Chapter1
-ELLENA-
"Elle! Happy birthday!" Napanganga ako sabay ngiti nang makita ko ang mga kaibigan ko galing sa university na pinasukan ko noong high School.
"Hey!" Bati ko naman habang patakbo akong pumunta sakanila para salubungin sila. It's been a long time since we last hung out. "Naku, pumasok na kayo sa loob! Let's party later! I'm so happy, you really made it!"
"Of course, Elle! Pupunta talaga kami! By the way—" hinila ni Ingrid ang lalaki sa likod niya. "This is Fin, My boyfriend—" hindi na natapos ni Ingrid ang sinasabi niya nang biglang lumapit saakin ang boyfriend niya at inilahad ang kamay saakin.
"Hi, Elle. Happy birthday" bati nito saakin.
"Thanks" awkward kong sagot at nakipahshake hands din ako sakanya pero saglitan lang dahil, nawiwierduhan ako sa smirk niya. I'm just not really comfortable. "Pasok na kayo sa loob!" Nakangiting aya ko sa iba pa naming barkada.
"How about you?" taas kilay na tanong ni Briana, kaibigan ko rin.
"Hmm.. Susunod ako, may hihintayin lang." sagot ko at nanliit ang mata niya.
"Boyfriend? May boyfriend ka?"
Napangiti ako "More than that. Pumasok ka na nga lang" pagtataray ko sakanya at inirapan niya ako bago siya pumasok sa loob. I really hate that girl, hindi ko nga alam kung ba't pa yan napasama sa circle of friends ko! Ugh! Masyadong insecure saakin. I mean, hindi ko aiya masisisi.
Nasaan na ba kasi yung tao na yun!'
Ilang saglit pa ay napabagsak ang dalawang balikat ko nang nakita ko na ang isa ko pang kaibigan. May hawak siyang sigarilyo habang mabilis na naglalakad papalapit saakin.
"Naninigarilyo ka na naman!?" Inis kong tanong.
"Happy birthday, Sis!" Nakangiting bati niya habang umuusok pa ang bibig niya. "Party party!" Sigaw pa nito habang sumasayaw papunta sa akin.
Tumalim ang tingin ko sakanya. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa to check her outfit at lahat ng mga bilin ko tungkol sa magiging outfit niya ay walang nasunod. She's wearing Cargo pants, Oversized Shirt, Oversized Chaleco vest at naka sombrero!. Ugh! Kaya kami napagkakamalang mag jowa dahil porma niyang iyan!. Lagi na lang ganyan ang sense of fashion niya.
"Oh god" singhal ko at napapikit sabay hilot sa sintido. I really don't know what to do with this girl.
"Huy!" Kinalabit niya ako at tinapat sa mukha ko yung paper bag. "Kanina mo pa ako hinihintay?" tanong niya habang nakangiti.
Inabot ko yung gift niya at pinagkross ko ang dalawang braso ko "Sis! Ang sabi ko mag dress ka 'diba." kalmado kong sabi. Ayoko naman siyang sigawan dito.
"Dress? Wala ka namang sinabi ah" pagsisinungaling niya sabay hithit sa sigarilyo niya.
"You're lying again!" Inis kong sagot. "At sabi ko 'wag ka nang manigarilyo 'diba! Dito pa talaga sa party ko—" nahinto ako nang biglang niyang tinapon kung saan yung sigarilyo niya.
"Gutom na ako" sambit niya at nilampasan niya ako papasok sa loob ng resto bar. Sinundan ko siya nang tingin at wala sa sariling napailing. There is absolutely nothing I can do to make her change. Unless, pag nag meet sila ni Caleb.
Hay Caleb, sayang hindi pa siya makakauwi edi sana nameet niya na si Astrid. Gusto ko na talagang magkaroon ng boyfriend si Astrid kasi I'm hoping na magbabago siya at para na rin hindi kami pagkamalang mag jowa. I really love Astrid, para ko na siyang kapatid. Like kung pipili ako kung sino ang magiging kapatid ko forever ay siya talaga yun. Pero hindi ko siya kayang jowain!.
"Huy!"
Umirap ako sa kawalan sabay lingon sakanya, akala ko ba nakapasok na siya't kumakain na!?. "What?" tanong ko.
"Ano pang ginagawa mo diyan? Nag iimagine?" tanong niya habang nakataas ang dalawang kilay niya sabay kagat doon sa hawak niyang cupcake. "Tamis" sambit pa niya.
"May hinihintay ako! Dun ka na nga lang sa loob!" Reklamo ko. Alam kong kokontrahin na naman niya ako pag nalaman niya kung sino ang hinihintay ko.
