Naiwang nag-iisip si Ethan nang umalis si Marga. Bago ito nagtungo sa opisina niya ay dumaan muna ito sa opisina ni Jayzee at alam niyang nagtagal ito doon. Nakita niya ito kanina dahil balak niyang kausapin si Almira at yayaing mag dinner mamaya, pero napigil nang makitang pasilip-silip si Almira sa opisina ni Jayzee habang kausap nito si Marga. Hindi niya alam kung ano ang ibig nitong sabihin na baka maunahan siya ng pinsan. Mas lalo niyang gustong yayain si Almira mamaya para umpisahan na ang panliligaw dito. At dahil hindi mapakali sa iniwang salita ni Marga ay pinuntahan niya ang opisina ni Jayzee para kumustahin. "Hi, Ethan, nakapag usap na ba kayo ni Marga tungkol sa Tagaytay project?" "Hindi pa. And I want her father to handle it instead of her." "Why not? Marga's idea

