasungo ako kasi.. "Sayang, Astrid was here earlier."
"Here we go again," buntong hininga niya, parehas sila ni Astrid na ayaw ma-meet ang isa't isa. Kaya pag nag-meet talaga sila— nakaka excite!.
Caleb is my childhood best friend, elementary pa lang kaibigan ko na siya pero nag decide ang parents niya na mag migrate sa canada for good. Hindi naman nawala ng contacts namin kasi there's a lot of social media naman.
Pagbalik ko sa loob ay mukhang bumalik naman sa normal. Yung mga kaibigan ko ay nakaupo na lang at nagkwentuhan. I'm sure, si Astrid ang topic nila. That Briana! Dapat talaga hindi ko na siga in-invite e.
Hila hila ko si Caleb na pumunta sa mga pinsan ko. "Guys, guess who's here!" masayang sabi ko at nagulat sila nang makita si Caleb. They know Caleb. Habang nagkakamustahan sila ay pumunta ako sa mga kaibigan ko.
I crossed my arms in front of Briana. "You really messed with the wrong person, Girl." taas kilay kong sabi sa kanya at umirap siya sa kawalan. "How dare you, Insulted my friend?"
"Girls! Let's just have fun!" biglang singit ni Ingrid.
May mali sa Briana dahil ininsulto niya si Astrid, may mali rin si Astrid dahil hindi niya kinontrol ang galit niya. Binilin ko siyang 'wag gagawa ng gulo 'cause I know her, I know her bad temper— pero useless. Wala na akong magagawa sa pagiging mainitin ng ulo niya.
Nagtuloy ang party, pero nasa isang tabi lang si Caleb, using his cellphone. I sat next to him kaya ibinaba niya ang phone niya. "How are you? Bakit biglaan ang pag uwi mo?" nakangiting tanong ko.
Bago siya sumagot ay kinuha niya ang shot glass 'saka uminom. "Because, I missed you"
Umirap ako sa kawalan "You're so dramatic. Why nga?"
"I want a vacation." nakangiting sagot nito at tumango naman ako, may biglang sumagi sa isip ko kaya napangiti ako.
"Baka naman… you just wanna meet Astrid? Yiieeee" panunukso ko at natawa siya habang nakatitig sa akin.
Pag naguusap kami ay hindi nawawala sa topic si Astrid, alam lahat ni Caleb yung tungkol sa pagiging savior sa akin ni Astrid. Na-amazed nga siya e. Kaya matagal ko na silang nirereto sa isa't isa. Pinakita ko na ang picture ni Astrid kay Caleb, pero hindi pa nakikita ni Astrid si Caleb.
"Omg! Omg! Omg!" mabilis kong sambit habang niyuyugyog ang braso ni Caleb nang maalala ko na— "Pumayag na siyang makipag date sa'yo, Caleb!"
"I hate you, Elle" umiiling nitong sabi but I don't care.