Ngumisi siya sabay tawa. I knew it, kilala niya talaga ako. "'Ta mo! Nag iimagine ka nga!. Hindi darating yun! Asa ka! Haha!—" biglang nagsalubong ang kilay niya sabay tingin sa cupcake na kinakain niya. "Ba't sobrang tamis neto?" Reklamo niya.
I pouted and crossed my arms. "Do you really think he won't come?" Malungkot kong tanong.
"'Wag ka nang umasa" lumapit siya saakin at hinila ako papasok sa loob. "Pasok nalang tayo, dagdagan mo yung maaarte sa loob."
Bahagya akong natawa at napailing.
Sayang naman yung effort kong iinvite si Hudson. Pero tama naman si Astrid, hindi niya ako sisiputin. Baka busy siya? Siyempre nag Ma-masteral siya e, I'm sure busy siya sa acads at business nila.
Sa ideyang iyon at napangiti na lang ako. Kahit kailan talaga kaya kong pasayahin ang sarili ko dahil sa pagiging overthinker ko hehe. Masaya na rin naman ang birthday party ko kasi kasama ko ang mga friends ko lalo na si Astrid. I am happy because Mom and Dad allowed me to celebrate my birthday here at our bar. Wala naman silang magagawa dahil nasa business trip sila, kaya pumayag nalang sila.
"Doon muna ako ah!" Paalam ni Astrid sa tapat ng tainga ko habang turo turo ang isang direksyon at tumango naman ako. I know she is not comfortable here in my other circle of friends.
"Astrid, akala ko ba nilayuan mo na yang jologs na yan? Hahaha! I mean look at her she looks like—"
"Shut the f*ck up, Briana!" pambabara ko sakanya at nagkibit balikat siya sabay inom sa wine.
"Calm down girls! Let's dance! Come one! Let's party!" Aya ni Kyler, kaibigan ko rin.
Habang lumalalim ang gabi ay party lang kami nang party. In fairness sobrang naeenjoy ko ang birthday party ko kahit wala ang parents ko. Hindi ko inisip na may pasok bukas, bahala na kung mag mukha akong zombie pag gising ko, marami naman akong make up.
Habang sumasayaw kami sa dance floor ay napansin ko si Astrid na wala doon sa pwesto niya.
"Where's Briana?" napatingin ako kay Ingrid na nagtanong.
"Baka nasa C.R" sagot naman ni Kyler.
Tumingin ako sa entrance ng comfort room at nakitang lumabas doon si Astrid. Napatingin agad ako sa facial expressions ng mukha niya at napailing ako. Sinundan ko siya ng tingin hangang sa makaupo siya. Pagkaupo niya uminom siya ng beer, sabay sandal pagbaba ng bote. Nagkatinginan kami at ngumiti siya.
"Come here" I mouthed habang nakangiti pero umiling siya sabay kuha ulit sa beer niya. Pag inom niya ay bumalik ang ganoong facial expressions niya.
Iyong ganoon na facial expressions niya…..
—FLASHBACK—
"Ang ganda naman ng earings mo" Habang nakatingin sa desk ko ay nanlaki ang mata ko. "Ellena, pahiram" nakita ko ang palad ni Danica.
"Halla Danica, parang ayaw niya hahaha!"
"Tapang mo na ah! Hahaha"
Mariin akong napapikit nang mauntog ako sa desk. Mabilis akong umangat ng tingin habang naluluha na. "Bigay 'to saakin ni Mom, b-bibigyan n-nalang kita ng iba—"
"Sino ba nagsabing hinihingi ko? Hiram nga lang e" nakangising sagot saakin ni Danica. Hanggang sa biglang nag iba ang ekspresyon nito. "Ibibigay mo o hindi?"
Habang nanginginig ang kamay ko ay dahan dahan ko itong hinawak sa tainga ko upang alisin ang earings ko. Hindi naman talaga niya hihiramin ito e. Alam kong once na binigay ko na ito sakanya, hindi na niya ibabalik gaya nung kwintas ko, yung singsing ko, yung jacket ko, yung ipad ko at ngayon pati itong earings ko.
"Ah!"
Mabilis akong napatayo sa gulat nang biglang may mang untog sa ulo ni Danica sa desk ko. Mula kay Danica ay umangat ako ng tingin at nakita ko ang isang kaklase ko na kunot noong nakatingin saakin.
Si Astrid, siya yung laging may pasa sa mukha kapag pumapasok.
"Tanga ka ba para mag pabudol sa bwakanangin*ng 'to!?" kunot noo niyang tanong saakin at hindi ako makasagot. Napanganga lang ako habang nakatingin sakanya. Habang nakatingin sakanya ay natakpan siya ni Danica na tumayo habang inis na inis ang mukha. Pagharap niya kay Astrid ay napaatras ako at napasigaw.
"Ah!!" Napatakip ako ng bibig nang bigla niyang sakalin si Danica. Kinontrol niya ang ulo nito, paatras sila nang paatras hanggang sa mapin niya si Danica sa pader habang sakal sakal ito. Nanakbo ako papunta sakanila.
"Hindi ka pa nakontento sa lahat ng ninakaw mo sakanya?" mahinang tanong ni Astrid kay Danica.
Si Danica naman ay hindi makapagsalita at hirap na hirap habang hawak ang braso ni Astrid.
Ngumisi si Astrid "Rindeng-Rinde na ako sa ngawngaw mo—" nahinto si Astrid nang may sumabunot sakanya. Nabitawan niya si Danica.
Oh no'
Tumabi ako para hindi madamay sa away nila, pisikalan na yata ang mangyayari. Panay ang ubo ni Danica habang nakahawak sa leeg niya. Si Astrid naman ay nakatingin sa kawalan habang nakasara ang kamao nito. Ngumisi siya at hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari.
Bigla niyang sinapak sa mukha yung isang bully na sumabunot sakanya. Sunod sunod na ang nangyari, nang makarecover si Danica sa pananakal sakanya ni Astrid ay nakipag away na rin siya. One versus Six.
Hanggang sa may dumating sa guard. Nang mapatigil sila ay doon ko narealize kung anong mga nangyari habang nag aaway away sila. Lahat ng bullies halos hindi makapaglakad papuntang guidance office.
—END OF FLASHBACK —
Na kicked out si Astrid.
At sumunod ako sakanya. Simula noon hindi ko na siya nilubayan, I badly want her to be my friend. Naging magkaibigan kami, marami siyang good sides at sobrang nag click kami. Basagulera nga lang siya minsan kasi nag gi-gig siya sa mga bar as guitarist, pag may nambabastos sakanya, automatic ay may benda na naman sa kamao niya. No wonder lagi siyang may bangas nung grade 12 kami.
Pagkatapos ng Senior High, pumunta siya nang probinsya kasi ayaw na raw niya mag aral. Bumalik siya dito sa city para samahan ang kuya niya na mag sea-seaman at natuloy rin sa pag aaral kasi pinilit namin siya ni Kuya Ryan. Lumipat ako sa university na pinapasukan niya, drinop ko lahat ng subjects ko doon sa previous na university na pinasukan ko para sabay kami at magkablockmate.
Kakasunod sakanya, alam ko na ang ugali niya. Kung paano siya magalit, kung paano uminit ang ulo niya, kung gaano siya kabuting kaibigan at kapatid.
Ayaw niya ng nalalait siya lalo na ako at ang kuya niya. Mababa ang pasensya niya at pag may time na napipigil niya iyon, well it's a miracle pero kung hindi…..
"Hahaha!" Napatingin ako kay Briana na tumatawa habang papalapit saamin. Ibinalik ko ang tingin kay Astrid at nakitang walang gana niyang sinundan ng tingin si Briana.
"Promise, hindi ako makikipag away"
Wala ako sa sariling napatango nang maalala ko ang promise niya saakin kahapon nang bilinin ko siya na huwag makikipag away dito sa party ko kahit na ano pang init ng ulo niya. I know naman kasi na walang laban sakanya itong mga friends ko. Once na makipag away siya, sira na ang birthday party ko.
Nagtuloy ako sa pakikipag party. Hindi lang naman kasi mga kaibigan ko ang invited, siyempre pati mga cousins ko na kaedad ko. Kaya talagang minake sure ko na hindi makikipag away si Astrid kasi nakakahiya sa mga bisita.
Nang manawa na kami kakasayaw ay pumunta na kami sa pwesto namin para magkwentuhan at magpahinga na rin. Matagal na rin kasi talaga nung huling hang out namin ng mga ibang friends at cousins ko.
"Sis" napaangat ako ng tingin nang lumapit saakin si Astrid akaya tumayo rin ako ako. "Una na ako, may gig pa ako e"
"No no no" reklamo ko "Akala ko ba cancelled ang gig mo ngayon?"
Kumamot siya sa jaw niya "Nag text si Lance e, masakit daw ipin nung papalit sana saakin. Kailangan ko umalis—"
"Mas importante pa ba yan kaysa sa birthday party ko?" I crossed my arms.
"Come on, Elle! Let her go, she's not belong here!" Umirap ako sa kawalan sabay lingon kay Briana.
"I said shut up!" Inis kong sigaw.
"I'm telling the truth, I check mo yung bag niya! I'm sure may take out siya! Hahahaha!" pang iinsulto pa ni Briana at natawa na rin ang ibang friends ko.
"How dare you insul— Sis" Nahinto ako sa sasabihin ko sana nang mabilis na nilapitan ni Astrid si Briana.
"Ops ops!" Tumayo si Briana.
"Gusto mo talaga ng away?" Tinulak ni Astrid si Briana nang paulit ulit.